CHAPTER 17.2

3K 238 109
                                    


-



Pagkatapos ng klase, nagpaiwan ako saglit sa silid para ayusin ang gamit ko. Kasama ko si Gwen, na abala sa pagkukwento ng kung anu-anong mga kalokohan sa ibang section, mga inside joke na hindi ko naman laging gets, pero nakakatawa pa rin sa paraan ng pagkukwento niya.



Nasa harap ng teacher's desk si Ma'am Kate, abala sa pag-aayos ng mga papel. Hindi ko siya agad napansin, pero nang tumingin ako sa direksyon niya, nahuli kong nakatingin siya sa amin. Saglit siyang lumingon pabalik sa ginagawa niya, pero parang... may kakaiba sa kilos niya.



"You two seem to be having fun," she says without looking at us. "What are you talking about?"



Napalingon ako kay Gwen, tapos pabalik kay Ma'am Kate. "Wala lang po, Ma'am. Sinasabi lang ni Gwen 'yung joke na narinig niya sa kabilang section."



"Oh, so it was a joke," ulit niya, sabay tingin kay Gwen. "Must be really funny, huh? You've been laughing for a while now."



Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakapansin, pero parang may ibang tono 'yung sinabi niya. Sakto namang clueless si Gwen, kaya tumawa lang siya at nagpaalam na aalis na. Pagkaalis niya, hindi pa ako nakakatayo nang biglang lumapit si Ma'am Kate. Akala ko may itatanong siya tungkol sa assignments, pero hindi siya nagsalita agad.



Nagbiro ako para basagin ang pagkailang. "Baby, are you jealous?" Sabay tawa, para hindi masyadong seryoso.



Akala ko magbibiro rin siya pabalik, pero imbes na sumagot, saglit siyang napalabi. Saka siya umiwas ng tingin.



"Class is over." Tikhim niya.



Tumango ako, pero bago ako tuluyang makalabas, bigla niyang hinawakan ang braso ko. Hindi mahigpit, pero sapat para pigilan akong umalis agad. Bumulong siya, may bahagyang ngiti pero ramdam kong seryoso.



"Don't get too close to others."



Napatitig ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano dapat tumugon, pero isa lang ang sigurado... hindi lang basta biro ang selos niya.



Ngumisi ako at kumindat kay Ma'am Kate bago lumabas ng classroom at magtungo sa library. May kailangan akong isauling libro, kaya dumaan muna ako doon bago tumuloy sa ibang lugar.



Pagkatapos kong isauli ang libro sa library, dumiretso ako sa school gym kung saan nagaganap ang susunod na shooting scene ni Thalia. Ang gym ay puno ng kagamitan para sa shoot, at may mga ilaw na nakatutok sa set, na nagbigay ng isang komplikadong aura sa buong paligid. Ang ingay ng crew at mga kagamitan ay nagsisilbing background habang papalapit ako.



"Kris!" Tawag ni direk bago ko pa man malapitan si Miss Thalia.



Lumapit ako kay Direk, nagtaka sa inabot niyang sobre. "Ano 'to?" Tanong ko, hindi ko alam kung anong klaseng sorpresa ang ibinibigay niya.



"Yung usapan natin, salamat sa tulong mo. Mukhang mas maraming manonood sa pelikulang ito dahil sa iyong pagganap." Napakunot ang noo ko, hindi ko naman ini-expect na may epekto ang ginawa ko sa pelikula. Wala akong ginawang espesyal, kaya't medyo naguguluhan ako sa sinabi niya.



Ngumiti ako ng pilit at nagpasalamat kay Direk. "Sige, salamat po. Kung may gusto pa kayong ipagawa sa akin, sabihan niyo lang ako, pero syempre may bayad pa rin." Biro ko kuminang ang mga mata ni Direk sa tuwa.



"Walang bawian! Hahaha! Sige, itago mo na yang pera mo. Magsisimula na kami." Sabi niya, sabay tapik sa aking balikat.



Nagtungo siya pabalik sa mga kasamahan niya at nagtakda ng mga huling detalye para sa shoot. Hindi ko napigilang silipin ang sobre sa aking kamay. Sobrang kapal, at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang laman-300K! Ang laki! Ang isang simple at mabilis na shoot bilang extra, pero hindi ko inaasahan na makakakuha ako ng ganitong halaga.



🎉 Tapos mo nang basahin ang ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ᴋʀɪꜱ ᴀꜱᴛᴏʀ ᴄᴀᴅᴇʟʟ 🎉
ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ᴋʀɪꜱ ᴀꜱᴛᴏʀ ᴄᴀᴅᴇʟʟ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon