Maghahating gabi na pero di pa rin ako makatulog. Ang sarap alalahanin ng bawat ngiti niya kanina sa date namin. Napapangiti rin ako ng hindi niya nahahalata. Bakit nga ba? Bakit ganun kalakas ang hatak niya?
Humilata ako. Dumapa ako. Nagpaside ako. Umupo ako. Gumulong gulong na ako. Wala pa rin!
"Antok dalawin mo naman akooo!!!" argh! Hindi talaga ako makatulog. Mabuti nalang at saturday bukas, kaya pwedeng magpuyat.
Napagpasyahan ko nalang na bumaba muna at magtimpla ng gatas ko para makatulog na ako. Habang pababa sa hagdan ay tumunog ang cellphone ko kaya binalikan ko pa.
Ewan ko ba kung ba't excited ako. Feeling ko si Katsa yun kahit napakakonti lang ng chance na siya nga yun dahil bagsak siya kanina sa kotse.
Pagkakita ko sa pangalan na "Aa.KATSA" napahiga nalang ako at nakalimutan ko nang iinom nga pala ako ng gatas.
Text convo namin oh. ^____^
Eh teka. Ganito pala -____-
Her : Gising ka pa, Chiki?
Me : Chiki? Tss. -_- Oo, gising pa ako. Hirap hulihin ni antok eh.
Her : Oo chiki. Hihihi ^___^ Kasi tawag mo sakin KATSA, tawag ko naman sayo CHIKI. O dba? Ang cute! Teka, mahirap ba hulihin si antok? Eh di lambatin mo. Hehe :P
Me : Puro ka kalokohan. Bat gising ka pa pala? -_-
Her : Napaka-PF mo naman. Na-i'imagine ko tuloy itsura mo habang naka-poker face.
Me : So? Eh di ikaw na laging nakangiti, ako na laging naka-poker face.
Her : Oo naman. Kaya nga magkaibang magkaiba tayo eh. Opposite attracts. Ayiiieee~
Ewan ko ba bat natigilan ako sa text niyang yun. Napangiti rin ako at the same time.
Her : Hoy! Tulog ka na ata eh. Haist! Goodnight heronie. xoxo
Me : Hoy hindi pa!
Ayst! Hindi pa ako tulog! Dali dali akong nagreply kaso di na ulit siya nagreply. Ang bilis namang makatulog nun. -_-
BINABASA MO ANG
Yuvandell Academy (Rewriting)
Fiksi RemajaSometimes it's not just about the smile, it's all about her smile despite the mischiefs, playfulness, and being a crybaby during the high school life.