Sorry dapat nung isang araw pa ko mag uupdate, kaso may masamang balita dumating sa family namin. But thank you sa mga patuloy sa pag babasa kahit hindi ako magaling gumawa ng story. Thankyou :)
Chapter twenty one
Yna's Pov
Maaga kami nagising ni ethan dahil may pupuntahan daw kami agad kaming nag-ayos para makaalis na din.
"Babe san tayo pupunta?" Tanong ko habang nagddrive to, at sabay yakap.
"Basta malalaman mo din" sabay kindat. Himala at hindi ako nabahoan sa pabango niya. Pansin ko parang ang dami kong naamoy na sobrang sama sa pang-amoy ko, tas pag yung masarap na hinahain ni ethan di ko naman makain ang gusto ko pa yung mga ang hirap hanapin. Hayy naalala ko tuloy kagabi.
Flashback
Naalipungatan ako ng may humalik sa noo ko pababa sa labi ko, dumilat ako at nakita ko si ethan na nakangiti.
"Dinner is ready babe" ngmumiti ako at bumangon na din agad naman kaming lumabas sa kwarto at bumababa.
Nakahanda na pala yung mga pagkain, tinignan ko muna ang nakahanda sa mesa.
"Niluto mo lahat yan?" Tumango naman ito.
"Kain na tayo babe" at pinaghila niya ko ng silya. Ang sweet talaga ng babe ko.
Nilagyan niya ng kanin ang plato ko at ang paborito kong pakbet, isusubo ko na sana yung kutsarang may kanin at ulam ng maka-amoy ako ng mabaho. Kaya pabagsak kong binababa iyon.
"Hey what happened? Di mo ba nagustuhan?" I shook my head.
"No. Ang baho kasi" sabi ko sabay pout.
"Stop you young lady, stop teasing me" sabi nito ng nakangiti ng nakakaloko.
"No. I'm not teasing you. I don't want the food." I said and pout again.
Tumayo ito at lumapit sakin,
"Ano bang gusto ng babe ko, ipagluluto kita" at dahil doon namilog ang mga mata ko.
"Talaga?" Sabi ko ng nakangiti.
"Umhhh" sabi nito habang tumatango.
Nagisip mo nako ng masarap, ng AHA!
"Gawan mo ko ng watermelon shake na may lettuce at tomato saka lagyan mo na din ng condense tas lagyan mo ng strawberry na icecream" sabi ko. At nanlaki naman ang mata nito.
"Are you damn serious?" Iritadong tanong nito kaya tinignan ko to, di ko namalayan na pinipigilan ko na pala ang aking hikbi.
"Kung ayaw mo diwag mo!" At padabog akong umalis sa harap niya at dumiretso sa kwarto at nag-lock.
Grabe siya, minsan lang magrequest ng kakainin ko nagagalit pa siya. Huhuhu iwaaaant shaaaake! Huhuhu- sabi ng isip ko.
Humiga ako at nagtalukbong ng unan sa mukha ng marinig kong magbukas ang pintuan at lumubog ang isang parte ng kama. Nakalimutan kong nasa kanya ang susi ng mga kwarto.
"Hey babe im sorry, sobrang hirap nmn kasi maghanap nun dito babe, it's almost 9 in the evening honey"
Inalis ko yung unan sa mukha ko at,
"Sinabi ko naman sayong kung ayaw mo di wag mo. Alis" sigaw ko.
"Babe, sorry okay gagawan na kita. But make sure you will wait for me okay? Pupunta lang ako ng store baka may tinda pa silang ingredients. Okay ba?"
Kaya dun, niyakap ko siya dahil sa sobrang saya.
"Thank you honey" sabi ko.
"Okay. Illock ko yung pinto sa baba ha, maglock ka din dito. Okay? Madali lang ako. Iloveyou" sabi nito sabay smack sa lips ko. Agad din naman ito umalis at narinig ko pang pinaharurot nito ang sasakyan.
Lumabas mo na ko sa terrace at nagmuni muni, ang ganda ng bituin. Di ko namalayan nakahawak na pala ako sa tiyan ko at himas himas ito.
"Ang weird ko na masado" sabi ko sa sarili ko.
End of Flashback
"Hey are you okay?" Tanong ni ethan habang nagmamanaho, ang layo pa daw kasi namin.
"Okay lang ako" sagot ko.
"I love you honey" sabi nito.
Ngumiti naman ako at,
"I love you too" at sabay halik sa pisnge nya. Hihihi nakatyansing nanaman ako sa pogi kong boyfriend.
Nakatanaw lang ako sa bintana ng magsalita si ethan,
"Ahmm babe?" Kaya lumingon ako saknya at tumingin sa kanya ng taka.
"A-ano kasi sa sunod na araw na ang alis ko" sabi nito na halatado mo ang lungkot.
"I'ts okay honey, i'll understand you. Pangarap mo yan at nandto lang ako para sayo" nakangiti kong sabi, kaya umaliwalas ang mukha nito.
Hinawakan naman niya ang kamay ko na nasa lap ko habang ang isang kamay niya ay hawak ang manibela.
"Wag kang magalala, pag pinalabas kami kahit isang araw o ilang oras lang ikaw agad ang pupuntahan ko" pakiramdam ko nangingilid na ang luha ko.
"Sige ha sabi mo yan" tumango ito kaya ngumiti ako sakanya.
"Napaka swerte ko talaga sa magiging ina ng mga anak ko. Hahahaha" sabi nito, pakiramdam ko kung may anong mainit ang nasa pisnge ko.
"You're blushing honey" at tumawa ito ng pagkalakas lakas.
"Sira ka talaga, inaasar mo nanaman ako" sabi ko sabay iwas ng tingin saknya. Waaaah! Nagtatampo ako. Nagtatampo ako!
Tumingin ako sa bintana, at halos kami lang ang sasakyan sa dinadaanan naming kalsada, bakit kaya? Hay nako. Saan nanaman kaya ako dadalhin ng tao na to. At napasimangot nalang ako.
Pinisil niya ang kamay ko, "Hey im just kidding honey" sabi nito.
Inirapan ko lang to, pero tumawa lang siya. Siraulo talaga.
Lumapit ang mukha nito at hinalikan ako sa noo na sana hindi nalang niya ginawa.
"ETHAAAAAAAN" sigaw ko at kasabay nun ang malakas na pagtilapon namin sa kabilang lane ng kalsada.
**
Chapter End
Author's Note;
Hala? Pano na. Hahahaha pinagiisipan ko kasi kung ano ang magyayari sa susunod na chapter, kaya yan na agad ang naisip ko. Para mas nakakaiyak. Choos. Ano na kaya mangyayare sa pag gising ni Yna?
-MsJoyieee❤
BINABASA MO ANG
My Husband is a Police (SLOW UPDATE)
RandomMy Husband is a Police Ang kwentong hindi mo inaasahan. May mga bagay kasing aalis at may bumabalik, Hindi mo alam kung sasaya ka sa pagbabalik ng taong yun o masasaktan dahil may kailangan kang bitawan.