Smile Thirty-one

102 7 8
                                    

"Katsa! Wait."

At pagkatapos niyang sabihin kay daddy na mahal niya ako at gagawin niya ang lahat para makuha ang matamis kong 'OO' makikita ko siyang nakikipagyakapan kay Llorainee?

That so bull..

"Keisha Szciel Yuvandell! Isa!"

"Damn you!" Isang malutong na sampal ang pinadapo ko sa kanang pisngi niya pagkaharap ko sa kanya.

"Please. Listen to me first."

"Akala ko iba ka sa kanila. Katulad ka rin pala ng ibang lalake na hindi makuntento sa isa!"

"Wala kang ala---"

"Dahil wala kang sinasabi! Alam mo kung gaano kita kamahal!"

Tinalikuran ko na siya. Hinayaan ko nang paliguan ako ng napakalakas na ulan. Patakbo akong umuwi kahit mabasa pa lahat ng gamit ko sa school.

Patila na ang ulan. Inabot na ako ng hating gabi sa kakaiyak habang nakaupo sa kama. Di na nga ako makahinga dahil sa nagbarang sipon sa ilong ko. Sumasakit na din ang ulo ko.

Napahinto ako nang may kumatok sa sliding window sa kwarto ko.

"Katsa?"

Katsa? Si Heron lang tumatawag sakin nun.

Tumayo ako kahit magang maga ang mga mata ko. Hinawi ko yung kurtina.

"Anong ginagawa mo dito?" Bungad ko sa kanya pagbukas ng bintana.

"Maga na ang mga mata mo. Tama na." Sa isang iglap mabilis siyang nakapasok sa kwarto ko. Dahil siguro sa luwang ng bintana ko.

"Umalis ka na nga. Sinasaktan mo lang ako eh." May himig ng pagtatampo yung boses ko pero umiiyak na ako.

"Mahal kita paano kitang sasaktan?" Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Tumalikod lang ako at yumuko habang umiiyak.

"Baby, i'm sorry." Isang yakap ang natanggap ko sa kanya mula sa likuran ko.

"Baby mo mukha mo! Dun ka kay Llorainee mo!"

"No. Ikaw ang mahal ko eh. Bat ako pupunta sa kanya? Makinig ka muna kasi."

"Ayoko! Ayoko, ayoko, ayoko. A-YO-KO! Umalis ka na nga. Kundi tatawagin ko si daddy!" Mas hinigpitan pa niya yung yakap niya sa akin.

"Eh di tawagin mo!" Aba't sinigawan din ako. Wala ng takot tong lalakeng to ah.

"Bakit hindi ka natatakot?!" Ganting sagot ko.

"Eh siyempre, kasabwat ko siya dito. Sa tingin mo paano ako nakaakyat diyan sa may bintana mo eh ang taas taas kaya. Siya pa nga yung tagahawak ko ng hagdanan eh. Pati na rin kuya mo. Tapos sabi pa nga ng mommy mo ikuha kita ng makakain kapag ok na tayo kasi di ka nag-dinner!" Napakurap kurap ako sa sinabi niya.

Nun din ay nanahimik ako.

At talagang pinagkaisahan nila ako? Ako na nga etong nasaktan. Lalo akong napaiyak. Huhuhu. Nalason na niya ang utak ng buong pamilya ko.

"Will you please stop crying? Iiyak din ako."

"Tapusin mo to. Deadline na bukas di pa ako makapagconcentrate dahil sayo!" Binato ko sa kanya yung scratch ng ginagawa kong term papers tapos humiga ako sa kama.

Yuvandell Academy (Rewriting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon