Smile Thirteen

310 10 4
                                    

"Shannen!" dalawang lalake ang sabay na tumawag sakin. Kaya naman tingin sa kanan at sa kaliwa ang ginawa ko. Pero wala akong nakita kundi ang damuhan sa kanan ko at classroom sa kaliwa ko.

Isa lang ang ibig sabihin nito. Nasa harap o kaya sa likod.

Busy kasi akong kumakain ng cupcake kaya wala akong pakialam sa kung sinuman ang tumatawag sakin.

"Huy, Shannen." hinila ako paharap nung lalakeng tumatawag sakin mula sa likod kaya nakanganga akong tumingin sakanya.

"Stephen?" Dali dali kong inayos ang buhok ko at pinunasan ang icing na nasa labi ko.

"Hindi mo na kailangang ayusin ang buhok mo at punasan ang dumi sa mukha mo. You still look cute despite of those childish looks." bahagya pa nitong pinisil ang pisngi ko na siyang muntik nang ikalaglag ng pan...

Ah eh...

Panga ko.

"Baby ko." biglang humarang si Sky na niyakap ako ng sobrang higpit.

What is he doing? And why do I feel this way? Di ako makapalag. Di ako makakilos. Gusto ng isip kong itulak siya at sigawan, awayin pero tumututol ang puso ko.

Maya maya lang ay naramdaman kong humihikbi siya. Ramdam ko siya. Nasasaktan siya. Bakit? Sino ang dahilan? Ano?

"Sk---Stephen wag!" huli na ang awat ko dahil hinila niya si Sky at bigla nalang sinuntok dahilan upang matumba si Sky.

"SKY?!" nanlaki ang mata ko sa ginawa ni Stephen kaya nabitawan ko yung cupcake at dali-daling lumapit sa kanya.

"Ok ka lang ba?" pinupunasan ko yung dugo sa may gilid ng labi niya nang kabigin nito ang kamay ko at pabiglang tumayo.

"Aanhin ko pa ang pagiging bad boy Shannen kung sa isang suntok lang nitong payatot na ito magpapatalo na ako?!" nabigla ako sa ginawa niyang pagsigaw, pagkatapos niya akong sigawan ay humarap siya kay Stephen. "At ikaw namang gago ka! Anong gusto mong mangyari?!" sa isang iglap ay nakadalawang suntok siya kay Stephen na hindi naman inatrasan ni Stephen.

"Anong gusto ko? Layuan mo si Shannen!" pareho silang nanggigigil at hindi maawat. Hindi matigil ang sigawan nila habang panay ang suntok na kahit saan nalang tumama ay wala silang pakialam.

"TAMA NA PLEASE!" sigaw kong naguguluhan na at umupo ako sa may gilid ng hagdanan habang nakatakip ang dalawang kamay sa tenga ko.

Naririnig ko silang nagsisigawan at nag-aaway pa din. May ibang nag-ch'cheer kay Sky, may iba namang kay Stephen.

"Shannen! Anong nangyayari dito?" napaangat ako ng tingin dahil sa tanong ni Keisha.

"Keisha, tulungan mo ako. Awatin natin sila."

"I'll call the guidance counselor. Akong bahala." pumindot na ito sa cellphone niya at dinial ang number ni Ms. KimVerly na siyang aming guidance counselor.

Saglit kaming naghintay nang biglang dumating siya at pasigaw na lumapit sa kanilang dalawa.

"HOY KAYONG DALAWA! HINDI DAPAT KAYO DIYAN SA MAY HALLWAY NAG-AAWAY! DOON KAYO SA MAY STAGE!" natahimik yung dalawa at natigilan.

"Oh ano? Magtitinginan nalang tayo dito? Ano bang gusto niyo? Boxing ring? Gloves? Magpapakuha ako!" sabay sabay na napayuko ang lahat.

"Sumunod kayo akin sa GCO. You, you, you and you!"

"Ha? Ako? But ma'am, i'm not involved here!" reklamo ni Keisha.

"Involved ka na miss Yuvandell simula nang tawagan mo ako." balewalang sabi nito habang iniikot ikot ang kanyang batuta at pumipitong naglalakad.

Yuvandell Academy (Rewriting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon