Clark's POV
Grabe naman tong Sophia Itimbalon na 'to. Di man lang ako hinintay. Nasubsob lang naman ako dahil sa natapilok ako dun sa nakausling bato. Dumi na tuloy ng uniform ko, kung kelan naman natuto na akong magplantsa.
"Oh my Claaaark! Bat ang dumi mo? Here's my hanky o, use mo muna." Anak ng pating. Ang arte neto.
"Thank you. I have to go." Tinakbuhan ko na siya bago pa niya ako yakap yakapin.
"Clark! Where are you going ba?!" Ang arte. Naiirita na ako sa mga ganun. Nakakasawa din pala yung mga kaartehan nila minsan.
Dumating ako sa classroom bago mag-time kaya meron pa akong oras para kausapin si Sophie.
"IB." Yun ang itatawag ko sa kanya. As in I and B. (AY & BI)
"Anong Ivy? Hoy di ako si Ivy no!" Hala. Ang sungit talaga neto. Ivy daw. -_-
"Sabi ko I-B hindi ivy." Nakangiti kong pag-uulit sa kanya na may kasamang pagkurot sa cheeks. Ang cute!
"Bat IB nanaman ba tawag mo sakin?" Lagi nalang nakasimangot to pag kausap ko. Di man lang ngumiti kahit kunwari lang.
"Itimbalon hehe. Haba kasi eh." At dahil diyan, tentenenentenen! Nakatanggap ako ng isang sapok.
"Anong meron? Anong meron?" Sumingit na din sina Shannen at Keisha sa kulitan namin ni Sophie na ako lang naman ang natutuwa.
"Wala. May nang-aasar lang." Pa-snob na sagot ni Sophie.
"Eto naman, napakasungit sa akin. Iniwan mo na nga ako kanina eh." Sabay na tumingin sa akin si Shan at Kei habang pinaglakihan naman ako ng mata ni Soph.
Hahaha. Kdot.
"You mean, sabay kayo?" Si Shannen with her cute face expression.
"Sabay talaga kayong pumasok?" Si Keisha with her IMBESTIGADOR look.
"Hindi ah!" Deny pa tong itimbalin na to. -_-
"Sige, deny lang. Nakakasakit ka na." Madrama kong litanya na lalong kinalaki ng mga mata nilang tatlo. Bwahaha. Buti nalang pang-best actor ako.
"Sophie, anong meron?"
"Oo nga, anong meron? Tell us!" Nangungulit na ngayon yung dalawa sa kanya, mukha ngang napipikon na sa akin eh. Di lang talaga makapag-salita. Eksaktong sisigawan na niya ako nung dumating ang hero ko.
Si ma'am! *v*
Ngumiti ako sa kanya at umupo ako sa upuan kong nasa likuran lang niya. Tahimik lang siyang nakikinig habang ako naman, kuntento na ako sa likod niya. Pfft. Ang pode talaga ng POV ko, puro kalokohan lang.
Maya-maya, may inabot sa akin na papel si Keisha. Pero siyempre, patago lang.
**Hoy, Clark, anong meron sa inyo? Anong status?***
Mag-pe'penback sana ako kaso ang baduy nun. Bumulong nalang ako, pero tinantiya ko at sinigurado kong madidinig nila yun.
"Kami na no, pero..."
"Huwaaat?!" O.O ang ingay ni Keisha. Napatingin tuloy lahat sa kanya pati na si ma'am. Lagot talaga itong batang ito.
"Keisha, mamaya na mag-ingay ok?" Huwaaaat din?! Bat ganun lang reaction ni ma'am. Eh pag ako nag-iingay ratatatatat si ma'am. Hmm. I smell something fishy.
"Yes, ma'am. Sorry." Pagkatapos niyang mag-sorry ay humarap ulit siya sa akin. Yung mga mata niya ay nagsasabing 'MAG-UUSAP TAYO MAMAYA'. Lagot talaga ako kay IB neto eh. Napakamot nalang ako saulo ko. (=.=)7
BINABASA MO ANG
Yuvandell Academy (Rewriting)
Teen FictionSometimes it's not just about the smile, it's all about her smile despite the mischiefs, playfulness, and being a crybaby during the high school life.