Ilang araw na akong hindi pinapansin ni Heron. Pag nadadaanan ko siya kahit simpleng tingin lang hindi ko makuha sa kanya kahit pa nga mabali na leeg ko kakatitig sa kanya.
"Ang hirap naman ng ganito!" pabagsak akong yumukyok sa desk.
"Why oh why bessy?"
"Shannen! Huhu hindi niya ako pinapansin! TT__TT"
"Eh baliw ka eh. Sukat ba namang humingin ka ng space."
"But that's too much space!" sinuntok ko yung desk at yumukyok ulit habang umiiyak.
"Manahimik ka nga jan. Para kang tanga. It's just Heron."
"Yeah it's just Heronie that I love and Chiki that I miss! HUHUHUH!"
"Hay ewan ko sayo."
Iniwan na niya ako sa room. Sabagay uwian na. Hindi naman ako makakapagdrama ng ganito pag may mga huwechoserang estudyanteng nandito eh.
Niligpit ko nalang yung gamit ko at lumabas na sa room.
Pababa na ako sa hagdan habang sumisinghot singhot nang makita ko si Heron sa dulo ng hagdan na parang may hinihintay.
Nagtuluy tuloy ako at hindi niya ako pinansin. Awts!
Humihikbi ako habang naglalakad.
Palabas na ako ng gate nang may biglang tumawag sa akin.
"Kei." napalingon ako at talagang nagulantang ang mundo ko.
"Cy?"
Cyrus Ziskiel Panther. Ang aking kauna-unahang inibig. Ang unang minahal ko. EX ko siya. Pero di kami legal. Kasi bawal pa ako. Kaya nga hindi ko kinonsider na naging kami talaga.
"Bat ka umiiyak? May nang-away ba sayo?"
"Wala." yumuko ako at pinunasan ang luha ko.
"Napuling lang?" narinig ko siyang tumawa at lumapit sa akin. "Kamusta ka na?"
![](https://img.wattpad.com/cover/5000284-288-k243895.jpg)
BINABASA MO ANG
Yuvandell Academy (Rewriting)
Novela JuvenilSometimes it's not just about the smile, it's all about her smile despite the mischiefs, playfulness, and being a crybaby during the high school life.