Chapter 18- I'll Catch You

10.2K 281 32
                                    

Viola's POV

"Mico!" Tawag ko sa pangalan niya.

"Yes honey." Nakangiting lingon niya sa akin.

Shit!Gwapo talaga nito.Pero nagkunwaring sumimangot pa ako.'Di pa kasi ako sana'y na tawagin niyang honey.

"Takot ako.Alalayan mo naman ako.Takot akong tumawid sa pilapil na ito." May halong paglalambing pa ang sabi ko.

Siraulo kasi eh.Hindi ko alam kung anong trip niya sa akin.Mantakin niyo 'yong pinadaan niya ako dito sa palayan?Ngayon lang ito nangyari sa buhay ko.Kaya di ako marunong mag-balance ng sarili ko habang naglalakad na tumawid sa pilapil na ito.Nakakatakot kasi maputik kapag nahulog ka o ma-out of balance.Napagdaanan pa naman ng bagyo kaya napakaputik.Nauuna kasi siyang maglakad sa akin.At parang kabisadong-kabisado niya ang lugar na ito.

"'Wag mo 'ko mangiti-ngitian Aragon." Inis kong sita sa kanya at pinanlakihan ko pa siya ng mata.Kaya napatawa siya.Halata niya siguro sa mukha ko ang pandidiri.

Lumapit siya sa akin at ini-abot ang kamay niya. "Hold me Violet honey." Kinindatan niya ako kaya uminit ang mukha ko.

Gosh!Im blushing.I know.

"You're so cute whenever you blush." He said with a seductive tone.

"Nakakainis ka!" Hinampas ko muna ang kamay niya bago ako humawak dito.At heto na naman ang sensasyong nararamdaman ko sa tuwing magkalapat ang mga balat namin.

Tawa naman siya ng tawa.Ang tawa niya na napakasarap pakinggan.'Yon bang parang stress reliever.

"Nakakainis ako pero mahal mo naman?" Loko siyang ngumiti sa akin.

"Saan mo ba ako dadalhin Mico?" Agad na tanong ko upang makaiwas sa panloloko niya sa akin.

"Sa paraiso honey." Makahulugang saad nito at kinindatan pa ako.

"Tigilan mo nga ako Mico." Inirapan ko siya.

Magkahawak kami ng kamay habang naglalakad sa pilapil.Nauna siya sa akin pero dahan-dahan ang mga hakbang na ginagawa niya.Hindi kasi kami pwedeng sumabay kasi makitid lang ang pilapil na ito.

Nang matapos kaming tumawid sa pilapil,nakarating kami sa medyo mataas na bahagi ng lugar na ito.Hanggang sa makarating kami sa tuktok.Patag naman dito pero ito ay parang nakatagong paraiso.Maraming mga halo-halong bulaklak at ang mga nagliliparang paru-paro.Ang mga kulay ng bulaklak ay samu't-sari din.Mayroong blue,yellow,pink,white,lavender,red and orange.

Binagyo ang lugar na ito.Pero parang di nadaanan gawa siguro ng mahina lang ang dumaan na bagyo dito.Siguro nga hindi talaga ito ang sentro ng bagyo dito sa lugar na ito.Medyo malayo-layo din kasi ang nilakad namin ni Mico bago makarating dito.

Mabuti naman dahil hindi gaanong na-damage ang kagandahan ng lugar na ito.

"Ang ganda naman dito.Parang 'di nadaanan ng bagyo." May pagka-mangha kong sabi.Nang mawili ako sa mga bulaklak,pipitas sana ako ng isa.

"Huwag." Agad niyang saway sa akin.

Napatigil ako at kunot-noong nagtanong sa kanya. "Bakit?"

"Ang lugar na ito ay maraming pamahiin at kasabihan." Paliwanag niya.Kaya 'di ko mapigilan ang sarili na tumawa.I do not believe in superticious beliefs pero nirerespeto ko iyon.

"You..." Tumawa ako ulit habang itinuturo siya. "....my Mico ay naniniwala doon?" Halos 'di ko pa masabi-sabi ang mga kataga ko.Hindi ko akalain na naniniwala siya.Kasi naman,hindi bagay sa kaanyuan niya.

My Bodyguard Is My...What?! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon