Smile Five

473 16 28
                                    

Sky's POV

That girl. Bakit ang lakas ng impak niya sakin? I mean, pag nakikita ko siya parang gustong lumabas ng puso ko. Hindi ko dapat nararamdaman yun kasi araw araw ko naman siyang nakikita since first year, pero ewan ko bakit nung nakita ko siya kakaiba yung naramdaman ko. Blessing pa para sakin na natamaan si Keisha ng bola.

Why do I feel this way?

I just took a deep deep breath and started strolling around the campus. Hoping to see her. Parang kulang na kasi ang buong maghapon ko sa campus na ito kung hindi ko siya makikita. Dati okay naman ako, basta may mabully lang. Ngayon, kulang talaga!

Walk and walk. Lingon dito, lingon doon. Silip dito, silip doon.

"There you are, baby!" Dali-dali akong lumapit sa kanila at umakbay sa kanya. Napatingin lang yung dalawang kasama niya, with big question mark on their faces.

"Hi girls." bati ko sa kanila.

"Hello." bati ni Keisha.

"Introduce yourself." Sabi nung magandang nilalang na mukhang ang taray taray.

"You should have known me. I'm popular. I mean WE ARE." Nakatawa kong sagot. Kaso nagpoker face lang silang tatlo, yes kasama ang baby ko.

"Ok. Fine! You are Sophie, right?" Turo ko sa magandang nilalang na mataray.

"Only one." Sagot niya nang may paghawi sa buhok.

"Keisha?" Kindat ko dun sa isa.

"Duh." Hay nako. Ang sungit talaga.

"Bat ang sungit ng mga friends mo baby ko?" tanong ko kay Shannen.

"Baby ko?!" Chorus nilang tanong.

"Nice. Parang pinraktis." Then, nag-smirk ako. Hinarap ko nalang si Shannen na siyang tunay na pakay ko.

"Bat tinawag mo akong baby ko?"

"Choosy ka pa ba?" Pa-cool kong tanong.

"Di baleng maging choosy. Basta wag lang ikaw." Inirapan ko lang si Sophie dahil sa sinabi niya. Kahit lalake ako, umiirap din ako. May mata din naman ako no. Hindi lang babae ang may karapatang umirap.

"Wow! Siya lang ata tinaboy mo?"

"Gaga! Hindi ako pumapatol sa gangster." At nagtalo na yung dalawa, pero ako nag-focus na ako kay baby ko.

"Gangster ka nga pala." Biglang sumimangot si Shannen.

"Ah oo." Napakamot ako sa batok ko. Pano ba naman kasi, ang cute niya. Di ko tuloy mapigilan hindi magblush.

"He's blushing." Rinig kong bulong ni Keisha.

"He's cute." pigil na tili ni Shannen.

"Tss. Steven is waiting for me. I gotta go. Toodles!" Paalam ni Sophie na agad din namang pinangalawahan ni Keisha.

"Ako din, I gotta go. Di ka pa sasabay bessy?"

"Ah, eh, sasabay na ako. Bye Sky." Paalam sakin ni Shannen. Tumango lang naman ako at sinundan nalang sila ng tingin.

Pero bago siya makalayo hinabol ko pa siya.

"Ahm, Shannen! Lunch tayo maya, pwede ka ba?" Nahihiya kong tanong.

"Sure." Nakangiti niyang sagot.

"Yes! Hintayin kita huh? Bye." At lumakad na rin ako palayo sa kanila.

...

Sa CLASSROOM..

Tik. Tok. Tik. Tok.

Yuvandell Academy (Rewriting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon