MHIAP 25

95 2 0
                                    

Chapter twenty five

Kevin's Pov

Nang malaman ko na naaksidente si Yna, ay agad ako nag pabook ng ticket ko pabalik dito sa pilipinas, na kahit sobrang importante ng deal para sa kompanya ko mas inalala ko si Yna.

Sabi ko unti unti ko na siya kakalimutan, but hell. Bawat segundo siya lagi naiisip ko. Bakla na kung tignan pero mahal ko talaga siya.

Nang makalapag na ang eroplanong sinasakyan ko, nakita ko agad si Manong Meynes.

"Mang Meynes, Laguna po tayo" Tumingin ito ng may pag aalinlangan sakin.

"Pero iho, hindi ka pa ba muna magpapahinga? Kakagaling mo lang sa biyahe" Ngumiti ako dito, at umiling

"Ayos lang po ako, mas kailangan po ako ni Yna ngayon" tumango naman ito at agad na pinaandar ang sasakyan.

Hindi ako mapakali sa upuan ko. Dahil gusto ko na makita si Yna. Gusto ko siya mayakap, gusto ko siya alagaan ngayon kahit na alam kong walang kapalit ang pagmamahal na binibigay ko saknya.

"Nandito na tayo,iho" tinignan ko ung labas ng hospital, nagpasalamat ako kay manong meynes at agad na tumakbo pa nurse station.

"Room of Yna Alonzo" Sinabi naman agad nito kung saan ang kwarto ni yna. Agad akong tumakbo, wala akong paki kahit may mabangga man ako.

Ng makarating ako sa floor kung saan ang room ni yna.

Nakita ko si Sofia na naglalakad parang wala sa sarili. Nasa tapat nako ng pinto kung nasaan si yna.

"Sofia!" Tawag ko dito, parang di niya pko narinig kaya tinawag ko ulit siya, saka lang siya tumingin sakin.

"Kuyang!" Sabi nito sabay yakap, parang may problema to.

"S-si Yna?" Tanong ko saknya.

Pumasok kami sa loob, at agad ko nilapitan si Yna, umupo ako sa tabi ng hospital bed at saka hinawakan yung kamay niya.

"Ano bang nangyare sayo yna?"

Di ko namalayan na may tumulong luha na sa pisngi ko.

"Akala ko ba iingatan ka ni ethan ha? Akala ko lang pala. Kung sana ako nalang, sana yna ako nalang." At tuluyan nako napahagulgol, bading na nga talaga siguro ako.

"Yna wake up, aantayin ko ang pag gising mo nandito lang ako. Wag ka mag alala hindi na ako aalis" at hinalikan ko siya sa noo at sa kamay.

Tinitigan ko lang siya, ng biglang pumasok si Sofia. Tumayo ako para lapitan siya.

"Sofia, are you okay?" Tanong ko dito, parang kasi wala siya a sarili niya simula ng pagdating ko dito.

Tumingin ito sa akin at tumango "Oo naman kuyang" at kahit ang ngiti nga ay alam ko ring peke.

Tumango nalang ako at inakbayan siya"Nagugutom ka naba?" Tanong ko dito.

"Busog pako kuyan--- accccck" Napatingin kami parehas sa tiyan niya, Busog ha?

Ginulo ko ang buhok nito saka hinila "Tara kain tayo. Treat ko" *smirk

"Kuyang naman eh, aasarin mo nanaman ba ko? Paano si yna? Wala siyang kasama." Sabi nito ng nakasimangot.

"Edi papabantayin muna naten siya sa nurse, gutom nako. Galing pako sa flight dumiretso lang ako dito." Nanlaki naman ang mata nito at hinampas ako sa balikat

"Bakit di mo sinabi? Sana naman nagpahinga ka muna kuyang" sagot naman nito, ginulo ko lang ang buhok nito at ngumiti ng malapad

"Okay lang ako sofia tara na at gutom na gutom nako"

Tumango nalang ito at nagpahila na sakin palabas mabuti at may papasok na din na nurse kaya pinabantay muna namin saglit si Yna. Mabuti at pumayag ito.

Lumabas kami at dumiretso sa parking lot, ng makarating kami sa kotse ko. May natanaw akong babae na parang umiiyak? O wala sa sarili?

At sakto nun ay may paparating na kotse, tumingin ito sa kotse at huli na ng mag sink in sa utak niya na mababangga siya

Tumakbo ako at "Miss" sabay hila ko saknya sa kabilang side.

Lumabas ang driver ng sasakyan at "Ano magpapakamatay ba kayo? Jusko. Idadamay niyo pako sa kalokohan niyo" sigaw nito, at pinarurot nito ang sasakyan.

Tinignan ko ang babae tama nga ako maga ang mata nito, hindi pa rin siya makapaniwala. Tumayo agad ako at tinulungan siya

"Kuyang, ayos ka lang? And miss are you okay too?" Tanong ni sofia na may pag aalala.

Tinignan ko ang siko ng babae, ngunit inalis niya lang ang kamay ko.

"O-okay lang ako, wala to galos lang to" sabi nito ng nakayuko.

Tatanungin ko pa sana siya ng bigla itong tumakbo papunta sa kotse niya.

Tumingin ako kay sofia ng nagtataka. Ngumiti lng ito at ngumiti 'Okay lang ata siya kuyang tara na gutom nako"

Tumango ako at dumiretso kami sa kotse ko at pinaandar na to, ng madaanan ko ang kotse ng babae, tumingin naman sa akin ito. At laking gulat ko ng mamukhaan ko siya, at laking gulat niya ng makita nya din ako.

"C-callie"

Bakit nandito siya? Nakita na ba siya ni ethan?

"Ano yun kuyang?" Tanong ni sofia, ngumiti lang ako at umiling.

At tuluyan na namin nilisan ang parking lot.

Bakit nandito ka callie? Anong kailangan mo.

--
Callie's Pov

Nang muntik na ko mabangga mabuti nalang at may nagligtas sa akin, hindi nako nakapagpasalamat pa dahil sa sakit na rin ng nararamdaman ko. Naalala ko lang yung mga sinabi ni ethan.

Kaya agad ako nagtungo sa kotse ko at pumasok doon. Saka ko ibinuhos yung sakit ng nararamdaman ko

"Ang sakit sakit" Umiiyak ako habang pinapalo ko ang manibela.

Kaso may dumaan na isang kotse, at ng tignan ko nag tama ang mga mata namin. Nagulat ako at nakita ko din na nagulat siya ng makita ako.

"K-kevin" bulong ko sa sarili ko.

Namiss ko siya bigla. At saka nalang ulit lumuha ang mga mata ko.

Kev, Bestfriend ko kailangan kita.

--

A/N: OMG. Besfriend ni Callie si Kevin? Hala. Mukhang may twist na naman na kayo nalaman no? Hihihihi.

VOTE and COMMENT.

-MsJoyiee❤

My Husband is a Police (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon