Chapter 1-My Bodyguard

27.9K 512 41
                                    

Viola's POV

'Malapit na ang oras mo.Mag-ingat ka'

Mabilis kong nilakumos ang isang maliit na papel at inis na itinapon ito sa basurahan.

Natanggap ito kanina ng secretary ko habang wala pa ako.Ipinatong niya lang sa ibabaw ng mesa ko at iniwanan.

Isang maliit na papel na nakalagay sa sobre.Nakailang beses na akong nakatanggap ng pananakot na ito.Tinatakot ako na malapit na ang katapusan ko.At kung sino man ang mga taong ito,yun ay wala akong idea.

Kahit pa sabihin kong matapang ako,pero naroon pa rin ang takot sa puso ko.Isa akong matapang na babae tulad ng mga sinasabi nila.Pero tao lang ako.Alam kong walang magagawa ang pera ko kapag katapusan ko na talaga sa mundong ito.Wala akong paki-alam kung mamatay man ako.

Pero sana,'wag muna.Hindi ko pa alam kung sino ang mga pumatay sa magulang ko.Ang mga magulang ko na walang awang pinaslang ng mga demonyo.

Gusto ko pang mabigyan ng hustisya ang pagkawala nila.Kaya nga pinapalago ko ng husto ang negosyong iniwan nila ng sa ganun,may laban ako sa kahit sino man.Gusto kong dahil sa pera, kilalanin ako ng mga tao na isa sa mga makapangyarihang negosyante sa mundo.I want to be famous. I want the world knows that I am a powerful woman.Na ang lahat ay mapapasunod ko at mapapaluhod.

Ako si Violet Fernandez.But they preferred to call me Viola.Or miss V.

Anak ako ng nagmamay-ari ng isang Airline na nangangalang Skyline V.

V stand for my name.Itinayo ng mga magulang ko ang negosyong ito noong isinilang ako.Kaya ayokong mawala ito.Pinaghirapan ito ng parents ko.At ito din ang alaala nila sa akin.

Sixteen years old ako noong pinatay ang mga magulang ko.At the age of twenty legal kong hinawakan ang mga business namin. Nag-iisang anak lang kasi ako.Ang tanging pamilya ko lang na natira ay ang uncle Ernie ko na kapatid ng mom ko.

Hindi ganun kayaman ang pamilya ng mom ko.Di tulad ng dad ko na mayaman.Pero nag-iisa lang din si dad.Kaya wala na akong kamag-anak sa side niya.At kung meron man,yun ay malalayong kamag-anak na.

Patay na rin ang both side grandparents ko.Kaya lumaki ako sa pangangalaga ng family attorney namin at ng uncle Ernie at ng asawa nito't mga anak.

Habang dumadaan ang panahon,lalo kong napalago ang negosyo namin.Even our land properties, housing and subdivisions.'Di lang kasi yung Skyline V ang business ng parents ko.Pero siyempre,iyon lang ang priority ko although di ko naman pinabayaan ang iba naming negosyo.

At ngayon,ay 23 years old na.Hindi pa man ako masyadong kilala sa buong mundo as a youngest businesswoman pero natitiyak kong balang araw,makakamit ko iyon.At mapapabayad ko ang mga taong may kasalanan sa akin.Hindi lang yong pumatay sa mga parents ko.

Kaya habang na-alala ko ang nakaraan,naisip ko na kailangan kong protektahan ang sarili ko.Kailangan ko ng magpo-protekta sa akin.Kailangan ko ng bodyguard dahil hindi ko kakayanin na mag-isa lang ang sarili ko.Kahit pa marunong akong humawak ng baril,mag-karate at kung anu-ano pa na pwedeng i-self defense. Ang lahat ng yan ay pinag-aralan ko.Babae lang ako.May kahinaan din.

Dinampot ko ang intercom at tinawagan ang secretary ko.

["Yes miss V."] Sagot niya kaagad sa kabilang linya.

"I need you here in my office Garcia." Pagkatapos kong sabihin ay ibinaba ko na kaagad ang intercom. Maya't-maya pa ay narinig ko na ang katok niya.

My Bodyguard Is My...What?! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon