"Bessy!" Patakbong lumapit sakin si Shannen pagbaba ko palang ng kotse ni kuya.
"Bessy!" para kaming mga tanga noh. Sabado linggo lang kami hindi nagkita pero kung magyakapan kami ngayon parang isang taon na ang nakalipas.
"Miss na miss kita bessy!"
"Eto naman ang OA. Parang hindi tayo nagkita ng 65,000 years!"
"Basta miss na kita. Magkwento ka naman oy!" tinapik niya ako sa braso at hinila hila sa upuan.
"Anong kukwento ko naman? Ano namang tingin mo sakin? Wowa Bashyang?" I rolled my eyes and started to flip my hair.
Kasi MAGANDA ako. ^__~
"Dali na kasi!" nagpout siya kaya naman napilitan akong magkwento. Ang kulit naman kasi.
"Ok, alam mo ba?" pigil kilig kong simula.
"Kyaaaaa! Hindi pa! Ano yun?"
"Teka lang naman! Ang ingay mo. Nakakarindi." kinuliling ko yung tenga ko at napapangiwing tumingin sa kanya.
"Magtititigan nalang ba tayo ng ganyan bessy? Ano ba? Kwento na!"
"Teka nga, bakit ba namimilit ka?" hinarap ko siya ng nakapamewang.
At ginaya ako ng bruha. Nagpamewang din siya.
"Kasi may nadiscover akong happening last friday. See this?" tinaas niya yung cellphone niya at tinitigan ko yun.
Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ko kung ano yung nasa cellphone niya.
"Waaah! Bat meron ka niyan? Bakit?" pilit kong inaabot yung cellphone niya pero tumitingkayad ito at tumatakbo.
"Oops! Bessy wag ka ngang OA! Ang cute nga eh. Tingnan mo, oh di ba? Nasa pagitan niyo yung sunset habang nakangiti siyang nakatingin sayo. Tapos ikaw din nakatingin habang nangingintab yung mga mata. Kyaaaa! I'm jealous!"
"Huy. Baliw. May Sky ka na tapos umeepalogue ka pa samin ni Papa Heron ko!"
"Maka-KO ka naman wagas! Sayo na? Sayo na? Tsaka di pa naman kami ni Sky eh. Pwede pa kami ni Heron." hinablot ko buhok niya sa sinabi niyang yun.
"Manahimik ka, kung ayaw mong magkaroon ng world war 3. Magkalimutan na tayo bilang mag-bessy pag nagkataon!"
"Aray naman bessy. Peace tayo! Mas gwapo naman si Sky eh. Atsaka feeling ko bessy kapag nagkataon na niligawan niya ako, papakipot lang ako ng mga ilang minuto sasagutin ko na siya."
"Halah! Ang landi ng bessy ko! Hahahahah." siya naman ngayon ang nanghablot sa buhok ko at sabay kaming nagtawanan ng malakas.
"Kala ko talagang hanggang tingin ka nalang bessy. Kita mo nga naman talagang nginitian ka pa." biglang nagseryoso ang mukha niya. Napailing na lang tuloy ako at naalala ko pa yung math equation na pinasolve niya sakin.
Napakaadik naman ata niya sa math. Yun ata ang nagsisilbing defense mechanism niya sa mga babaeng nagpapacute sakanya. Hah! Kala niya huh? Sadyang cute na ako at hindi niya makakayanang hindian ang itsurang ito.
"Hoy ilusyunada!" nabigla naman ako sa biglang pagtulak sakin ni Shannen kaya nagising ako sa katotohanan.
"Ano nanaman?"
"Nag-de'daydream ka about kay Heron noh? Ayyieee! Aminin mo na!"
"Wag ka nga!" sabay hampas ko sa kanya ng notebook kong dala. Nakakahiya kaya. Mamaya may makarinig pa sa kanya. Feeling ko tuloy namumula na ako.
"Girls, anong kaguluhan ito?" kunot noong tanong ni Sophie na ngayon ay kadarating lang.
"Etong si Keisha lumalandi!"
BINABASA MO ANG
Yuvandell Academy (Rewriting)
TeenfikceSometimes it's not just about the smile, it's all about her smile despite the mischiefs, playfulness, and being a crybaby during the high school life.