Chapter twenty nine
Kevin's Pov
Nakalipas ang ilan araw ay hindi ko na nakikita si Ethan. Si Cali naman ay nakikita ko pa naman at busy siya ngayun sa pag momodel niya dito sa bansa.
Habang nakaupo ako tinitignan ko si Yna. Ang himbing pa rin ng tulog niya naiisip ko nga kung ako ba yung mahal niya pagkagising na pagkagising niya ba pangalan ko agad tatawagin niya? Kung di ko ba sinayang yung pagkakataon na kasama ko siya na wala pang ethan magiging kami kaya?
Flashback
Kasama ko si Yna at sasabihin ko na gusto ko siyang ligawan.
"So ano yung sasabihin mo?" Tanong niya habang nakatuon sa binili namin frappe dito sa starbucks kami nakaupo.
Tinignan ko lang siya nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko saknya. "Ah eh" nasabi ko lang. Tumingin ito at ngumiti.
"Ano ba yun sasabihin mo crush?" Tanong nito at namumula pa yung pisnge niya. Ang cute niya *_*
Oo matagal ko ng alam na crush niya ko nung high school pa siya ako college na same school kami. Pa graduate na ko siya unang taon sa kolehiyo. Matagal na magkakilala ang family namin. Dahil na rin sa dinner ng family nagkita uli kami ni Yna. Dahil simula bata kami ay pumunta ako ng states.
Halos lagi kami magkasama, at halos lahat ay nakkwento niya sakin nung umalis daw ako may pumalit daw sakin ang pangalan ay Lucas kaso umalis din daw ito para mag-aral rin sa states. Sabi niya nga halos lahat daw kami ay iniiwan siya.
"I just missed you" sabi ko ngumiti naman ito.
"Gusto lang kita makasama, lagi ka na kasing busy. Ako walang ginagawa dahil pa graduate na ko. Di naman kita makita madalas sa school." Sabi ko ng naka pout.
"Hahahaha sorry busy na alam mo naman finals marami pinapagawa mga professor" sabi nito ng humahagikngik sa tawa.
"Kahit na sana may oras ka pa rin sakin itext ako huhuhu" sabi ko ng patampo.
"Ikaw talaga wag kana magtampo wala naman ako ginagawang iba, busy lang talaga ako" sabi niya ng nakangiti.
"Ah basta nagtatampo ako. Di mo na rin ako naalala itext" sabi ko.
"Osige para di ka na magtampo ikaw nalang maghatid sundo sakin everyday okay?" Sabi niya ng nakangiti yung sobrang tamis. Kaya feeling ko namula ako.
"You're blushing kev" sabi nito at tumawa ng malakas. Tinignan ko to ng masama.
"Lika nga dito payakap ako" sabi ko at niyakap ko siya. Hindi ko nnaman nasabi yung dapat ko sabihin hay napaka torpe ko talaga.
"Pero teka ano ba yung sasabihin mo?" Tanong niya.
"Wala kalimutan mo na yun kasama naman kita eh" sabi ko sakanya habang yakap ko. "Lika na I'll take you home" tumango naman ito. Saka kami lumabas ng coffee shop.
End of Flashback
Sarap sa pakiramdam nung ganun, yung lagi ko siya hinahatid sundo. Iniisip pa nung iba na kami raw pero di nila alam "WALANG KAMI" gustuhin ko man siya ligawan kaso naunahan ako ng katorpehan ko.
"Kevin" napalingon ako sa taong tumawag sakin si Tita Vanessa. Tumayo ako at niyakap ko ito.
"Oh tita, asan po si tito? Bat po andito kayo?" Tanong ko dito. Umupo naman siya sa tabi ko.
"Nasa office si Arthuro gusto ko lang makita si Yna" at tumingin ito sa nakahiga at himbing na himbing sa tulog na si Yna. Hinawakan nito ang kamay ko "Salamat Kevin ha? Ikaw yung nandito at handa ka bantayan si Yna napakabuti mong bata" ngumiti ako at tumango
"Tita alam mo naman Mahal na mahal ko anak niyo diba? Dati pa" tumango-tango ito.
"Oo kaso nga naunahan ka ni Ethan ikaw kasi bat inuna mo yang katorpehan mo" at tumawa ng mapait si tita "Sana ngayun kayo ang masaya. Nasayo si Yna" parang may panghhinayang ang tono ng boses niya.
"Okay lang po yun tita, uso naman magpaubaya at mag antay eh" sabi ko ng nakangiti.
"Sana magising na siya no?" Tanong nito.
Tumango ako "Oo nga po tita, sana magising na siya" at ngumiti ako.
"May sasabihin ako sayo kevin" sabi ni tita at diretso tingin sa mata ko.
"Yna is pregnant kevin, mag ttwomonths na rin. Nalaman lang din namin ni arthuro nung sinugod sila ni ethan dito." Teka? B-buntis si Yna? P-pero bakit?
"Tita nagbibiro po ba kayo? O nabibingi lang ako" tanong ko rito. Nakita kong tumulo yung luha ni tita at umiling iling.
"Totoo lahat ng sinabi ko kev my baby is pregnant" at tila nanlumo ako sa narinig ko.
"Pero tita alam ba to ni Ethan?" Tanong ko umiling lang ito. "Pero kailangan niya malaman to tita." Sabi ko.
Ngumiti lang ito "Hindi na niya kailngan malaman, nasakyan na iyon paano niya alamin kev" tumango nalang ako.
Hindi ako makapaniwala, ang sakit sa puso parang sinuntok ng ilang beses yung puso ko. Bakit nangyayare to.
Ti-nap ako ni tita sa balikat "Sana ay wala muna makakaalam nito tayong tatlo lang ni tito mo arthuro nakakaalam nito. I have to go ikaw muna bahala kay Yna, thankyou kev" at tumayo to saka ako niyakap "Okay lang yan naunahan ka ikaw kasi nagpatorpe kapa sa anak ko" sabi nito at ngumiti ng pilit.
Tumango ako "Okay lang po. Mag-iingat po kayo sa biyahe tita ako na po bahala dito.
Agad rin umalis si Tita Vanessa. At tumabi ako kay Yna.
"Hey. Gising kana magkakababy kana pala" sabi ko sakanya kahit na alam ko wala siyang malay pero alam ko naririnig niya lahat ng sinasabi ng tao nakapaligid sa kanya.
"Masakit man pero kailngan ko tanggapin na magkakababy na kayo nung ethan na yun. Bakit ba kasi nagpahuli pa ko? Kung kaya ko lang sana ibalik yung dati pangako liligawan na kita" sabi ko ng tumutulo na yung luha ko.
"Gising kana Yna" sabi ko hinawakan ko yung tummy niya. "Sana ako nalang daddy mo no?" At tumawa ako ng pait.
Walae kasi kev ang torpe mo pa kung sana dati mo pa nilagawan si yna sana hanggang ngayun masaya kami. Sabi ko sa isip ko.
Napabalikwas ako ng may pumasok it's sophia.
"Kuyang" sabi nito "Oh sophia" at niyakap ko.
"Kamusta ka? Okay ka lang may dala akong Coffee and Jco? Kainin natin" sabi nito.
Ngumiti ako "Ikaw na kumain baka pagod ka sa biyahe" at ginulo ko buhok niya.
"Kuya naman eh" sabi nito at parang batang nagpapadyak.
"Sige na kumain kana diyan" sabi ko at tinitignan sya habang nangata ng binili niyang pagkain.
Ngumiti lang ito. At umupo uli ako sa tabi ni Yna at hinawalan ang kamay niya.
"Kuyang alam mo na ba?" Napakunot naman ang noo ko at tinignan siya "Ang alin?" Sabi ko.
"Nasa academy na si Ethan nung isang araw pa nung nangyare ung dito kinabukasan nun pala ang alis niya" sabi nito. Nagtaka naman ako
"Teka sino nagbabantay sa kompanya niya?" Tanong ko
"Si Zeus daw." Sabi niya napa "Ah" nalang ako.
Ganun nalang yun? Umalis siya ng di niya nakita si Yna? Mas ginusto niyang takbuhan yung problemang ginawa nila ni Cali. Tsk napakawalang kwenta talaga ng lalaking yun ano ba nagustuhan ni Cali at ni Yna dun? Marami naman iba dyan gaya ko. Hays!
Umupo ako at pinagmasdan si Yna.
"Gumising kana." Bulong ko rito "Mahal na mahal kita nandito lang ako para sayo Yna, mag-aantay ako" dagdag ko pa.
Ng makaramdam ako ng antok.
--
Hi I'm back! Plsssss. Support this! Don't forget to Vote and Comment. Ciao :'*
-MsJoyieee
BINABASA MO ANG
My Husband is a Police (SLOW UPDATE)
SonstigesMy Husband is a Police Ang kwentong hindi mo inaasahan. May mga bagay kasing aalis at may bumabalik, Hindi mo alam kung sasaya ka sa pagbabalik ng taong yun o masasaktan dahil may kailangan kang bitawan.