Viola's POV
"Oh hon." nag-aalalang saad ni Mico ng masalubong ko siya. "Ano ang nangyari sa 'yo?" halata ba ang takot sa mukha ko?Bigla akong kumalma at saka ngumiti sa kanya.
"I'm okay Mico." lumapit ako sa kanya. "Nagbanyo kasi ako." kumapit ako sa braso niya para hindi bumigay ang mga tuhod ko sa panginginig.Hindi ko kasi maintindihan ang sarili ko.Gusto kong sabihin sa kanya ang ginawa ni Attorney Crawford pero may kung anong bagay ang pumipigil sa akin na huwag ko munang sabihin.
"I know you're not okay." bumitaw siya sa pagkakapit ko ng braso niya at saka humarap siya sa akin.Inabot niya ang dalawa kong kamay at saka deretsong tumingin sa mga mata ko. "Tell me hon.Is there something's bothering you?" biglang umiba ang ekspresyon ng mukha niya na para bang may naalala. "Damn!" napasuklay siya sa buhok niya. "Are they texted you again?" na ang tinutukoy niya ay ang mga nagbabanta sa buhay ko.
"No Mico." umiling ako. Naisip ko,posibleng si attorney ang may kagagawan n'on.Sana lang nagkamali ako ng hinala sa abogado ko.Sana lang hindi siya 'yong taong gustong alisin ako sa mundong ito.Sana lang may dahilan siya kung bakit gusto niyang ilayo ako kay Mico.
"Then what hon?" sa mahinahon na niyang tanong.
"Daga!" naibulalas ko. "May daga Mico.S-sa banyo.Kaya natakot ako." mabuti na lang bigla kong naisipan ang palusot kong ito.Sana paniwalaan niya ako.
"What?!May daga sa banyo?" inis na tanong niya. "Manang?!" sigaw niya sa katiwala.
"Ah Mico,umalis naman na 'yon.Nagulat lang talaga ako." pagdadahilan ko ulit.Sa tono kasi ng pagtawag niya sa katiwala ay parang galit ito.
"No Violet.Hindi dapat nagkaroon ng daga ang banyo." giit niya.
Patay na!
Hindi na lang ako umimik pa.Alam kong hindi din naman ako mananalo sa kanya.
"Yes senyorito?" humahangos na tanong ni manang.Nagmamadali kasi ito.Nataranta siguro sa tono ng pagtawag ni Mico sa kanya.
"Bakit may daga sa banyo sabi ni Violet?" inis na tanong nito.
"Ha?Daga?Paanong nagkaroon ng daga eh nililinis naman namin araw-ara-"
"Wag ng magdahilan pa manang! Hanapin niyo ang daga at linising mabuti ang banyo." putol ni Mico sa sasabihin ng may edad ng katiwala.
"Mico..." agad na saway ko sa kanya.Pinisil ko pa ang palad niya.
"Sorry hon." anito. "sige manang,linisin niyo na ang banyo."
"Okay senyorito." sagot naman nito.Bago siya tumalikod tinapunan pa niya ako ng nagtatanong na tingin.Mukhang hindi siya makapaniwala sa sinabi kong may daga sa banyo.
Bigla akong na-guilty sa ginawa ko.Wala na kasi akong maidadahilan pa kaya kailangan kong magsinungaling.
Malaki na nga ang binago ni Mico sa buhay ko.Ang matutong ma-guilty sa kasalanang nagawa ko ay hindi ko nagagawa dati.Ang dating Violet Fernandez na mataray noon at sarili lang ang iniisip ay heto na ngayon.Marunong ng tumanggap ng kamalian.
"Mico...Violet." napapitlag ako ng magsalita bigla si attorney.Hindi ko pala siya napansin na paparating.Ngumiti siya na para bang wala lang may nangyari.
Tinapunan ko siya ng masamang tingin pero sinigurado kong 'di mapansin ito ni Mico.
"Dude,saan ka galing?" kunot-noong tanong ni Mico.
"Nagpahangin lang sa garden dude." tugon nito.Tumango lang din si Mico.
Ang sarap lang sapakin ng lalaking ito.Sa garden nga siya galing pero hindi nagpahangin bagkus,binalak pa niyang kumbinsihin akong layuan si Mico.
BINABASA MO ANG
My Bodyguard Is My...What?! (Completed)
ChickLitPaano kung matuklasan mo na ang kinuha mong bodyguard ay may malaking bahagi ng pagkatao mo?Ano ang gagawin mo? Magagalit ka ba? Kasusuklaman mo ba siya? Pagtatabuyan mo ba siya? O mamahalin mo siya sa kabila ng lahat? Sino at ano nga ba ang pagkata...