Smile Four

514 12 4
                                    

"Keisha Szciel!" Tawag ko sa bessy kong pabebeng kagaya ko habang patakbong lumalapit. For the first time, nauna siyang pumasok kesa sakin.

"Oh bakit?" Hindi pa rin siya sakin nakatingin.

"Ano ba yan? Kanino ka ba nakatingin?" Nakitingin tingin na rin ako sa direksyon na tinitingnan niya. Pero wala naman.

"That weird guy. Bakit ba ang ilap niya? Para siyang multo." Rinig kong bulong niya.

"Bumulong ka pa? Atsaka, teka nga! May nakikita ka bang hindi ko nakikita?" Irita kong tanong sa kanya.

"Rinig mo ba?" wala sa sariling tanong niya.

"Ay, hindi. Lika nga, umupo tayo. Ang weird mo today. Nilalagnat ka ba?" Hinila ko siya sa may lilim ng puno at kinapa-kapa ko ang noo at leeg niya.

"Ano ba? Di ako nilalagnat, bessy." Nanahimik kaming dalawa habang pinapakinggan ang mga ibon sa puno.

"Si Sophie? Kanina ko pa kasi hindi nakikita." Tanong ko.

"Kasama si Jerry." Tipid niyang sagot habang naglalabas ng tinapay.

"Jerry? Sino yun?" Tanong ko nang nakatingin ng masama sa tinapay niyang may palamang strawberry jam.

"Yung 3rd year na high jump player." Sagot niya habang kinakagat yung sandwich niya.

"Ah. I see. Teka bat ang aga mong kumain?" Tanong ko sa kanya sabay kurot sa tinapay niya.

"Nakakagutom eh." Sagot niyang hinihimas himas pa ang tiyan niya.

Nilantakan na lang namin yung foods niya habang nag-sa'soundtrip. Maya-maya pa'y bigla nanamang naging weird yung kinikilos niya at nagpaalam na aalis muna.

"Oh sige, sige kung san ka masaya. Babush!" Kumaway kaway ako at nang hindi ko na siya matanaw ay humiga ako sa upuan. Mahaba naman ang palda ko at wala naman masyadong tao ngayon sa school park maliban sa mga nagbabasketball sa court.

Sinulpak ko nalang yung earphone ko at nilabas yung chocolate chips ko. Masaya akong nakikinig ng music at sinasabayan ko pa ito.

"Bulaga!"

"Ay kabayo kang lumipad!" Napatayo ako nang biglang sumulpot si Sky sa harapan ko.

"Bwahaha! Nasaan?" Tumingala siya at tila ba naghahanap talaga ng kabayong lumilipad. Natawa na lang din tuloy ako sa nasabi ko.

"Nanggugulat ka kasi!" Tinulak ko siya at kunwari ay napaupo siya sa damuhan.

"Awch! That hurts baby!"

"Yuck! Wag mo nga akong bine-baby. I'm not your baby!" Umupo ako ulit at tumabi siya sa akin. Tinago ko na yung headset ko dahil alam kong hindi ko na magagamit yun, may mangungulit na kasi sakin.

"Hindi ka ba mamamalengke mamaya?"

"Hindi na. Nagkataon lang na nakalimutang mamili ni mommy kaya ako yung nautusan niya. Pero di naman talaga ako laging namimili."

"Ah." Tumahimik siya.

"Nakauwi ka ba ng safe kagabi?"

"Yhup. Nag-alala ka ba para sa hero mo?" Sa di malamang dahilan ay napalingon ako sa kanya. Nanlaki pa ang mga mata ko dahil nakangiti siya sa akin, at napakalapit ng mukha niya sa mukha ko.

Pumikit ako para magkaroon ng lakas ng loob na itulak siya. Narinig ko nalang siya na tumatawa ng malakas.

"Ang cute ng mukha mo. Kung alam mo lang. Look!" Pinakita niya sakin yung kuha ng mukha kong nakapikit at mukhang natatae.

Yuvandell Academy (Rewriting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon