Chapter seven
Ethan's Pov
Naasar ako sa lalaking yun, pasalamat siya nasa harap namin si Yna. Hindi ko alam na bestfiend ni Yna ang lalaking yun. Siya lang naman ang nag-iisang kakompetensya ng kompanya namin.
At dati kong kababata noong nasa states kami.
Naging mailap kami sa isa't isa simula nung naging kami ni Callie, at ng nalaman niyang umalis ito ng bansa ay sinugod niya ko. Bat ko raw sinaktan. Wala siyang alam sa nangyare. Psh.
Tumingin ako sa katabi ko, kawawa naman ang prinsesa ko nakatulog na pala mukhang napagod. Nakarating din agad kami sa parking lot ng condominium. Bumaba ako at may tinawagan.
"Hello boss?" Sagot ng nasa kabilang linya.
"Henry please help me, nandito kami sa parking lot marami kase kami pinamili" sabi ko. "Okay boss"
At pinatay ko na ang tawag si Henry ay isang taga silbi dito sa condo, at siya ang naglilinis sa unit ko. Napaka bait niyang tao kaya lagi siyang may tip sakin. Nakita ko siyang patakbo palapit sakin.
"Pwede bang ikaw na ang magakyat ng mga pinamili namin, nakatulog na kasi si Yna at bubuhatin ko pa siya" sabi ko.
"Walang problema boss" Sabi nito ng nakangiti agad na kinuha yung mga pinamili namin, at kinuha ko na si Yna.
Sumakay kami sa elevator habang buhat buhat ko to.
"Bat bumigat ka babe?" Tanong ko habang tulog. Maasar nga mamaya to. Napangiti na lamang ako ng pumasok sa isip ko yun.
Agad din kami nakarating sa tapat ng unit ko, at binigyan na si henry ng tip
"Oh ito, dagdag mo na dyan. Baka kailangan mo. Sandali may ibibigay ako sayo" at sinarado ko na ang pinto at inilagay muna si yna sa kama, at pumunta ng kusina. Masadong marami ang pinamili ni yna kaya bibigyan ko nalang si henry.
Kumuha ako ng ibang plastik, at nilagyan to ng condens,cupnoddles,biscuit, at kung ano ano pa.
Agad kong ibinigay ito, at nagpasalamat ito ng malaki saakin. Ngumiti ako at sinabing walang anuman.
Agad kong inayos ang mga pinamili namin. Magluluto kasi ako ng paboritong ulam ni yna kasi mamaya ihahatid ko na siya sa mansyon.
Inayos ko na ang mga dapat kong ayusin.
**
Chapter End
-MsJoyieee❤
BINABASA MO ANG
My Husband is a Police (SLOW UPDATE)
De TodoMy Husband is a Police Ang kwentong hindi mo inaasahan. May mga bagay kasing aalis at may bumabalik, Hindi mo alam kung sasaya ka sa pagbabalik ng taong yun o masasaktan dahil may kailangan kang bitawan.