Smile Three

533 15 11
                                    

The following week, wala pa ring progress ang kasipagan namin sa pag-aaral. Para bang bakasyon feels pa rin ang mga katawan at utak namin. Magkakasama lang kaming tatlo ngayon at nakaupo sa may hagdanan while waiting for the bell to ring for the afternoon class.

This is one of our favorite tambayan kapag vacant time pa although maraming dumadaan at unusual para sa katulad namin ang tumambay dito.

"Hi girls!" Bati ng isang gwapong nilalang samin.

"You're Clark Icen right?" nakataas ang kilay na tanong ni Sophie.

"Right. Ang pinakagwapo sa campus na ito." kumindat siya at nilagpasan na lang kami.

"Tss. Asshole. I'm not yet done talking to you." Bulong ni Sophie na hindi namin pinansin ni Shannen. Sanay na kami pag medyo feeling ignored siya.

"Gwapo siya ah. Gwapo lang." Paglilinaw ko.

"Gwapo nga, may attitude naman. Kumbaga mayabang lang dahil gwapo. Pero kung wala naman siyang itsura di naman siya pwedeng magyabang. Tss." Hirit pa ni Shannen.

"Attitude?" Napataas ang kilay ni Sophie.

"Yah. Like, he's a play boy. Hello? Ilang babae na ba ang napaiyak niyan dito? Maliban pa sa labas ng campus."

"Talaga lang huh?" Nag-smirk lang si Sophie. Mukhang na-ch'challenge ang itsura niya.

"Oy, wag mo na subukang gamitan ng charm. Baka makita ka naming umiyak for the first time." nag-apir kami ni Shannen at tumawa.

"Ako? Iiyak? Dahil sa isang lalake? No way! As in NEVER. Siya ang iiyak." Nakitawa na din siya.

Kilalang kilala namin siya at kailanman hindi namin siya hinusgahan ni Shannen. Kami na nga lang tatlo ang magkakaramay, magsisiraan pa ba kami?

...

Pagkatapos na pagkatapos ng klase naming pang-kapamilya gold ay nagyaya si Shannen mag-ice cream.

"Tara na guys! I'm so hungry na, let's buy ice cream!" kumikinang pa ang mata ni Shannen habang binabanggit ang ice cream.

"Ice cream!" Masayang talon ko at hinila ko na sila palabas ng campus.

"7/11 guys!" Sigaw ni Sophie nang matanaw na namin ang paborito naming tambayan pag wala kaming magawa.

"Sure. Your treat?" Sabi ko.

"Kuripot!" nag-pout siya na minsan niya lang ginagawa.

"Libre mo ngayon, right bessy? Siya ngayon eh. Tapos bukas ikaw." Singit ni Shannen.

"See? Ikaw ngayon, Sophie! Kaya dali na." Tinulak namin siyang dalawa papasok at kumuha ng ice cream.

"Bakit ba everytime na papasok tayo dito ang daming nakatingin satin." Bulong ni Shannen.

"Hindi ka pa ba sanay? Ang gaganda kaya natin." Proud na sagot ni Sophie.

"Oo, at ako ang pinakamaganda." siyempre ida-down ko ba sarili ko?

At dahil dun, sabay silang humarap sakin at sumagot ng: DUH!

Mabilis naming nilantakan ang ice cream. Basta ice cream nawawala talaga ang poise naming tatlo. Palabas na kami ng 7/11 nang biglang may bumusina. Kotse yun ni kuya Zaldy. Binaba nito ang bintana at sumigaw.

"Keisha! Tara na. Isabay mo na sina Shannen at Sophie." 

"May sundo pala ako. Tara na, sabay sabay na tayo." Yaya ko sa kanila kaso tumanggi si Sophie dahil sinabihan din siya ng parents niya na susunduin siya para sa isang family dinner. Hindi na rin sumabay si Shannen para may kasamang maghintay si Sophie.

Yuvandell Academy (Rewriting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon