Smile Twenty-seven

163 7 5
                                    

"Frenchfries, you look like barney. Kyaaa! Ang cute." Kinurot ko ng todo yung pisngi niya.

"Awwwww! Frenchfries, you're so mean." He murmured while rubbing his cheeks.

Snack time at nasa canteen kami together with Keisha, Sophie and Clark. Nagkukulitan kami ni Frenchfries habang si Clark at Sophie nag-aasaran tapos si Keisha kumakain lang.

"Kung kamukha ko si Barney, ikaw kamukha mo si Hello Kitty!" Nanlaki yung mata ko sabay hampas sa kanya gamit yung panyo ko.

"Do I look like a cat, you mean violet gay dinosaur!"

"Sino bang nagsabi sayong pusa si Hello Kitty. Pfft." Mas dumoble yung laki ng mata ko plus lumaki din mata ni Kei at natigil sa pagbabangayan sina Clark at Sophie.

"You mean hindi pusa si Hello Kitty?!" Histerikal kong tanong habang nakapamewang pa. Umiling lang siya habang nakangisi. 

"Eh di kung ganun, hindi dinosaur si barney?" Nilingon naming lahat si Clark dahil sa theory niya.

"Obvious namang dinosaur yun eh!" Sigaw ni Sophie kay Clark.

Sumingit na rin ako, "And obviously, pusa naman talaga si Hello Kitty."

"But she's not. She's just a girl with whiskers." 

"Weird." Sabay sabay naming sagot sa kanya. I really can't believe that hello kitty is not a cat. Mukha siyang pusa. Grabe! 

Inubos na namin yung pagkain namin para makapasok na kami. Since it's Friday, nagkayayaan din kaming gumala after class.

"Frenchfries, join ka later huh?" Pangungulit ko kay Lance kasi ayaw niya sumama. Madami daw siyang gagawin.

"I'll try."

Nag-puppy face ako sabay pinagdikit ko yung palad ko, "Please?"

"Oo na nga! Kulit mong babae ka. Para ka talagang si Hello Kitty." Ginulo niya yung buhok ko. >_<

"You mean gay dinosaur! Di mo kailangang guluhin yung buhok ko noh" Nagbelat lang siya. *pout*

"Hi, Shan!" Hindi ko namalayang kaharap ko na pala si Sky habang nasa side ko si Lance. Nako, wag lang talaga niyang ma-misinterpret yung kulitan namin ni Lance kung sakaling nakita niya kami.

"Hi, Sky!" Siyempre, nakangiti pa rin ako.

"Pakilala mo naman sakin yan?" Tinuro niya si Lance.

"Lance Adrian, pre." Siya na mismo nagpakilala sa sarili niya. In-extend niya pa yung arms niya para makipag-shake hands.

"Alexander Sky." Tinanggap ni Sky yung kamay ni Lance. Ooh! *v*

Pagkatapos ng shakehands nila hinila ko sandali si Sky palayo kay Lance. "Lika dito."

"O bakit?" Hinarap ko siya sa akin.

"Leave Lance alone. I mean it, Sky. Okay?" Sumimangot siya at yumuko.

Hinawakan niya yung kamay ko, "He's safe. Alam ko naman sa sarili kong ako ang mahal mo. Kaibigan mo lang siya, hindi ba?" 

"SKY! Kyaaaaaah!" Nayakap ko siya sa sobrang saya ko. He's changing na! My gash! Hindi na siya basta basta nagbabanta sa mga lalakeng lumalapit sa akin. "Thank you! Lance is my boy bestfriend lang naman. Wala ka dapat ikaselos atsaka isa pa di pa naman kita boyfriend pala. Wala pa akong minamahal!"

Yuvandell Academy (Rewriting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon