Smile Seven

418 13 24
                                    

Keisha's POV

"Kuya!" tawag ko kay kuya Zaldy na nagluluto ngayon ng merienda namin. Di ako pumasok kasi may sakit ako. 

Wawa naman ako. Walang nag-aalaga sakin na boyfie. Kuya ko lang na gwapo at mabait.

"Ano nanaman? Bawal ang ice cream. Tapos." Napayuko nalang ako sa mesa. Wala pa nga akong sinasabi eh. Atsaka hindi naman kasi ice cream hihingin ko eh. Magtatanong lang sana.

"Kuya!" tawag ko ulit sakanya.

"Ang kulit mo Kei. Bawal nga ice cream sa--"

"Eh hindi nga kasi ice cream hihingin ko. Magtatanong lang ako! Sermon ka ng sermon jan, di mo ako patapusin, lumalamig tuloy ako imbis na lalong uminit. Hayst! Ang poise! Ang poise! Nawawala. Na-i'stress!" tinapik tapik ko pa ang pisngi ko at maarteng nag-flip ng hair.

"Ang kulit mo. Ano bang itatanong mo?" Inis na umupo ito at nilapag yung pancakes na kanina niya pa tina-try i-perfect.

"Pano ba kapag yung isang lalake ayaw kang pansinin?" 

"Eh di hindi ka niya feel. Ayaw niya sayo. Or worst, hindi ka kapansin pansin!"

"Waaaaah! Kuya naman eh! It hurts! Grabe ka. You are so mean. Pinapahirapan mo ang katawang lupa ng napakaganda mong kapatid." humawak ako sa dibdib at OA na pinaghahampas ang mesa.

"You know what, you're still a baby. Wag mo munang isipin yang boyfriend boyfriend na yan. Mag-aral ka muna. Tsaka mo na intindihin yan kapag ready ka ng masaktan at makasakit."

"Wow. Makapagsalita parang may alam." tumayo siya at ginulo ang buhok ko.

"Just listen to me. I'm your older brother. Remember?" kumindat ito at umakyat na sa kwarto.

"Teka?" Natahimik ako. Nawawala yung pancakes!

"Waaaahh! Kuya naman. Bigyan mo ako. Nagugutom na ako!" humahangos na pinagkakatok ko yung pintuan ng kwarto niyang naka-lock na.

"Hahaha. Go cook for yourself brat!"

"I hate you Kuya!" I crossed my arms at nagdadabog na pumasok ng kwarto ko. Napahiga ako sa malambot kong kama at nag-imagine nalang.

Hayst! That guy. 

Ang sungit sungit, kala mo gwapo, eh totoo naman. Kelan kaya niya ako papansinin? Kahit kaibigan lang.

Alam ko matagal pa bago niya ako mapansin. Kasi naman, kahit maganda ako, kung snobbish naman yung lalakeng yun wala din. Nganga na talaga ako.

Buti pa si Shannen, may Sky nang nagpapakilig sa kanya.

Buti pa si Sophie, kahit hindi siya maghanap, may nagkakandarapa sa kanya.

Hindi ko pa pala nasasabi  sa kanilang may napupusuan akong lalake. Hopefully, wag nilang okrayin.

Monday.

"Laziness! Come on. Get up, lazy kid!" unti unting nawala ang kumot na nakabalot sa nilalamig kong katawan.

"Kuya, i'm still sleepy. Pwede maya nalang ako bumangon." I turn around at dumapa ako sabay takip ng unan sa mukha ko.

"May pasok ka kiddo. Get up! Kung ayaw mong buhusan kita ng malamig na tubig."

"It's ok." antok kong sagot.

"Tapos mainit na tubig." I looked at him and he's serious.

"Eto namang si kuya, napaka-init ng ulo. Kay aga aga. Eto na nga, babangon na, maliligo na." ngumiti ako sa kanya at lumabas na siyang naiinis sakin.

Yuvandell Academy (Rewriting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon