Sophie's POV
Lagi nalang may date yung dalawa. Anyare? Dati ako nang-iiwan, ngayon ako na yung naiiwan. Nakakasawa na kasing makipaglaro sa mga lalake dito sa school. Buti pa si Keisha atsaka si Shannen, mukhang inlove na tunay.
"O, Sophie, mag-isa ka nanaman?" Eto nanaman tong mapang-asar na Clark na ito. Hinigpitan pa niya yung yakap niya sa bewang nung kasama niyang babae. As if naman no. Like duh ~
"Pakialam mo?" Tatalikod na sana ako kaso hinila niya yung braso ko.
"Maria, este Rona, ah! Kung sino ka man, kalimutan mo ng tinawag kitang girlfriend ko kanina. Sorry for stealing your first kiss. Bye." O.O nabigla ako sa ginawa niya dun sa babae.
"It's Thea, you fool." Pagkasabi niya nun tumakbo na siya palayo. Ibang klase ka, Clark. Pero di mo ako magagawang paikutin at paiyakin.
"Ano ba, pansinin mo naman kasi ako. Hindi naman kita liligawan at paglalaruan eh. Makikipag-kaibigan lang naman ako. Ui. Sophie!"
"Ano ba, Clark? Manahimik ka na nga. Hindi ako pwedeng mapalapit sayo." Ayoko nga sa kanya. He stinks. -_-
"At bakit hindi pwede?" Eh kasi nga ayoko sayo.
Hindi ko nalang siya pinansin at dumiretso na ako sa classroom. Tapos naman na yung breaktime. Nandun na rin yung dalawa na kinikilig pa rin hanggang ngayon.
"Anong bago?" Singit ko sa kanilang dalawa.
"Best, si Cyrus grabe siya! Kahit di ako pinapansin ni Heron medyo sumasaya na rin ako. Hay nako! Pag di nagbloom yung samin ni Heron pag-aaralan ko ulit mahalin si Cyrus." Nakangiti si Keisha habang nagkukwento.
Si Shannen naman hinarap ko, "Nalilito ako, bhest. Kung sino ba sa kanila? Iba kasi yung mga kinikilos ni Stephen eh. Parang may pinapahiwatig yung bawat titig niya tapos si Sky naman parang super nag-improve din siya. Ay ewan!" Nag-roll ako ng eyes.
Sila na inlove. "Pst, Sophie, may ballpen ka?"
"Estudyante ka ba talaga?" Iritang humarap ako kay Clark sabay abot ng ballpen ko. "Ingatan mo yan."
"Salamat." Maya-maya lang kinakalbit na naman niya ako.
"What?!" Ngumiti lang siya sabay abot ng ballpen ko at ng isang pirasong papel.
Tiningnan ko yung papel at may nakasulat doong SMILE :)
Inisnob ko lang siya kahit nakangiti siya. "Uyyy. Ano yun ha?" Bulong ni Keisha na nasa kanan ko.
Buti nalang nasa kabilang side ni Keisha si Shannen kundi mabubully ako ng di oras. Tanghaling tapat lumalandi itong Clark na to.
"Wala, best. Nang-aasar lang siya." Simpleng sagot ko. Siyempre, alangan namang may bahid ng pagkakilig? Duh.
Pagkatapos ng filipino subject, umupo agad si Clark sa desk ng arm chair ko sabay umakbay sakin.
"Uy, ano yan ha?" OA na sigaw ni Keisha sabay alis ng kamay ni Clark.
"Eto naman, friendly akbay lang." Katwiran ni Clark.
"Bessy, yaan mo na muna sila. Di ba nga pinupush natin si Sophie kay Clark." Sige lang, Shannen. Bulong pa. Yung tipong rinig hanggang sa guardhouse.
"Tumigil nga kayong dalawa jan. At ikaw na lalake ka, wag kang ambisyoso ok?" Sasagot pa sana siya nung biglang dumating si Mam English. Buti na lang. Ayoko na kasing makipagtalo.
***
"Sophia Itimbalon!" What? Itimbalon?! Lumingon ako sa pinanggalingan ng sigaw. At hindi ako nagkamali sa tumawag sa akin.
Si Clark.
"Ano nanaman ba?"
"Akala mo ba titigilan kita?"
"Tigilan mo na ako. Nagpapagod ka lang." Nakita ko na sina Shannen at Keisha kaya dumistansya ako kay Clark.
"Best, lika na." Mabilis akong humawak sa kamay ni Keisha.
"Siyanga pala, Clark! Hindi Itimbalon ang last name ko. Hmp!" Nakakainis. Walang magawa sa buhay, pati last name ko pinagtitripan.
"Alam mo, best, sa tingin ko tinamaan si Clark sayo." Tiningnan ko si Keisha at seryoso siya.
"Ano ba kayo? Gumaganti lang yun dahil pinahiya ko siya." Remember that scene? Yung sinabihan niya akong 'Be mine' tapos sumagot ako ng 'In your dreams Big boy'. Hahaha nakakatawa yung itsura niya nun.
Tapos ayun, simula nung nangyari yun lagi ko na siyang nahuhuling nakatingin sa akin. Kaya sa tingin ko gumaganti lang siya.
"Sa tingin ko din nga, bhest." Agree ni Shannen sakin. O di ba? Gumaganti lang yun.
***
"Sophie, buti naabutan kita." Nagsisisi talaga ako dahil naglakad ako.
"Alam mo, kakaiba ka talaga. Hindi ka man lang na-a'attract sa kagwapuhan ko. Hindi ka man lang napapangiti sa mga banat ko. Ayaw mong maniwalang hindi kita liligawan. Hanggang kaibigan lang talaga. Promise." Sinulyapan ko siya ng konti. Hindi siya nakatingin sa akin. Diretso siyang nakatingin sa daanan habang nakangiti.
I admit, may itsura siya. At kung totoong gusto niyang maging magkaibigan kami, ok sige.
"Sige. Pero hanggang dun lang ha?" Nagliwanag bigla ang mukha niya.
"Talaga? Wala ng bawian ha?" Magana siyang sumabay sa paglalakad sa akin.
At gaya ng inaasahan, entrance pa lang ng school pinagtitinginan na kami.
"Sila na ba? Totoo na ba yan?"
"Isang casanova prince at princess? Goodluck."
"Kyaaa! Bagay sila!"
Hay. Chismis dito, chismis doon. Kaya nakakasawang maging peymus eh.
"Yaan mo sila. Hindi naman totoo kaya tahimik nalang tayo." Mukha siyang anghel na napakabait ngayong makipag-usap sa akin. Anyare? Asan yung mapang-asar na Clark?
"Bakit ang bait mo ngayon?"
"Haha! Siyempre ang pangit naman kung kaibigan kita tapos aasarin kta ng aasarin. Mamaya bawiin mo yun di ba?" Di ko nalang siya sinagot. Bahala siya.
"Ui, Clark! Hinahanap ka ni Jessie." May nasalubong kaming taga-Diamond section. Barkada niya siguro to.
Jessie. Sa tingin ko tinakbuhan niyang girlfriend ito.
"Wala akong kilala Jessie. Sige na, shupi."
"Wooh! Sige na. Congrats sa inyo." Hay nako. Hindi kami, mga tao talaga. Hilig gumawa ng chismis.
Tuluy-tuloy kami sa paglalakad. "Alam mo, Clark. Magbago ka na. May pag-asa ka pa." Paglingon ko sa tabi ko wala na siya.
"Asan yun?" Hayst. Bahala nga siya. Dumiretso na ako sa room.
~~~~~~~~~
*****Nasaan ka, Clark Icen?*****
San siya nagpunta?
Anong ginawa niya?
ABANGAN!
BINABASA MO ANG
Yuvandell Academy (Rewriting)
Teen FictionSometimes it's not just about the smile, it's all about her smile despite the mischiefs, playfulness, and being a crybaby during the high school life.