"Kei!!"
"Waaaah! Anong meron? Ano?" nagpagulong gulong ako sa kama hanggang sa mahulog ako.
Blags!
"Araaay..." nakahawak ako sa pang-upo ko habang tumatayo at pupungas pungas na humarap sa kuya kong pang-wangwang ng firetruck ang bunganga. Naka-pamewang siya habang nakatingin ng masama sakin.
"Anong nagawa ko?" nagtataka kong tanong sakanya. Tumingala siya at tumingin sa orasan. Tumingin naman din ako sa orasan.
"Waaaah! 6:30 na! Bat di mo ako ginising agad kuya? Nakakainis ka naman!" dali dali akong naglabas ng school uniform at mga gamit pampaligo dahil ma-le'late na talaga ako. Seriously.
"Hoy kanina pa kita ginigising noh. At kung hindi siguro ako sumigaw ng malupit baka humihilik ka pa rin. Sige na, bilisan mo na jan. Nakaready na yung breakfast mo." lumabas na ito ng kwarto.
Nagmadali naman akong naligo agad. Mga 15 minutes lang naman eh. Kuskus well!
.
.
.
.
.After 20 minutes, sorry naman hindi kinaya ang 15 minutes, natapos na din akong maligo. Sinuot ko agad ang uniform kong naplantsa na kagabi ni manang at nagsuklay ako ng konti tapos bumaba na ako.
"Kain kana, i-reready ko lang yung sasakyan." Iniwan na niya ako sa kusina at kumaing mag-isa.
Magana akong kumain, pero hindi ako matakaw. Masarap lang talaga kumain.
Oo nga pala, siguro nagtataka kayo kung sino ako? Ako si Keisha Szciel Yuvandell. Galing sa pamilya ng mga dyosa. 4th year High School. Maganda, makulit, mapagmahal. Yung kuya ko? Si Zaldy Silver Yuvandell. Kami lang dalawa ang magkasama sa bahay plus si Yaya Puring. Si kuya na ang tumatayo kong magulang. Nasa ibang bansa kasi ang parents namin. As usual, it's all because of business.
Natapos akong kumain at iniwan na lang yung plato sa mesa. Tumakbo na ako palabas at sumakay sa kotse.
"Let's go." Authoritative na sabi ni kuya.
"Yes kuya!" Pinaandar niya na ang kotse at palabas na kami ng garahe nang may naalala ako.
"Kuya, stop! Mag-t'toothbrush ako!" tumakbo ulit ako papasok sa bahay at pumasok agad sa banyo ko. Nagtoothbrush ako ng 5 minutes. Up and down, side by side, brush brush brush!
Pagkatapos kong magtoothbrush tumakbo ulit ako at sumakay na sa kotse.
"Wala ka na bang nakalimutan?" nag-isip ako. Wala na nga ba? Nang makasiguro ako umiling na lang ako sa kanya.
Naihatid na niya ako sa school after 20 minutes of driving. Hinalikan ko pa siya sa cheeks bago bumaba. Ganun kami ka-close ng kuya ko. Inggit kayo? Gumaya kayo. Bakit kayo gagaya? Kasi maganda ako. *insert hanging habagat*
Nakangiti akong naglakad at lumapit sa lugar na pinagkukumpulan ng dalawang epal sa story ko. Deh joke lang. Sila kakampi ko dito. Si Sophie at si Shannen.
"Szciel, buti di ka late ngayon?" poker face na tanong ni Shannen. Hinampas ko siya sa braso.
"Grabe ka naman. Ngayon na nga lang ako maagang pumasok." pagkasabi ko nun ay nagring na yung bell.
"Wow! Aga mo. Grabe! Saludo ako sayo." pumapalakpak pa si Sophie habang sinasabi yun. Tumayo na silang dalawa at sumunod na lang ako kahit pa nga hindi pa ako nagtatagal sa pagkakaupo.
...
Papasok na din sana ako sa room namin nang may mapansin akong lalakeng nakatayo sa may hallway. Medyo naweirdohan ako at natakot kasi akala ko ligaw na kaluluwa siya. Unusual yung presence niya, srsly, para siyang ligaw na kaluluwa talaga.
Tinitigan ko siyang mabuti nang bigla itong humarap sakin, at binigyan ako ng masamang tingin. Pumasok nalang ako sa room.
"Oh diba kasabay ka namin? Bat ngayon ka lang?" umupo ako sa tabi ni Sophie at hindi pinansin ang tanong ni Shannen.
"Bastos!" binato niya ako ng nilukot na papel sa mukha.
"Aray! Ikaw kaya batuhin ko ng isang buong pad paper jan nang matahimik kaluluwa mo!" pabulong kong sigaw sa kanya.
"Kinakausap kasi kita hindi ka sumasagot." sagot niya sakin.
"Eh hindi kita narinig eh." katwiran ko.
"Manahimik nga kayo. Nakapagitna kaya ako sa inyo, pano naman ako malalapitan nung isang yun kung ganyan kayo kagulo." sabay kaming napatingin ni Shannen kay Sophie, and at the same time dun sa sinasabi niyang guy.
Another guy to play. Hay nako. Napailing kami ni Shannen at nag-apir pa.
"Alam ko nasa isip niyo." masama tingin niya samin.
"Ano?" sabay naming tanong ni Shannen.
Nagkatinginan ulit kaming tatlo at sabay sabay na nagsalita.
"Another guy to play with!" nagtawanan kaming tatlo at nagsi-apiran pa. Sakto namang dumating na yung adviser namin. At simula na ng isang buong maghapong boring na klase.
...
Hanggang sa nagring na yung bell, hudyat na break time na! Mabilis kaming tumayo para makarating agad sa cafeteria. Kahit alam naman naming hindi kami mauubusan ng upuan doon dahil may nabili akong pwesto dun. Char!
Nagkanya kanya kami ng order dahil kahit magkakaibigan kami, magkakaiba ang tastes namin. Ako hilig ko mga burgers and fries. Si Shannen pastries. At si Sophie naman pasta.
"So, anong balak niyo ngayong graduating na tayo?" Panimula ko ng usapan.
"Balak ko magkaboyfriend na!" Sabi ni Shannen.
"Ako? Balak ko magkaroon na ng seryosong relationship, yung tipong love talaga ang pundasyon." Kumikinang ang mga matang sagot ni Sophie.
"Hayst! Hindi yun. Ang ibig kong sabihin, after nito college na tayo, anong course kukunin niyo?" Sabay nila akong inirapan at hindi na ako sinagot. Hay nako.
Ako, wala akong balak magboyfriend muna, gusto ko kasi pag nagboyfriend ako, siya na yung last. At ang kukunin kong course ay, golf course. Nyahaha.
...
Sumapit ang uwian time at naghiwa-hiwalay kaming tatlo ngayon. Hindi kami sabay-sabay umuwi, si Shannen kasi may lakad pa. Si Sophie, may date nanaman. So ang labas, mag-isa akong uuwi.
Lumabas na ako ng campus at naglakad papunta sa sakayan.
May napansin naman akong parang nakasunod sakin kaya humarap ako dito. At siya yung misterious guy na kanina ko lang nakita sa buong buhay ko.
"Sinusundan mo ba ako?" nakangiti kong tanong sa kanya. Siyempre kailangan ngumiti. Sa ganda kong ito, nakakahiya namang sumimangot ako. Baka bawiin ni Papa God yung kagandahang isinaboy niya sa pagmumukha ko.
"Sa pagkakaalam ko kasi daan ito na dinadaanan." poker face niyang sagot na hindi man lang nakatingin sakin.
Nakatayo lang siya, yung dalawang kamay niya nakapasok sa bulsa niya, both sides, tapos maangas yung dating niya. Pero nakapoker face. Weird.
"Ok." masayang sagot ko sa kanya at tumalikod na ulit para ipagpatuloy yung pagrampa kong naantala.
Nakasakay na ako sa trike nang makita ko siyang tuloy-tuloy na naglalakad pa din. Hindi pa nakatingin sa daanan niya. Napailing na lang ako.
He's somewhat kinda weird, but, I can't deny that he has this catchy eyes and looks. Ang lakas kasi ng dating niya.
Oops! Bawal muna lumande. Aral muna. Ayoko munang isipin ang mga ganyang bagay. Bata pa kasi ako atsaka masyado akong maganda. Sabi ko nga kanina dapat kapag nagka-boyfriend ako yung hanggang forever na. Yun bang siya na talaga.
To be continued..
BINABASA MO ANG
Yuvandell Academy (Rewriting)
Novela JuvenilSometimes it's not just about the smile, it's all about her smile despite the mischiefs, playfulness, and being a crybaby during the high school life.