Smile Six

488 14 15
                                    

Sophie's POV

Sophia Elizabeth Blackwell here. But you can just call me Sophie.

Yeah Right! Ako nga. Ang Hyper Casanova Girl ng campus. Isa sa tatlong dyosa na magpapaikot ng mundo niyo. Yung dalawa loveless, at ako laging may kadate, pero loveless pa rin. I don't take relationships seriously.

Let me tell you something guys.

Hindi naman ako magiging ganito kung di dahil sa mga jerks na manloloko. Hindi ako yung tipo ng babae kasi na madaling mauto. Madaling kiligin sa tamis ng dila nila.

Like duh, kung sa bolahan lang, talagang panalo na ang mga lalake. Kaso nga lang hindi lahat nauuto nila. Hindi lahat ma-fo'force nilang mapunta sa kanila. Hindi lahat kasing tanga ng mga nauuto nila.

Wag nila akong itulad sa kanila.

Well, sa lahat ng makakasalubong namin, at sa lahat ng nakakakilala saming tatlong magkakaibigan. Ako talaga ang sinasabihan nilang masungit, mataray at hard to be with.

Pero di nila alam, ang kulit ko kaya. Pag kasama lang mga bestfriends ko.

Oh sige. Tama na ang madramang intoduction. Andito na ang dalawang kaibigan ko.

"Hello Sophie!" Bati ng makulit at kwela ko ding kaibigan na si Keisha. Nag-hello ako in return at maarteng nakipag-beso beso sa kanya.

"Oh bat tahimik at tulala ka naman?" Baling ko kay Shannen.

"Ihh kasi! Si Sky eh, makangiti at kindat sakin kanina, wagasan!" Yakap yakap niya ngayon ang bag niya at parang tangang nakatulala.

"Ewan ba, bat kilig na kilig kay Sky yan." Sabat ni Keisha.

Oo nga naman. Kahit ako hindi ko maintindihan bat ganun nalang siya kakilig dun sa Sky na yun. Like duh~ gangster type? Not my type. Mamaya pati ako binugbog ng mga kaaway niya.

Like duh~ oh wag na kayong umangal. Line ko yan. Baka masira nga naman ang maganda kong pagmumukha.

"Nakakakilig kaya siya. Ang cute niya mag-smile. Heaven." Nagkatinginan kami ni Keisha.

"Duh~" sabay naming sagot na ikinabusangot ni Shannen.

"Napaka-supportive niyo talagang mga kaibigan. Grabe! Grouphug!" At dahil sa request niyang grouphug, ayan nag grouphug kami.

Pero siyempre, pagkatapos ng makulit na grouphug, ready na kami for the maarteng rampa. Bawat hakbang namin, iba't ibang leeg ang napapatingin samin. Leeg ng lalake, babae at bakla, isama niyo na pati mga tomboy.

Hindi na bago samin yan. Sa ganda ba naman naming ito, tss, walang kataka taka doon.

...

At our room.

Umupo na kaming tatlo sa mga seats namin. 15 minutes bago magsimula ang klase. Kwentuhan mode muna kaming lahat.

"Sophie, let's talk please?" Si Steven? Oh, one of those jerks. Tinaasan ko ito ng kilay at binigyan ng mapang asar na ngiti.

"Anong dapat nating pag-usapan? Di ba tapos na tayo?" Umupo ako sa desk at tiningnan ko siya ng mata sa mata.

"But I don't want our relationship to end like this. Mahal kita eh. Please?" Halos lumuhod na ito sa harapan ko.

Kinukurot na ako ng dalawa at binubulungan na balikan ko na "DAW?"

"Alam mong hindi ako marunong magseryoso at hindi ako marunong magmahal. Napag-usapan na natin yun di ba? Bago ako pumayag na maging tayo. The moment na minahal mo na ako, wala na tayo. Ngayon kung hindi ka makaintindi, lumayas ka na sa harapan namin, Steven. I don't need you in my life anymore. And never will I." Matalim ko siyang tinitigan.

Yuvandell Academy (Rewriting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon