Chapter eight
Kevin's Pov
Mabuti at nakita ko na si Yna, kaso may asungot ang Ethan na yun. Psh hindi ako makapaniwala na kakomptensiya ko lang sa kompanya pati ba naman sa babaeng minamahal ko. Umalis ako para makapag tapos ako at babalik dito sa bansa para sa kanya, ngunit naunahan na pala ako.
At ng dati ko pang kababata sa states.
Nandito ako sa condo ko, at nakasandal sa may terrace habang umiinom ng wine.
Iniisip ko si Yna ang tagal kong gustong yakapin si Yna. Matagal akong nagtiis sa states para lang makapagaral para sakanya. Pero ano pagbalik ko, mukhang wala akong babalikan ah? Wala eh naunahan ako ng gagong Ethan na yun!
Nalamana kong nag tapos dito sa pilipinas nagtapos si Ethan, at nakilala niya si Yna, nung mga panahon na tinatapos ko ang degree course ko sa states.
Flashback (ito po yung kaninang magkakasama sila ethan at yna)
Tinitigan ko lang si yna habang nagsasalita, ang ganda niya talaga. Simula bata palang kami siya na ang gusto ko.
"Wala ka bang girlfriend ngayon?" Tanong ni yna.
Gusto ko sanang sabihin wala kasi ikaw ang gusto ko. Pero ngumiti lang ako at
"W-wala inaantay ko pa siya eh" at malungkot akong tumingin sakanya.
Tinapik niya ko sa balikat at binigyan ng isang matamis na ngiti, yan ang namimiss ko sa lahat.
"Hayaan mo, maaantay mo din siya" napangiti ako.
"Sana nga" sabi ko.
Oo aantayin kita yna, kasi sakin ka na una pa lang.
End of flashback
Pumasok ako sa loob at pumunta sa kusina para kumuha ng beer.
Almost 12 years simula ng mawalay ako kay yna, kinakailangan namin mag punta sa states para sa kompanya namin doon. At doon na din ako nagtapos sa pagaaral, sa degree na Business Management.
At ilang taon din ako ang nagpatakbo sa kompanya namin. Kaya ako ang pinauwi ni daddy para ako ang mag manage dito.
Humiga ako sa sofa, masaya nako basta makita ko lang si yna okay nako. Bibigyan ko siya ng regalo ng hindi niya makakalimutan.
Napangisi nalang ako.
**
Chapter End
Author's Note;
Omg. Akin ka nalang Kevin HAHAHAHAHA! Please vote and comment. Ciaoooo. :*
-MsJoyieee❤
BINABASA MO ANG
My Husband is a Police (SLOW UPDATE)
De TodoMy Husband is a Police Ang kwentong hindi mo inaasahan. May mga bagay kasing aalis at may bumabalik, Hindi mo alam kung sasaya ka sa pagbabalik ng taong yun o masasaktan dahil may kailangan kang bitawan.