Chapter nineteen
Yna's Pov
Nasa sasakyan na kami at tinutungo ang SLEX. Tinignan ko naman ito.
"Saan ba kasi tayo ppunta?" Tanong ko. Nagkibit balikat lang ito, tignan mo to. Nakakainis.
Naalala ko nanaman yung kanina. Mas naiinis ako.
Flashback
Habang nagbibihis ako ay kumatok si Ethan pumasok.
"Magdala ka ng damit mga dalawang set" taka naman akong tumingin sa kanya.
"Saan ba kasi tayo pupunta Ethan Lim?" Tanong ko ng nakangisi.
Pero nagkibit balikat lang siya "Bahala ka di ako magdadala ng damit" nakanguso kong sabi. Tumingin lang ito at nagtuloy sa closet ko at kumuha ng bag para ilagay doon ang mga damit ko. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.
"Tigilan mo nga yan ethan" sigaw ko. Tumingin lang ito at ngumisi.
Aba't nasobra to ah, masuntok ko nga ng isa to. Pinagpatuloy niya lang ang paglalagay ng damit ko at ako nmn ay inaayos ang buhok ko ng magsalita to.
"Tara na" sabi nito.
"Ayaw ko hanggat d mo sinasabi kung saan tayo pup---" naputol ang sasabihin ko ng buhatin ako nito parang sako ng bigas.
Nanlaki ang aking mata at saka ko siya pinagpapalo sa lkod "Ibaba mo nga ako" sigaw ko.
"Wag kang malikot" sabi nito.
Nadaanan namin sina mommy at daddy at sinabi lang "Ingat kayo. Enjoy"
Agad naman akong hinagis ni ethan sa passenger seat. Gagong yun!
Umirap ako habang paikot ito sa sasakyan,
Sumakay naman ito pero hindi ko na to pinansin. Nakakaasar ha!Pero hinawakan nito ang kamay ko. At tumingin sakin.
"Trust me babe" sabi nito saka siya nagumpisa mag maneho.
Trust me, trust me mo mukha mo!
End of flashback
Nakita kong nagbayad siya sa tollgate para makalabas kami sa ng SLEX. At nilabasan namin ay pa Calamba,Laguna. Bakit kami nandito? Sino naman ppuntahan namin dito?
"Nagugutom kaba babe?" Tanong nito.
Tumingin ako sakanya at umiling iling. Parang gusto ko ng pinya. Yung bagong ani lang. Natatakam ako!
Nagpatuloy lang kami sa pag biyahe, makikita mo sa lugar na masasaya ang mga tao. At may kani-kaniyang gawain pag umaga. Inaatok tuloy ako hanggang sa maramdaman ko bumibigat na ang talukap ng mata ko.
"Tulog ka muna" narinig ko pang sabi ni ethan at saka ako hinalikan sa noo.
**
Chapter End
Please Vote,Comment and Be Fan of my story. Ciaooo :)
-MsJoyieee❤
BINABASA MO ANG
My Husband is a Police (SLOW UPDATE)
RandomMy Husband is a Police Ang kwentong hindi mo inaasahan. May mga bagay kasing aalis at may bumabalik, Hindi mo alam kung sasaya ka sa pagbabalik ng taong yun o masasaktan dahil may kailangan kang bitawan.