My husband is a Police

527 9 1
                                    

"Mahal na mahal kita Yna, sana pagbalik ko ako pa rin nandyan" at tinuro niya talaga yung part kung nasaan yung puso ko.

"Of course, i will" sabi ko sa kanya , naiiyak nako.

Nandito kami sa labas ng bahay namin, nagpapaalam siya. Yes aalis na siya.

Hinalikan niya ko sa noo "Anatyin mo ako okay? Yung mga bilin ko sayo. Pangako pag balik ko magkakasama na tayo ng matagal" sabi niya ng nakakatitig lang sa mata ko,

Tumango-tango ako,

"P-please bumalik ka ha? Mamimiss kita" hagulgol na sabi ko.

"Oo naman ikaw pa, pakiss nga" at hinalikan niya ko ng matagal. Yung tipo na kami lang dalawa ang nandito sa mundo.

Inilayo ko na yung mga labi ko saknya kasi naiiyak lang ako.

"Pwde ba wag kana umalis?" Tanong ko ng humahagulgol na nakayuko.

Inangat niya ang mukha ko gamit ang dalawa ng kamay.

"Babe, diba napagusap na naten to?" Tumango nalang ako at niyakap siya ng mahigpit.

Ayaw ko man mahiwalay sa kanya pero wala akong magagawa. Pangarap niya iyon, alangan pigilan ko siya.

"Aalis nako babe, nagaantay na yung maghahatid sakin" sabi niya ng nakangiti.

"Oo nga anak malalate na yang si Ethan, baka mamaya di na umalis yan" natatawang sabi ni mommy.

"Go ahead" sabi ko ng nakayuko pa rin.

"I love you babe, akin ka lang ah? At akin lang yan habangbuhay. Antayin moko 4years lang babe, pagkatapos nun. Magpapakasal na tayo" sabi niya kaya mas lalo akong napahagulgol.

"Sige na, i love you too. Magingat ka doon ha, no girls" tinignan niya ko at biglang tumawa ng malakas.

"Seriously babe? Pati sa academy may pagseselosan ka?"

POUT*

Bigla nya ko hinalikan "Sige na alis nako" tumango ako.

Lumakad na siya patalikod, pero pag dating niya sa tapat ng kotse. Bigla ko siyang niyakap sa likod. Humarap siya at hinalikan ako sa noo at niyakap ng sobrang higpit, saka sumakay sa kotse.

"I love you" sabi ko nalang sa hangin. Hanggang hindi ko na napigilan humagulgol.

Mamimiss kita Ethan Lim.

---

WARNING : Ang nasabing pangalan, lugar o kahit ano ay fictional lamang po ng iyong magandang Author ^___^ Vote,Comment and BE FAN.

A/N: Kilalanin natin ang mga bida sa kwentong ito. Sana magustuhan niyo.

Kahit po walang magbasa nito, itutuloy ko ito at walang makakapigil sakin. Hahahahaha! XD

**
GENRE: Teen friction, Romance(Spg)

--
PROLOGUE INTRODUCTION

*Park Shin-hye as Yna Alonzo
*Lee Min Ho as Ethan Lim
*Kim Woo-bin as Kevin Lee

Minsan sa tagal ng pagaantay mo, may dumadating din sa buhay mo, Pero ano ba ang gagawin mo kung bumalik na ang totoong mahal mo? Pero may mahal ka din na bago?

Ready?

My Husband is a Police (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon