-"Kris! Baka pwede gawin mo ang assignment ko oh? Sige na, libre kita ng lunch." Kanina pa ako ginugulo ng lalaking ito, anong tawag sa kanya? Pusit?
"Nandito tayo sa paaralan para matuto, hindi para magpagawa ka ng assignment. Bakit nag-accounting ka pa kung mahina ka pala sa numero?" Diretsong sagot ko sa kanya. Hindi 'yun pang-iinsulto at sinasabi ko lang ang totoo para matauhan siya.
Nakita kong napakunot ang noo niya, halatang hindi niya inaasahan ang sagot ko. "Ano bang problema mo? Wala kang empathy?" Inis niyang tugon.
"Meron, pero hindi ko gagamitin 'yun para suportahan ang katamaran mo," sagot ko, nakataas ang kilay habang nakapamulsa. "Kung gusto mong pumasa, aralin mo. Hindi 'yung ipapasa mo lang sa iba." Natahimik siya. Alam kong nasaktan siya sa sinabi ko, pero kung tutuusin, hindi ko kailangang mag-sugarcoat. Minsan, kailangan mong marinig ang masakit para matauhan ka.
"Naging exchange student ka lang, naging ganyan ka na ha! Ibalik mo ang dating Kris!" Sigaw niya habang pilit akong inaalog. At 'yun ang pinaka-ayaw ko.
Mabilis kong tinabig ang kanyang mga kamay at sinipa siya sa tiyan, dahilan para mapaatras siya ng ilang hakbang.
Napahawak siya sa tiyan niya, halatang nagulat at nasaktan. "A-Ano ba, Kris?!" Sigaw niya, puno ng gulat at bahagyang galit.
Tumingin ako sa kanya ng malamig, walang emosyon. "Wag mo akong hinahawakan ng basta-basta." Matigas kong salita. Hindi ako natutuwa sa ginagawa niya at hindi ko kailangan ipaliwanag pa.
Napaatras siya, halatang hindi niya ako inaasahang gaganti ng gano'n. "Iba ka na talaga..." Mahina niyang bulong at may kung anong kirot sa tono ng boses niya. Tama. Iba na ako. At kung iniisip niyang may babalik pang dating Kris- nagkakamali siya.
"Wala ka na ngang empathy, pati ba naman sympathy?" Pagtatampo nito, bahagya kong itinaas ang kilay at tumingin sa mga mata niya.
"Meron ako." Sagot ko
"Ng ano?"
"Apathy," sambit ko.
"Kanino naman?"
"Sayo," sabay ikot ng mga mata ko, tumayo at lumabas ng classroom.
Binilisan ko ang bawat hakbang para hindi na ako sundan ni Pusit. Ayokong makipagtalo, ayokong magsayang ng oras.
Dumiretso ako sa opisina ni Ma'am Kate, at nasa corridor pa lang ako, tanaw ko na agad ang lalaking nagngangalang Arthur-ang lalaking sunod nang sunod sa kanya na parang anino.
Napailing ako. Hindi ba siya napapagod? Para siyang aso na laging nakadikit, laging nakabantay. Nakakapagod tingnan.
Huminto ako sandali, pinagmasdan kung paano niya kausapin si Ma'am Kate-halatang nagpapapansin, halatang gustong magpasikat.
God, Arthur, get a grip.
Huminga ako ng malalim, tinuloy ang paglalakad at dumiretso sa opisina. Wala akong oras para makisali sa drama niya.
Napansin kong naiirita na si Ma'am Kate. Wala sana akong balak makialam, pero asawa ko kasi 'yang nilalandi niya. Huminto ako sa tabi ni Ma'am, marahan kong hinila ang kanyang braso at walang sabi-sabing hinalikan siya sa pisngi bago siya niyakap mula sa likuran.
Ramdam ko ang biglang pagdadalawang-isip ni Arthur, kita ko sa sulok ng mga mata ko kung paano siya napakurap at nag-panic nang bahagya. Ngumiti ako ng matamis kay Arthur, isang ngiti na puno ng pagmamay-ari at pahiwatig. Pagkatapos, ipinatong ko ang baba ko sa balikat ni Ma'am at dahan-dahang inamoy ang kanyang leeg.
![](https://img.wattpad.com/cover/330138648-288-k463940.jpg)