Smile Eighteen

241 13 11
                                    

After ng nakita kong holding hands while hilahan ni Heron at ni Llorainee, gumuho ang mundo ko. Hindi ko alam saang sulok ng mundo ako tatakbo kahit pa alam kong wala itong sulok.

"Bessy! Hindi ka ba talaga sasamang gumala muna samin ni Stephen? Treat kita ng cupcakes *o* Para naman maibsan yang sakit na nararamdaman mo."

"No thanks." yumuko ako at naglakad na palabas ng campus.

Broken hearted ako kahit alam kong ako lang naman ang nagmamahal dito. Hay! Why do I have to suffer like this? Ang sakit sakit sa puso!

"Kei! Keeeei!" napalingon ako sa tumatawag sa akin. Napamulagat ako nang makitang si Cy iyon.

Remember Cyrus?

"Hey there." inakbayan niya ako at ngumiti ng wagas. Pero nung makita niya ang itsura kong mukhang namatayan nagbago din ang awra niya. "What's the problem? Di ba sabi ko wag kang sisimangot o iiyak?"

"Ewan ko ba. Ang sakit sa puso pala kapag ang taong mahal mo hindi ka mahal. And worst hindi siya aware na mahal mo siya."

Halata namang nagulat siya sa sinabi ko. Pero bumalik ulit yung ngiti niya.

"Halika!" hinila niya ako at nakarating kami sa isang lugar na puro puno lang. Napakagandang tumambay dito kapag gabi. Ang sarap ding gumawa ng music video dito lalo na kpaag nagdadrama ka.

"Anong ginagawa natin dito?"

"Simple lang. Papagaanin ko yung loob mo. Ayoko kasing nakikita kang ganyan."

"Hindi ka ba nasaktan na malamang may mahal na akong iba? At hindi ikaw yun."

"Awch! Teka naman, hinay hinay sa wordings. Masakit sa damdamin eh." huminga pa ito ng malalim bago umupo sa may bamboo chair.

"Masakit siyempre. Lalo na kung talagang mahal na mahal mo yung isang tao tapos malalaman mong may iba pala siyang mahal. Kaya kong tiisin yung sakit, Kei, kung lagi kitang makikitang malungkot dahil sa kanya baka di ko kayanin. Mas importante yang nararamdaman mo kesa sa nararamdaman ko. Mas hindi ko kayang nalulungkot ka. Gagawin ko lahat mapawi lang yang sakit na nararamdaman mo, kahit di mo suklian ng pagmamahal."

Lumabas ata kaluluwa ko at niyakap siya sa mga panahon na yun. Chos! XD

"Y-you mean? Ganun mo ako kamahal?"

Yuvandell Academy (Rewriting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon