Chapter 30- Her Hero

8.8K 215 18
                                    

Viola's POV

"What are you doing here?!" nangangalaiti kong tanong muli sa kanya habang sinasalubong ko siya.Pero ang mga luha ko ay kusang nagsibagsakan na.

Hindi ko mapigilan ang emosyon ko.Kusang natatangay ako.Gustuhin ko mang magpakatatag at ipakita sa kanya matapang ako,pero hindi ko mapigilan.Dahil makikita ko pa lang ang pagmumukha niya,sobra na akong nasasaktan.

One-step-hinto ang ginagawa ko habang nagpupunas ng mga luha at humihinga ng malalim para makahugot ako ng lakas.Hanggang sa tuluyan na akong makalapit sa kanya.Agad akong napakuyom habang tinititigan siya ng masama.

"H-hon...I'm sorry.But plea-"

Isang malakas na sampal ang pinakawalan ko sa kaharap ko ngayon.
"Hayop ka!" Sigaw ko habang nangingilid ang mga luha sa mga mata ko.Halos nanlalabo na ang mga mata ko.

Ang bigat lang kasi.Ang bigat lang sa kalooban ko na ang taong ito,ang siya pang nagdala sa kinalalagyan ko ngayon.

Ang taong ito na minahal ko ay isa palang demonyo.

"Let me explain please honey...Let me talk." pakiusap niya na pilit inaabot ang kamay ko.Pero mabilis ko itong inilag at idinapo ulit sa mukha niya.Gusto ko siyang durugin.Gusto ko siyang saktan.Gusto kong iparamdam sa kanya ang pait at sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Damn you Aragon! Pagsisihan ito.Ginago mo ako eh...ginago mo ako..." unti-unting nanghina ang boses ko habang hinahampas siya sa dibdib.

Pilit niya naman akong ikinulong sa mga braso niya.Gustuhin ko man na manlaban ulit sa kanya pero iginupo na ako ng katawan ko.
Nanginginig ako sa galit.Napagod ako sa ginawa ko sa kanya.Naubusan ako ng lakas.Pero narito pa rin sa puso ko poot.

"I-i'm...s-sorry honey..." sabi niya habang hinahagod ang buhok ko.Kaya mabilis na bumalik ang lakas ko dahil sa ginawa niya.

Ubod lakas ko siyang itinulak.

"Sorry?!...iyon lang ang masasabi mo?!...S-sorry?!" napasabunot ako sa buhok ko.

Napansin ko rin na tumulo ang luha niya.Pero hindi ako maaawa sa kanya.Sinira niya ako.Kaya nararapat lang 'yan sa kanya.

Kanang magsasalita pa siya sana ngunit mabilis ko siyang inunahan.

"Leave...just leave Aragon!" pagtataboy ko sa kanya. "L-leave...and never will...ever come back again!" sigaw ko kahit napapalunok ako ng laway.Nanakit pa ang lalamunan ko dahil nawawalan ng laway.

Sumilay sa mukha niya ang sakit.Pero wala na akong pakialam.Nararapat lang 'yan sa kanya.
'Di na siya nagsalita pa.Bagsak ang mga balikat niya ng tumalikod sa akin.

Sinundan ko na lang siya ng tanaw habang pinupunasan ang mga luha.

Ang sakit.Niloko niya ako Matagal na panahon niya akong niloko.At pagbabayaran niya ito.

Hindi ko inakala na ang bodyguard na kinuha ko,na ang bodyguard na inakala kong magtatanggol sa akin at minahal ko ay siya pa palang nagdala sa kasuklam suklam kong buhay.

Nagulat ako sa nalaman ko at hindi ko matanggap na -my bodyguard is my...what?!-my husband!

Agad akong bumalik sa pwesto ko habang napapasuklay sa aking buhok.

Napahikbi na naman ako.Galit nga ako sa kanya.Pero ang sakit sakit pa rin.Masakit dahil alam ko na kahit galit ako kay Mico ay mahal ko pa rin siya.

Mico's POV

Alam kong gan'on ang magiging reaction niya.Kaya kahit labag sa loob ko ang iiwanan siya at talikuran ay ginawa ko pa rin.Hindi ko rin naman kasi kayang nakikita siyang nasasaktan at nagagalit.Kahit pa pinapakita niyang galit siya pero ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

My Bodyguard Is My...What?! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon