Matatapos nanaman ang isang napakaboring na araw para sakin. Pero hindi para sa kaibigan kong si Sophie.
"Girls, may date kami ni Steven ngayon. Bye." Paalam niya samin at dali daling binuhat ang shoulder bag niya.
"Hep hep hep! Saan ang punta niyo? Iba nanaman yan huh?" Actually, alam naman namin ni Shannen yung ugali niya. Sobrang magmahal. Hindi yung martyr huh? As in, kung magmahal sobra sa isa.
"Mapilit siya eh. So pagbigyan." nag-smirk pa siya sabay tingin kay Steven daw.
"Come on honey." Aya niya kay guy sabay inangkla niya pa yung braso niya sa braso nung Steven.
"Bye, girls. Don't worry. She's safe with me." Nagwink siya at tinalikuran na kami ni Shannen.
"Ingat!" pahabol ni Shannen. Lumingon lang naman siya at ngumiti.
"Kaya walang maayos na relation eh. Iba iba kadate. Akala ko bang gusto niya magkaroon ng serious relationship?" Naiinis na binalibag ni Shannen ang mga gamit niya sa table na in-occupy namin para mag-partner study.
Partner Study kasi dalawa lang kami. Kung andito si Sophie, malamang Group Study na ito.
"Hayaan mo na, ganu--- ARAY!" may tumamang bola sa likuran ko kaya napalingon kaming dalawa ni Shannen.
"Ok ka lang, bessy?" tanong ni Shannen sakin.
"Malamang, natamaan ako ng bola eh. Try ko kaya sayo. Patawa ka talaga." Napatingin na lang kami sa lalakeng lumalapit. Ow Em! Ang bad boy na si Sky. Matagal na namin siyang kilala at since first year dito na rin siya nag-aaral. Sikat siya sa mga basagulerong katulad niya at sa mga bitch na mema lang.
Kinuha niya ang bola, tumingin ng matalim samin at tumalikod din.
"Di ka man lang ba magsosorry sa magandang nilalang na katulad ko?" Lakas loob kong tanong. Aba! I deserve an apology.
"Tss. Kung may sorry bakit pa may Guidance? Bakit pa may Police Station? Atsaka kung maganda ka, baka lumuhod pa ako sa harapan mo. Isa pa, sino bang may sabi sa inyong magreview kayo dito sa gilid ng basketball court eh may library naman." Sagot niya at tumuloy na sa paglalakad.
Ang bastos! Hindi pa ba maganda ang itsurang ito? Gosh! He's so bulag.
Bulag like BLIND.
"Ang pangit ng ugali! Bad boy talaga!" Inis na inis na umupo ako ulit sa upuan ko.
"Ang gwapo nga eh. Kahit ang bad boy niya." napatingin naman ako kay Shannen ng naka-pout.
"Don't you ever dare to have a crush on him. I will kill you." pagbabanta ko sa kanya.
"Duh! Syempre hindi no. Study hard, not Study Heart. Atsaka kung magkakaboyfriend man ako, sisiguraduhin kong hindi siya yun." I nod and smiled at her.
"That's good." nag-apir kami at pinagpatuloy na ang pagrereview, which is our past time maliban sa pag-food trip.
Busy kaming nagrereview nang may lumapit ulit na lalake samin. At tumabi pa kay Shannen.
"Hi!" masaya itong nakangiti kay Shannen.
"Hello." bati din ni Shannen.
I'm here. Hello. I'm not a ghost. I'm a goddess.
"Stupid boys don't belong here." mapait kong pagpaparinig habang binubuklat ang libro kong slightly used and open.
"Friend mo siya?" tanong niya kay Shannen.
"Nope. She's my superest bestfriend." sagot ni Shannen.
Anyway, that gago is Mister Alexander Sky Rodriquez. The bad boy. He's handsome, yes! Pero hindi sapat ang kagwapuhan niya sa kagandahan ko.
Aba! Ang yabang niya kaya para sa ganda ko. Baliw pala siya eh. Kulang ata ang segundo, minuto, oras at araw niya kapag wala siyang nasasapak.
Well, assumera lang naman ako. Hindi nga ako kinakausap eh.
"Oh, here comes mister poker face." bigla naman kaming napatingin ni Shannen sa sinabihan ni Sky ng ganun.
That guy? Bago ba siya dito. Kasi hindi ko siya masyadong kilala. And Sky is right. Poker face siya.
"Kilala mo ba siya?" tanong ko kay Sky nang nakatingin kay mister poker face.
"Interesado ka no?" pang-aasar niya. Pero hindi ko na pinansin at umirap na lang.
"Well, he's Heron. Isa sa mga lalakeng nakalista sa list of punching bag ko. Bago siya dito. Diamond section. Pero matalino! Dapat nga nasa star section yun eh." nakangiti siya habang naka-close fist.
Nagkatinginan ulit kami ni Shannen at sabay na napailing.
"Tara na bessy." hinila ko na siya at iniwan na si Sky.
Baka kasi magamitan ko pa siya ng pagiging spy kid ko at ma-watah watah ko siya. Kailangan ko lang magtimpi. Sayang ang ganda ko.
...
Habang pauwi kami ni Shannen, namataan ko ulit na naglalakad si Heron. Same style na nakapamulsa at parang hindi tinitingnan ang dinadaanan niya. May nakabanggaan pa nga siyang babae.
"Bessy, ikaw wala ka bang balak magboyfriend?" Nanumbalik ako sa realidad dahil sa tanong ni Shannen.
"Meron. Pero kasi gusto ko pag nagkaboyfriend ako, yung siya na talaga. Gusto ko pangmatagalan." Tumango tango siya sa sagot ko.
"Ako naman gusto ko kung magkakaboyfriend ako, yung last na din. Kahit na siya na ang first and last dahil nga NBSB ako basta dapat yung ideal type ko." Kwento niya rin. Sa mga ganitong panahon na maganda ang topic namin, mas gusto na lang naming maglakad pauwi...
Kaso sobrang layo besh! Kaya nagjeep na kami nung napagod na kami.
...
"Kuyaaaa!" Mabilis kong niyakap si kuya dahil alam kong maasim ako.
"Ihhh! Bakit ang lagkit at asim mo?"
"Grabe ka. Ang bango kaya ng pawis ko. Tapos ang fresh pa rin ng armpit ko, amoy mo man o!" Nilapit ko sa kanya yung kilikili dahilan para tumakbo siya. Hahaha! Ang dami kong tawa sa kanya.
"Yaya Puring! Pasuyo po ng mainit na tubig panligo ni Keisha." Tawag niya kay yaya na natatawa nalang samin.
Habang hinihintay kong kumulo yung tubig na pampaligo ko, nagkwentuhan kami ni kuya. Kinwento ko sa kanya na kaya ako maasim at malagkit ay dahil naglakad kami ni Shannen hanggang makalahati namin ang daan pauwi. Nabanggit ko din na lovelife ang topic namin kaya medyo nag-enjoy kami.
"Hoy, Keisha Szciel Yuvandell, bata ka pa ha? Mag-aral ka muna. At mauuna dapat ako magkagirlfriend bago ka magboyfriend. Para hindi nakakahiya sa akin. Kaya sige na umakyat ka na sa kwarto mo at maligo ka na."
"Aye, aye, captain!" Kinuha ko kay yaya yung tubig at umakyat na para maligo. Nag-hot bath ako sa tub para marelax ang katawan kong nahapo ata sa paglalakad.
Habang nasa ganung posisyon ay naisip ko ulit si Heron. Hindi ko alam bakit interesado ako sa kanya kahit mukha naman siyang hindi interesting. Hay ewan. Ang gulo.
To be continued..
BINABASA MO ANG
Yuvandell Academy (Rewriting)
Teen FictionSometimes it's not just about the smile, it's all about her smile despite the mischiefs, playfulness, and being a crybaby during the high school life.