Chapter twenty eight
Ethan's Pov
Matapos nang nangyare kahapon sa ospital, ito ako ngayon aalis na at iiwanan na muna sandali ang babaeng mahal na mahal ko. Masakit pero kailangan gustuhin ko man siya puntahan sa ospital pero alam ko di ako papasukin ng mga guard doon.
Agad nako bumababa at dala dala na ang maleta ko ng salubungin ako nina mommy,daddy at pinsan kong si Zeus.
"Are you ready son?" Tanong ni mommy na may lungkot sa kanyang mga mata. Tumango naman ako.
Tinapik ako ni daddy at bro hug naman kami ni Zeus.
Naglakad kami palabas sa main door at nandoon na ang nagiintay sa akin na mag hahatid.
Tinignan ko sila at si mommy umiiyak na si dad naman ay tumango lang pero "Hay. Payakap nga ko bago ako umalis." Masaya kong sabi at hindi ko pinahalata na nalulungkot ako. Tumawa sila at nagyakapan kami. "Mag-iingat ka doon son okay? Mga binilin ko sayo" Paalala ni mommy.
"Oo naman mom." Sabi ko ng nakangiti. Tumingin ako kay dad at zeus "Ingatan niyo po si Mommy habang wala ako ha? Zeus ikaw muna bahala sa kompanya ko wag na wag kang gagawa ng kalokohan dun. Malilintikan ka sakin" masama kong tingin sakanya, alam na alam ko kasi ang ugali ng isang to.
"Oo naman kuya ethan wala ka bang tiwala sakin?" Sabi nito ng nakangisi. "Wala" at diretsya kong sagot. Nagtawanan naman sila.
Nagpaalam nako at sumakay na sa sasakyan. Sa huling pagkakataon tinanaw ko ang aming mansion. At napabuntong hininga nalang. Ito na ethan yung pangarap mo. At paglabas mo babalik kana kay yna.
--
Unknown Pov*
May kumatok sa pinto at agad na pumasok tinignan ko ito at may dala siyang mga files.
"Sir, nakapasok na po siya sa academy. At ang pinsan niya muna ang mag hahawak ng kompanya niya" sabi nito.
"Mas mabuti kung ganun, madali natin mapapabagsak ang mga Lim" at napatawa nalang ako. Pinaalis ko na ang tauhan ko.
Pumunta ako sa lamesa at kumuha ng jack daniels at tinungga agad ito.
"Mas madali nalang kami makakapasok sa kompanya ng Lim, lalo na wala ka ethan. Magugulat ka pagbalik mo wala na sayo lahat lalong lalo na si Yna." Sabi ko nalang naamoy ko na ang tagumpay ko. At makukuha ko na rin si Yna na matagal ko ng hinahangad.
Flasback*
"Ynaa! Ibalik mo sakin yan anoba!" Sigaw ko sa batang babae na tumatakbo habang nakataas ang kamay niya at hawak hawak ang papel.
Tumigil ito at tumawa ng napakalakas "Ano ba kasi hahaha babasahin ko muna kasi yung sinulat mo sa crush mo ayie" pang aasar sakin ni yna.
"No yna! Akin na yan isa" pero hindi ito nakinig at tumakbo lang sya ng tumakbo. Yung nakalagay kasi sa papel ay para sa crush ko pero hindi niya alam na para sakanya yun.
Tumigil ito at tumalikod, pagkakataon ko na agad akong lumapit at hinablot at sa wakas nakuha ko rin agad akong lumayo sakanya.
Tinignan niya ko masama "Bakit mo kinuha? Di ko pa nababasa!" Inis na sigaw sakin ni Yna. Tumawa ako ng pagkalakas lakas.
"Wag mo na kasi basahin" at nginisian ko siya. Tumalikod siya at naglakad. Tumakbo ako papunta sakanya nagtatampo to.
"Oy" sinundot ko siya sa tagiliran pero waepek. "Sorry na malalaman mo rin naman soon eh" sabi ko ng nakatango.
BINABASA MO ANG
My Husband is a Police (SLOW UPDATE)
RandomMy Husband is a Police Ang kwentong hindi mo inaasahan. May mga bagay kasing aalis at may bumabalik, Hindi mo alam kung sasaya ka sa pagbabalik ng taong yun o masasaktan dahil may kailangan kang bitawan.