SHAN's POV
#Tigyawat
"OMG!" Isang napakalakas na tili ang pinakawalan ko nang makakita ako ng isang malabulkang tigyawat sa ilong ko.
"OMG." Mangiyak ngiyak na ako sa sama ng loob. Bakit bigla bigla nalang dumarating tong istupidong pimple na to? Di ba siya pwedeng magpaalam? Huhuhu. T^T
Isang panyo ang ginamit ko para takpan ang mukha ko.
"O bakit may panyong nakatakip sa mukha mo?" Epal ni Sophie. Sinimangutan ko lang siya. First time ko kaya magkapimple. Tatawanan lang ako ng dalawang to.
"Baka naman may tumubong kaekekan sa mukha kaya ganyan." Busy pero nagawang isabat ni Keisha yun.
Lalo tuloy akong sumimangot. Kaasar. Parating pa si Lance. Katakot takot na asar makukuha ko kapag nakita niya ito.
Hirap ng sitwasyon ko ah.
"Oh bestie. Ano yang drama mo?" Nag-tiger look ako sa kanya. Tinaas niya lang ang dalawang kamay niya tanda ng pagsuko.
"Don't you dare." Tumalikod ako sa kanilang tatlo. Narinig ko pa nga yung pigil na tawa ng damuhong boy bestfriend ko.
"Hi baby Shan." Siyang biglang dating naman ni Sky na inagaw pa ang panyo ko.
"Arr! Skyyyyyy!" Natahimik siya pati na rin yung tatlo na nagkukwentuhan sa likod ko at pati mga estudyanteng dumadaan.
"Problema mo?" Nanlalaki pa ring mata na tanong ni Sky.
"Akin na nga yan!" Inagaw ko ulit yung panyo sa kanya at itinakip sa pimple ko. Nakakairita talaga tong malaking tigyawat na to. (-.-)
"Sus. Kahit maging kamukha mo pa si Nadine Lustre na gumanap na Eya ng DNP o kahit mas malala pa yung sayo hindi naman nun mababawasan ang pagmamahal ko sayo. Mas mabuti ngang tigyawatin ka na para wala na akong kaagaw sayo." Tumawa pa ito ng nakakaloko kaya hinampas ko ulit.
"Eh kaya naman pala masungit at ayaw ipakita ang maganda niyang mukha. May tumubo palang pimple sa ilong. Hehe."
"Nang-aasar ka ba, bessie?" Tumigil naman siya sa kakatawa at sunud sunod na umiling. "Ah basta! Ayoko ng tigyawat na to! This is sooo frustrating!"
Last week ng klase at bakasyon na pero hindi pa rin natatanggal ang tigyawat ko. Nung Monday pa to tumubo Wednesday na at medyo lumiliit palang siya.
"Frustrate na frustrate ka sa tigyawat mo eh hindi naman nakabawas yan sa ganda mo." Nasalubong nanaman ako ni Sky na nakasimangot at may hawak na panyo na nakatakip sa tigyawat ko.
"Kasi naman feeling ko nakakapangit ang tigyawat." Hinila niya yung panyo sa akin.
"Mamahalin pa rin kita kahit isang tigyawat na tinubuan ng mukha ka lang. Atsaka para ayawan ka na ni Stephen. Alam mo nakausap ko siya, minahal ka daw niya kasi makinis ka. Kita mo yung manyak na yun gusto lang pala ng makinis na katawan bat hindi siya manligaw ng labanos."
Napakunot noo ko sa sinabi niya. Totoong sinabi ni Stephen yun? Ang walangya! Pinagnanasaan lang pala ako! (">_
Hinatid niya ako sa room ko. Wala naman nang matinong klase eh. Pratice lang at attendance ang habol ko. Sayang naman. Counted pa rin yun hangga't hindi pa Graduation. Sa Friday na yun ah. Na-frustrate nanaman ako dahil sa tigyawat ko. 1st honorable mention pa man din ako.
Well, Sophie is the Valedictorian and Keisha is the Salutatorian.
Habang tinitingnan ko yung tigyawat ko sa salamin dumating yung dalawa. Nagyayaya na silang magpunta sa quadrangle para magpractice.
BINABASA MO ANG
Yuvandell Academy (Rewriting)
Novela JuvenilSometimes it's not just about the smile, it's all about her smile despite the mischiefs, playfulness, and being a crybaby during the high school life.