Smile Eight

358 13 13
                                    

Keisha's POV

Maaga akong pumasok ngayon. Kaso yung dalawa wala pa. Hindi talaga tinadhanang magkasabay sabay kaming pumasok na tatlo. Alam na kasi ni tadhana ang mangyayari eh. Maagang maghahasik ng lagim ang aming kagandahan.

Sa sobrang aga ko, sinamahan ko na ding magbukas ng classrooms si manong guard. Nagtataka siguro kayo bakit ang aga ko. Kasi ganito yun. Si kuya kasi eh, nakakatakot yung awra niya. Kahit tulog pa siya nararamdaman ko yung presensya niya.

Hindi naman siguro ako nababaliw noh? Napa-praning lang. ^_____^v

May mga yabag akong narinig habang nag-e'emote ako sa classroom namin. Napayuko ako at pumikit. Feeling ko kasi may moomoo. Matagal ang katahimikan bago ako nakarinig ng boses.

"Early bird?" napaangat ako ng tingin.

"Clark? Anong ginagawa mo dito sa section namin? Di ba sa Diamond ka?" nagkibit balikat lang ito at umupo malapit sakin.

"Nakakasawa na kasing makisalamuha sa mga not so famous na students. Kahit na dun ako sa section na yun famous pa rin naman ako."

"I mean, buti pwedeng lumipat ka dito?"

"Tita ko yung principal dito, remember? Kaya pwede akong lumipat anytime I want." tumayo ito at nag-ikot ikot. Napili niyang maupo sa may dulo.

Buti naman. At medyo malayo samin. Nakahinga ako ng maluwag. 

Unti-unting lumabas si Haring Araw at dumami na din ang students sa loob ng campus. Lahat naman ng bagong dating na classmates ko nagsisitilian kapag nakikita nila yung bagong classmate namin.

"Tss." napailing nalang ako at lumabas ng classroom. Siya namang dating ng dalawa kong kaibigan.

"Uy aga ah." manghang salubong ni Sophie.

"Yeah, yeah I know." balewalang sagot ko.

"I smell something fishy!" nagtakip ng ilong si Shannen at tumingin saming dalawa. Inamoy ko ang paligid at humarap sa kanya.

"Bessy, di malabo, malapit yung ilong sa bibig. Hahaha."

"Havey ka dun bes! Galing mo haha. Apir!" Nagkasundo kami ni Sophie, for the first time.

"Apir!"

"Tse!" pumasok na ito at natigil sa harap ng pinto.

"Tabi nga." sigaw ni Sophie kay Shannen. Pero kahit siya ay napa-stopball sa harap nang makita kung sino ang pinagkakaguluhan sa loob.

"What is he doing in here?" pabulong na tanong sakin ni Sophie.

"I dunno. Maybe, nagsawa siya sa Diamond section."

"Oh well. I don't care." nagtuloy na ito at umupo sa seats namin. Sumunod nalang kami ni Shannen ng tahimik.

Ramdam na ramdam ang tensyon sa loob ng buong klase lalo na ng dumating si ma'am at in-announce na dito na nga daw sa section namin si Clark.

"Ok class. As you can see, Mr. Clark Icen Stutter will be one of your classmates starting today." madami ang nagpigil sa kilig. Madami ang humagikgik. Madami ang parang kinikiliti sa kung saan saan at sabay sabay pang nagpapacute kay Clark.

Todo kindat at ngiti naman yung isa. Habang etong katabi ko na kanina pa tahimik ay naiirita na sa awra ni Clark.

"So, Clark, why did you decided to transfer here in Star Section?" tumayo ito at sinagot ang tanong ni ma'am. Madaming nag-aabang. Madaming may gustong makaalam.

"I've got some private reasons ma'am. But I can say, i'm following this new girl that caught my eye." napatingin ito sa direksyon namin at gulat na nagkatinginan kaming tatlo.

Yuvandell Academy (Rewriting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon