Viola's POV
Nilagpasan ko ang dalawang parehong malandi na ito na hindi ko man lang inabisuhan si Aragon na aalis na ako.
Hindi ko kasi maintindihan ang sarili ko.Parang nagalit ako kay Mico sa nasaksihan ko.
"Hey miss V." Pansin niya sa akin ng mga ilang hakbang na ang layo ko sa kanya. "Sige ha.Habulin ko lang siya." Dinig ko pang paalam niya doon sa nakahalikan niya.
"Pero Mico paano kita matatawagan kung nagpalit ka na ng phone num-"
"Ako na ang bahala." Putol nito sa babaing iyon.
Kaya lalong nagngitngit ang kalooban ko sa narinig.
"Miss V...Wait..." Hinihingal na saad niya ng maabutan ako.Ang bilis pala ng paglakad ko.Tiningnan ko siya ng masama at tumigil saglit sa paglalakad.
Miss V.na ngayon ang tawag niya dahil lang ba nagkita sila ng babaing iyon?Nasaan na ang Violet niyang tawag sa akin kapag kami lang?
Damn!Bakit ba naiisip ko iyon? Violet? 'Di ba ayaw na ayaw ko iyon?Pero kapag siya ang tumawag niyan sa akin ay parang musika sa pandinig ko.
"Sorry..." Walang kakurap-kurap na hinging paumanhin niya.Bakit ba kasi ang gwapo niya.Lalo na dahil sa ayos niya.Sana pala pina-uniform ko na lang siya ng pang-security guard para alam ng lahat na on-duty siya palagi at walang babaing lalandi sa kanya.
Eh ano naman kung may lumalandi sa kanya?Pakialam ko ba doon?
Para na akong baliw na kinakausap ang sarili.Ano na ba ang nangyayari sa akin?Hindi pwede ito.
"Sorry na miss V." Ulit niya.Doon lang ako natauhan nang magsalita siya ulit.
Pumamewang ako at inis na nagsalita.Pinataas ko pa ang kilay ko. "Sorry? Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo Aragon?Nagawa mo pa talaga ang makipaglandian kahit on-duty ka." Alright.Hindi naman siguro ako naghihimig selos 'di ba?No!Hindi naman talaga ako nagseselos!
Sumilay ang kakaibang ngiti sa mga labi niya.Iyon bang parang iniisip niya na nagseselos ako.
"Sorry talaga.Hindi ko kasi in-expect na magkita kami." Seryosong paliwanag nito.
"So?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Wala akong pakialam kung makipaglandian ka Aragon.Basta 'wag lang sa oras ng duty mo!" Napataas pa ang boses ko.Napansin ko na biglang lumukot ang mukha niya.
Akala niya ha.Hindi porket nahalikan niya na ako ay may karapatan na siyang isipin niya na may gusto ako sa kanya.Aba,siniswerte naman yata siya.Bodyguard ko lang siya.'Yon lang 'yon.
"Violet?..." May himig lungkot ang boses niya.Shit,pakiramdam ko,hinaplos na naman ang puso ko.
"Miss V,Aragon.Tawagin mo akong Miss V.Ayokong tawagin mo akong Violet.Naiintindihan mo ba?Bodyguard lang kita." Pinilit ko ang boses ko na maging maawtoridad ito.Pero ewan parang pinagsisihan ko ang mga sinabi ko.
"Yes Miss V.Sorry." malumanay niyang saad.
"Good..." Tiningnan ko siya pero iniwas niya ang mga paningin sa akin. "Now,let's go back to my office." Dugtong ko kasabay nang pagtalikod sa kanya.Hindi ko kasi kayang makita ang mukha niya na nalulungkot.Para akong nahihirapan.
Gosh!What is happening to me?
Nang dahil lang kasi sa babaing iyon.Okay na sana kami ni Mico eh.At kung hindi niya sana hinalikan ang babaing iyon,hindi pa ako magagalit.
Bakit kasi ako magagalit?Eh ano nga ang pakialam ko?
Kasi nga,on-duty siya.Kaya bawal 'yon.
Para na talaga akong baliw na kinakausap ang sariling budhi.
BINABASA MO ANG
My Bodyguard Is My...What?! (Completed)
ChickLitPaano kung matuklasan mo na ang kinuha mong bodyguard ay may malaking bahagi ng pagkatao mo?Ano ang gagawin mo? Magagalit ka ba? Kasusuklaman mo ba siya? Pagtatabuyan mo ba siya? O mamahalin mo siya sa kabila ng lahat? Sino at ano nga ba ang pagkata...