Chapter 26-Life or Wealth

9.3K 240 20
                                    

AN: Husgahan niyo na lang po if maganda o hindi.Pero pag pangit ang chap na ito,ay siya kayo na ang magsulat.Haha.Joke lang.

Viola's POV

Nagising ako sa isang halik sa labi ko.

"Good morning hon." isang gwapo at nakangiting Mico ang bumungad sa paningin ko.Nakatulog pala ako ulit nang magising ako kagabi.

"Good morning too Mico." sagot ko sa kanya ng nakangiti din.Talaga palang nakatulog na ako dito sa kwarto niya. "Let's go home." yakag ko.Kailangan ko na rin kasing umuwi.Wala akong bihisan dito.

Pero bago pa ako nakabangon ay tumabi na siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Mico naman eh.Hindi pa ako nag-toothbrush at nakahilamos." nakangusong reklamo ko ng halikan niya ako ulit.Itinulak ko pa siya ng kaunti.

"So what? Eh mabango ka pa naman para sa akin kahit 'di ka pa naliligo hon." halos pabulong niyang saad sa akin.Isiniksik pa nito ang mukha niya sa leeg ko.Kaya lalo akong nakiliti.

"M-mico..." saway ko sa kanya.Garalgal pa ang boses ko.May kung anong kuryente na naman ang dumaloy sa katawan ko.

"Hayaan mo na ako hon.Hayaan mong damhin kita ngayon.Hayaan mong malaya kitang nayayakap at nahahalikan." lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.Pagkatapos ay hinalikan ang tungki ng ilong ko. "Sobrang mahal kita Violet.Kahit ilang beses ko pang sasabihin sa 'yo ito ng paulit-ulit,hinding-hindi ako magsasawa." pabulong niyang saad at saka nakangiting tinitigan ako. "Ang ganda naman ng babaing nagmamay-ari ng puso ko." kinindatan niya ako.

"Hmp!Bolero!" pinanlakihan ko siya ng mata.Gayunpaman ay natatawa din ako.Masaya ako na para bang nawawala ang lahat ng takot at pangamba ko sa tuwing banggitin niya ang mga katagang iyon.

"Anong bolero ha?Totoo naman kaya 'yan hon.Ayaw mong maniwala?" ngumiti siya ng nakakaloko.Alam kong may tumatakbo sa isipan nito.

"Ayaw." umingos ako.

"Ah gan'on?" ngumiti siya ng pilyo habang ang mga labi ay halos magkadikit na sa mga labi ko.Kaya napalunok ako.

Tumango ako samantala ang mga mata ko ay 'di maalis-alis sa nakatitig niyang mga mata sa akin.

"So gusto mong dito na natin gagawin?" pilyo niyang tanong.

Amoy na amoy ko ang hininga niya sa tuwing babanggit siya ng kataga.Kaya torture ito sa akin dahil dumadampi na ang mga labi niya sa mga labi ko.Parang ang ginagawa niya ay pinapanabik niya ako.

"Anong kalokohan na naman 'yan Mico?" pinandilatan ko siya.Pilit kong nilalaban ang sarili sa sensasyong dulot ni Mico sa akin.

"Ito..." iginapang niya ang kamay niya sa puson ko. "....'yong pampataba mo." patuloy pa nito.

"Tigilan mo ako Mico." agad na palatak ko.Marahan ko siyang itinulak. "Kung anu-ano na namang iniisip mo eh." Ayoko pa.Ayoko pang ibigay sa kanya ang buong pagkatao ko.Marami pang katanungan sa isip ko.Gusto kong iaalay sa kanya ang pagka-babae ko kapag handa na ako at wala ng problema at mga banta sa buhay ko.

"Bakit,ayaw mo pa ba?" may panghihinayang tanong niya.Gusto kong pagbigyan siya.

Sorry Mico. But not now.

Saka na siguro.Saka na kapag sigurado na akong,akin ka na lamang.

"I'm sorry Mico. Hindi pa ako handa." hinawakan ko siya sa mga kamay niya.Apologetic ko siyang tinitigan.

"Naiintindihan kita hon." ngumiti siya ng matamis. "'Di naman kita pipilitin eh.Pero..." ibinitin niya ang sasabihin.

"Pero?" tumaas ang kilay ko.

My Bodyguard Is My...What?! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon