Smile Sixteen

249 13 12
                                    

KEISHA's POV


"Good morning." muntik pa akong sumigaw nang makita ko siyang nakaupo sa gilid ng gate namin.

"Anong ginagawa mo dito, Chiki?"

"Sabay na tayo pumasok. Maglakad nalang tayo." sasagot pa sana ako pero bigla niya akong hinila sa braso kaya hindi na ako pumalag pa.

Tahimik kaming naglalakad hanggang sa makarating sa school. Naramdaman ko yung mahigpit na paghawak niya sa kamay ko. Halos lahat din ng madaanan namin nakatingin samin.

"Laganap na talaga ang kalandian." napalingon ako sa nagsalita. At si Llorainee yun.

"H-hindi ko naman nilalandi si Heron ah." nakayuko kong sagot sa kanya.

Shit! Dahil sa kababaan ng pride ko nagagawa kong gawing kawawa ang sarili ko kahit ang totoo pwede kong patalsikin ang babaeng ito sa school na pagmamay-ari ng tatay ko!

"Holding hands while walking? Tapos wala namang commitment?" patuloy lang ito sa pag-insulto sa akin.

"Don't you dare answer her back." bulong sakin ni Heron kaya nanahimik na ako. "Mind your own business, Llorainee." pagkasabi nun ay pagalit niya akong hinila. Napasunod nalang tuloy ako.

Hinatid niya ako hanggang sa room namin. Sakto namang nasa labas ang dalawang bruha.

"Wow! Keisha, ano yan haa?" ~ Shannen

"Uy. Lumelevel up tayo girl ah?" ~ Sophie

"Naman eh. Wag muna kayo mang-asar pwede?" dumiretso na ako sa upuan ko at hindi na lumingon pa sa kanila.

Naramdaman ko nalang na umupo na sila sa tabi ko. Tumingin ako kay Heron at nandun pa rin siya.

Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya.

"Girl, may problema ba?" tanong ni Sophie. Umiling lang naman ako.

"Ramdam ka namin kaya wag mo na itago." segunda ni Shannen.

"Oo, meron nga."

"Sino?" magkapanabay nilang tanong.

Yuvandell Academy (Rewriting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon