Smile Thirty

136 6 7
                                    

Keisha's POV

"How's school, princess?" Bungad lagi ni Dad yan pag nakakauwi ako galing school. Pero hindi yung tipong istriktong nagtatanong, nakangiti pa nga siya eh. Umupo muna ako sa sofa, tumapat ako sa kanya sabay kagat sa buko pie niya at inom sa juice. ^___^v

"Gutom ka ba, baby kich? Papakuha ba ako ng merienda kay manang?" Binaba ni daddy yung binabasa niyang book tapos hinarap niya ako.

"No, dad. Tinikman ko lang. Anyway, nakakapagod ang mag-aral, dad. Tapos tuwing umaga meron pang sweet lovers sa room na kung anu-anong ginagawang eksena." Sumandal ako sa sofa.

"Really? Sino naman yung mga yun?" Kumagat siya sa buko pie niya.

"Si Clark at si Sophia, dad. Sobrang sweet ng boyfriend niya. Araw araw nililigawan pa din siya kahit sila na."

"That's kinda sweet and cute. Let me guess, princess? Gusto mo may gumawa din sayo ng ganun no? Aminin!" Nawe'weirdohang tiningnan ko si daddy.

"Hay nako, dad! Jan ka na nga." Tumayo na ako at umakyat sa kwarto ko. Nagsasalita pa nga siya hindi ko na siya nillingon. Hehe.

Sa kwarto, habang nakahiga ako, iniisip ko kung anong gimik nanaman ang gagawin ni Clark. Hindi pa naman kasi nagtetext si Heron kaya bubusugin ko muna ang isip ko ng daydream. 

Maya-maya lang pumasok si kuya. "Kailangan mo?"

"Aba! Masama na bang i-invade ko ang kwarto mo? Eto." Inabot niya sa akin yung isang box ng krispy kreme.

"Naglibot ka nanaman. Di mo ako sinama." Kumuha ako ng isang doughnut para kainin. Malamang.

"Kaya nga pinasalubungan kita. Eto, babatukan na kita eh. Kareklamo mo."

"If I know, namiss mo lang ako! Hug hug tayo, kuyaaaa!"

"Abnoy! Hahahaha. Hug hug!" At para kaming tanga na nagyakapan. Sweet naming magkapatid no? Mana kami sa daddy naming punung puno ng sweet bones.

"Sige na, kuya. Magpahinga ka na din. Ambaho mo na!"

"Yabang mo, ikaw nga din jan. Amoy alimuom. Hahaha. Goodnight."

"Tse! Goodnight!" Lumabas na siya at naiwan nanaman akong nakahiga sa kama ko habang kumakain ng pasalubong niya sa akin.

Bago pa ako makatulog, nagpasya na akong maglinis ng katawan para diretso tulog na. Pagkatapos maghilamos at makapagbihis, hihiga na sana ako nung naramdaman kong mag-vibrate yung phone ko. Ang ingay pa man din dahil sa may wooden table siya nakapatong.

"O?" Walang tingin tingin sa screen sagot ko. Pero in-slide to answer ko. -_-

"Sungit ng bungad mo ah. Ano? Ha? Yabang mo ah."

"Nyay! Chiki, napatawag ka?"

"Masama ba? Kung alam ko lang, kanina ka pa naghihintay jan. At kung di ako tumawag, malamang tulog ka na. Ano? Tama hula ko no? Di pa nga nag-di'dinner natutulog na."

"Oo na. Oo na. Ikaw na ang magaling manghula." Nagpatuloy ang pag-uusap namin ng isang oras. Lumalalim na din kasi ang gabi atsaka tinawag na akong magdinner ni kuya.

"Kakain na, li'l sis! Nakikipag-telebabad ka nanaman."

"Susunod na! Tsupi!" Sinipa ko siya palabas ng kwarto ko tapos nagpaalam na ako kay Chiki.

Yuvandell Academy (Rewriting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon