Smile Twelve

372 12 2
                                    

Lonely is the night when I'm not with you

Lonely is the night ain't no light shining through

Haaay! Ayan nanaman ang nakakainis na commercial ng Imodium. Ano naman kayang kinalaman ng Lonely is the night sa sumasakit ang tiyan?

Naku! Naku! Naku! Mga Kaechosan talaga nila. Ang gwapo at ganda pa man din ng model nila.

Maagang nagtext si Keisha sa akin, magkita daw kaming tatlo sa favorite place kaya naman maaga akong nag ayos para makarating sa eskwelahan agad. 

I wonder why?

Napaaga ako ng ilang minuto sa kanila dahilo naghintay pa ako ng sandali bago ko sila namataang padating na.

"What's with the sudden meeting?" tanong ko agad sa kanila.

"Hindi ka na sumasabay samin masyado." Si Sophie ang nagsimula. At alam ko nang seryosong usapan nga ito.

"Hindi ka na nagpapakita samin." Keisha with her death glare.

"Parang may tinatago ka samin." Dagdag pa ni Sophie.

"Hindi mo na din pinapansin si Sky."

"Yah, nagsumbong siya samin."

"At kahit ayaw namin sa kanya, naawa naman kami kasi pinakiusapan niya kami."

"Soooo?" yun lang ang lumabas sa bibig ko kahit na ang dami nilang tinanong at sinabi.

"Anong so so so ka jan? Can't you feel it? We're worried. So much worried Shannen. Feeling namin sinasapian ka ng masamang espirito. Kaya kailangan ka naming dalhin sa albularyo." nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Sophie. Pero bago pa ako makapalag, nahawakan na nila ako sa dalawang braso at pinaghihila.

"Waaaah! Sophie, Keisha! Humanda kayo sakeeeeen!!" tawa sila ng tawa habang nagsusuklay at nagpupunas ng pawis. Naitali na kasi nila ako sa isang upuan sa tulong ng mga hinired nilang alalay para sa kalokohan nila.

Maya-maya lang may kinontak si Keisha.

"Hawak na namin siya. Wala kaming klase ngayon, pina-fired ko kay tito yung teacher namin hahanap palang kaya pumunta ka na dito and do your part. Bye."

"S-sino yun?" kabado kong tanong sa kanila.

"Your Prince Charming." kumindat sakin si Keisha at sabay silang umupo sa iba pang upuan na nakapaligid sakin.

Maya maya lang namataan ko na si Sky na papalapit sa amin.

OMG! Ibebenta nila ako kay Sky? Waaah! How rude of 'em? How dare them do this to me? I mean, i'm their friend. Bestfriend! Superest bestfriend!

"Ayos ba?" tanong ni Sophie na nag-thumbs up pa.

"Ayos na ayos." sagot ni Sky na nag-two thumbs up naman.

"Anong ginagawa mo dito? Anong kinalaman mo dito? Anong meron? Bakit bigla bigla close kayo ng dalawang bestfriend ko? Paano mo sila napilit na gawin ito? Kelan mo sila kinausap? Saan kayo nag usap??" sunod sunod kong tanong.

"Whoa whoa whoa. Easy baby ko. Pwede isa isa lang. Kasi ako, isang sagot lang ang hinihintay ko sayo."

"Anong sagot naman ang hinihintay mo sakin? Eh wala ka namang tinatanong!"

"Eh di ang matamis mong OO." ngumiti siya sakin. Pakiramdam ko ginapangan ako ng 10,000 volts sa katawan.

"Whoooo! Ang galing mo Sky!" at talagang may cheering squad siya. Napatingin ako sa dalawa at nakikipalakpak sila with matching iling.

"Sky, baby, you will never ever hear that word from me." matigas kong sinabi ito sa kanyang harapan.

"And why? May iba ka na bang mahal? Sino siya? Papatayin ko!" tiim bagang na tumayo ito at kinuyom ang kamao.

"Oo meron na. Pero bago mo siya magawang saktan, ako muna makakaharap mo." hindi makapaniwala si Keisha at Sophie sa mga naririnig nila sakin ngayon, kaya nagkatinginan sila at sabay na lumapit sakin.

"What are you talking about?"

"Yeah, who's the unlucky guy?"

"Maka-unlucky naman ito. Pakawalan niyo muna ako dito!!" sigaw ko sa kanilang dalawa.

"Mamaya na!" sigaw ni Keisha sakin.

"Clear the way!" isang lalake ang narinig naming sumigaw. At mula sa isang kumpol ng mga estudyante, lumabas ang isang lalakeng kailanman ay hindi ko makakalimutan ang itsura kahit sa panaginip.

"Stephen?!" naibulalas ko nalang.

Halos lahat ay nakatingin sa kanya. Sino ba naman ang hindi mapapalingon sa isang gwapong varsity player. Emeged!

"Are you guys..." isa-isa niyang tinuro sina Keisha Sophie at Sky na malapit sakin, "bullying her?" turo niya sakin.

"Nah uh." Sophie, while combing her hair using her fingers.

"Nopy dope." Dedmang sagot ni Keisha.

"Ah, hin--" hindi na ako pinatapos ni Sky at sumabat na ito.

"Hindi. Pina-kidnap ko siya para sapilitang bihagin at makuha ko puso niya." napayuko nalang ako napabuntong hininga ng sobrang lalim.

"Pare alam mo, hindi mo dapat finoforce ang isang babae kung ayaw niya sayo. Sa cute niyang yan, hindi ganyan yung mga tipo ng girl na madadala sa ka-cheapan mong pangkanto lang. So, LEAVE HER ALONE." matigas niyang sinabi yung LEAVE HER ALONE at bahagyang tinulak si Sky.

Lumapit naman ito sakin at inalis ang tali sa katawan ko. "Are you okay?"

"Sa totoo lang kasi hindi naman nila ako binubully eh, nada--" 

"Shh. You don't have to explain. Just come with me at the cafeteria. I'm hungry." ngumiti siya sakin at biglang tumunog ang tiyan niya kaya nagtawanan kaming dalawa.

Mukha lang kaming tanga dahil napapagitnaan kami ng crowd. Idagdag pa ang dalawang kaibigan ko, at si Sky na ngayon ay namumula na sa galit.

"Siya ba?!" napatingin naman ako kay Sky na bigla nalang sumigaw.

"Ako?" Takang tanong ni Stephen.

"Tss. mas gwapo pa ako sayo. Varsity player ka lang. Kilala ka lang kasi pero di ka kagwapuhan. At ikaw naman, magsisisi ka din. Magmamakaawa ka din sakin! Tandaan mo yan." tumalikod na ito at nakapamulsang naglakad palayo. Tinulak pa nga niya yung isang student na nakaharang.

"Haay! Kawawa naman siya."

"Oo nga. Never kong ginanyan yung mga boys."

Napatingin kaming dalawa ni Keisa sa sinabi ni Sophie.

"MUKHA MO!" sabay naming sigaw sa kanya na ikinatawa naming tatlo.

"Lakad na girl, Stephen is waiting."

"Oo nga. Enjoy."

Nagpaalam na sila sakin at sabay na umalis kasama ang iba pang students na kasabwat nila at audience na din namin kanina. Naiwan na lang tuloy kaming dalawa ni Stephen na nakatayo at hindi nag-iimikan.

"Tara na! Gutom na ako." hinila na niya ako papunta sa cafeteria kaya hindi na ako umangal pa. Gosh! Hawak niya kamay ko. Feels like heaven! 

"Anong gusto mo?"

"Anything."

"Ah miss, can I buy anything?" tanong nya sa tindera. Kinalbit ko naman ito.

"Huy, adik. Walang anything jan."

"Sabi mo anything? Adik ka din. Haha."

"Haha. Ang kulit mo!"

"Mas makulit mukha mo. Sarap nga pisilin ng pisngi mo eh."

And our day went on and on. Masaya siyang kakwentuhan. Hindi siya nauubusan ng sasabihin kahit pa nga wala nang sense, pero nakikinig pa din ako at nakikitawa. Hindi ko mapigilang tumawa, hindi ko din alam kung bakit eh. Siguro dahil masaya lang ang naglulumandi kong puso dahil kasama ko siya.

Walang dull moments buong oras na kasama ko siya. Lalo tuloy nalito ang puso ko!

To be continued..

Yuvandell Academy (Rewriting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon