MHIAP 14

100 2 0
                                    

Chapter fourteen

Ethan's Pov

Masaya ako at nagustuhan ng mahal ko ang supresa na ginawa ko para sakanya, She deserve this all of this. Mahal na mahal ko si Yna. Tumayo na ko ng tawagin ako ng emcee para 18th roses.

"The second in our list, is Mr. Ethan Lim. Puntahan na si Girlfriend, Enjoy."

Natawa na lamang ako at inabot na kay yna ang mga isang blue rose. Ito kasi ang favorite niya. Inilagay ko ang kamay ko sa bewang niya at inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa batok ko. At niyakap ko nalang ito.

"Happy birthday babe" Bulong ko.

"Salamat babe, hindi expected to. Thankyou. Nagagalit pa nga ako sayo kaninang umaga kasi iniwan mo nalang ako" Sabi nito pero mahahalata mo dito na nagpipigil lang na umiyak.

"Hindi kita iniwan, ginawa ko lahat to para sayo babe" Sabi ko ng nakangiti sakanya. At hinalikan na siya sa noo. Dahil ang dad na niya ang susunod. Ibinigay ko ang kamay ni yna sa daddy niya at bumalik na sa upuan ko.

Napapangiti nalang ako.

Pero may isa pako problema pano ko nga ba sasabihin kay yna na papasok na ko sa academy sa susunod na araw? Napabuntong nalang ako ng malalim.

Nagulat ako ng may tumapik sa balikat ko si Harry "Ohh bro, balita ko ikaw nag-organize nito? Di mo sinabing trabaho mo pala maging organizer? Dapat ikaw nalang kinuha ko nung birthday ni Mom" At tumawa ito.

Binatukan ko ito, at saka tumawa, napaka talaga nitong kaibigan ko.

"Sira. Sempre si yna yun. Mahal na mahal ko yung babaeng yun eh" At tumingin ako sa unahan kung saan sumasayaw si yna at daddy niya.

"Napakaganda niya bro, siguro ikaw din ang pumili ng damit niya" Tumango tango ako "Sabi na. Da best ka talaga bro"

"Ako pa" Sabi ng may pagyayabang. Siya si harry bestfriend ko simula Childhood. Sa amin dalawa siya ang pinakababaero. Well ganun talaga pag loyal. Psh

"Eh paano na yung pagpasok mo sa aca---"

"Babe" Di na natuloy ni harry ang sasabihin niya ng palapit na si yna sa direksyon ko. Pinandilatan ko lang ng mata si harry.

"Hi yna ang ganda mo happy birthday" Sabi ni harry sabay halik sa pisnge aba't itong loko nakatyansing pa sa girlfriend ko.

Ngumiti si Yna sakanya na ikinairap ko. Makakatikim sakin ito

"Salamat harry, kumain kana ba?" Tumango si Harry, at nagpaalam na din ito. Ngumisi lang ito saakin.

Ngaun naman ay nagsasalita na sina Tito at Tita sa unahan, para magpasalamat sa pagpunta ng mga bisita. Nakita kong nakatingin sakin si yna, nsa tabi ko lang ito.

"Bakit babe?" Tanong ko.

Tumango tango to "Thank you ethan" Nakangiti niyang sabi.

Yinakap ko ito"Wala yun babe, basta para sayo, makita lang kita masaya" Sabi ko. Ngumiti ito ng pagkatamis tamis.

"I thought na iniwanan mo talaga ako at hindi mo naalala itong araw ko na to" sabi niya.

Umiling ako saka ngumiti sakanya "Ayun ang hinding hindi mangyayare babe, I promised" at nakataas pa ang kamay ko para talagang alam niya na seryoso ako.

Ngumiti iyo saka ako binigyan ng isang halik.

Nagpatuloy ang party at nagpaalam na aakyat muna si yna kasama si sophia para magpalit ng dress. Kasi naiinitan na daw ito sa gown niya.

Pano ko ba to sasabihin? Hinga malalim ethan.

**

Chapter End.

Please Vote,Comment, and Be Fan. Wag pong Silent Reader :)

-MsJoyiee❤

My Husband is a Police (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon