MHIAP 6

125 3 0
                                    

Chapter six

Yna's Pov

Napanganga nalang ako sa dalawang lalaking kasama ko ngayon, nagkayayaan kasi na mag coffee kami. Di tumanggi si ethan. Eto sila ngayon naguusap about sa kani-kanilang kompanya malapit na din ako makapasok jan. Akala niyo kayo lang. Psh

Ininom ko yung inorder ko at hinayaan lang sila ng magsalita si Kevin

"Yna debut mo na sa susunod na araw ah, dalaga kana" Pangaasar niya. Inirapan ko lang siya.

"Ewan ko sayo" At tumawa siya ng mahina.

"Bakit ka bumalik dito ha!?" Tanong ko ng may pagkairita.

"Sempre papalagpasin ko ba ang debut ng Childhood bestfriend ko?" Parang yung pagkakasabi niya dun may halong, ahhh basta. Ngumiti ako ng malawak.

Childhood bestfriend kita pero mukhang kuya na kuya kita. Psh.

Na-miss ko talaga siya! Ewan ko ba parang hindi nawala ang pag ka gusto ko sakanya.

"Regalo ko ha?" Sabi ko at tumawa ng mahina.

"Kakabalik ko palang kinakaltasan mo na agad ako? Hahahhaa" at kinurot niya ang pisnge ko kaya hinawakan ko yung mug ng kape ko, para ibato sana sakanya.

"Hoy Yna, sorry na. Baba mo na yan" at ibinababa ko na nga natatawa tuloy ako.

Lumapit ako saknya at pinagpipisil ang pisnge niya  "Bakit ang cute cute mo" sabi ko.

"A-aray Yna nakakarami kana ha, masakit na" Sabi nito pero di ko pa rin siya tinantanan hanggang diinan ko pa lalo.

"Ehem" napatingin ako sa taong kung sino man yun, nakita ko si Ethan. Oo nga pala andito pala siya nako po!

Agad akong lumipat sa tabi niya. At "ang sakit Yna ah." Sabat ni Kev tinignan ko lang siya ng masama.

Nagpatuloy ang kwentuhan namin, at nalaman kong wala pang girlfriend si Kev, may inaantay daw kasi siya. Sabi niya, sa pagmumukhang niyang yun? Impossible.

"Una na kami" Sabi ko at humalik sa pisnge niya.

Nararamdaman ko ang sama ng tingin sakin ni ethan mula sa likod ko.

"Sige mag iingat kayo ha" Sabi nito nagpaalam na din si Ethan. At agad kaming pumunta sa parking lot. At sumakay na sa kotse niya pauwi. Uuwi na din ako ng bahay may pasok ako bukas.

Nasa biyahe kami ang tahimik, di ako sanay at ayaw kong masanay.

Tumingin ako kay Ethan na seryosong nakatingin sa daan.

"Hey, are you okay? Ang seryoso mo babe?" tanong ko. Umiling lamang ito.

"Babe naman ano ba yun? Magsalita ka naman" sabi ko. Nagtatampo na ko bat ganyan siya. Tsk

"I'm jealous." bulong nito pero sapat na para marinig ko.

Napatawa na lamang ako "Anong nakakatawa sa sinabi ko?" tanong nito habang masama ang tingin sa akin.

Umiling lamang ako at hinawakan ko ang kamay niya "Babe wag ka magseselos kay Kevin okay? Matalik lang kami magkaibigan at kuya tingin ko sa kanya." sabi ko. Pero ang totoo minsan ko na siyang minahal

Bumuntong hininga naman ito. Ang lalim ng pinanghuhugutan ng isang to.

"Alright. Alam ko naman ako lang ang mahal mo" sabay halik sa kamay ko.

Nginitian ko naman siya at kiniss sa pisnge.

Maya maya naramdaman ko yung antok at binalot na ko ng kadiliman.

**

Chapter End

-MsJoyieee❤

My Husband is a Police (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon