Chapter 31 - Unforgiven

8.4K 251 17
                                    

Mico's POV

Mabilis akong nag-dial sa phone ko upang kontakin si Attorney Klein.Pero ring ng ring lang ang phone niya sa kabilang linya.

“Klein,dude sagutin mo!” mahina kong usal sa sarili.Pero bigo ako.

Sunod kong naisip ay ang agency.Bakit kasi inuna ko pa ang attorney na iyon eh nandiyan naman ang agency namin.

Shit! Ganito siguro talaga ang natatakot sa maaaring mangyari sa babaeng minamahal.Natataranta at nawawala sa pag-iisip.

Ang lakas na rin ng kaba ng dibdib ko.Halos mapapamura ako bawat minu-minuto.

Agad akong nag-dial sa agency pero biglang nag-warning ang phone ko.

Lowbat!

Lalong nangangalaiti ako sa inis.Halos magtatagis na ang mga ngipin ko sa galit.Pero pinilit ko pa ring mag-dial dahil 'di pa naman dead battery ang phone ko.

Mahina akong nanalangin na sana makakontak at may makausap pa ako sa opisina bago tuluyang mamatay ang mobile phone ko.Pero bigo na naman ako dahil 'di pa nga nangangalahati ang dina-dial kong number ay namatay na ang phone ko.Kaya sa inis ko,inihagis ko ang aking phone sa upuan na nasa left side ko kasabay ng paghampas ko ng malakas sa manibela.Wala din kasi akong dalang powerbank.

Lalo kong binilisan ang pagpapatakbo na hindi ko alam kung saan ako patutungo at kung saan ko hahanapin si Violet.

Sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ko,namalayan ko na lang ang sarili ko  na nasa tapat na pala ako ng building na kung saan nandito ang office ni Violet.

Mabilis akong bumaba ng sasakyan at agad na pumasok sa building.

“Ah sir,sandali lang.” hinarangan ako ng guard.Pero mainit ang ulo ko.Kaya walang makakaharang sa akin.

“Bullshit! Don't block my way!” pasigaw kung saad kasabay ng pagkuyom ng mga kamao ko.Dahil anumang oras makakatikim ng kamao ko ang lalaking ito.

“Pero sir,sumusu—”

“Papasukin mo na siya.Kilala ko 'yan.” biglang sumingit ang OIC nila.Mabuti naman dahil kilala ako.Bago na kasi ang guard na ito.Kaya 'di ako nakilala.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon.Agad na akong dumeretso sa floor na kung saan narito ang office ni Violet.At kung bakit ako narito sa office niya,dahil gusto kong magtanong-tanong kung sino ang kasama niya na umalis dito.At gusto kong kumuha ng information bago siya umalis ng opisina.

“Wendy?” agad kong tinawag ang secretary niya ng makita ko ito.

“Oh Mico,este sir Mico,nandito ka pala?” kunot noo niyang tanong sa akin habang nililigpit ang mga gamit sa desk niya.

“Sino kasama ni Violet ng umalis?” mabilis kong tanong sa kanya.

“Siya lang.” deretsong sagot niya. “B-bakit sir?May nangyari ba kay Miss V?” nanlaki ang mga mata niya bigla.Alam niya kasi ang kaso ni Violet dahil 'di ba nga sabi ko kasabwat ko ang babaeng ito.Isang tauhan ko na ipinasok ko sa company ni Violet. “Hala!” dagdag pa niya.

“Damn!” nagtatagis ang mga bagang ko habang binabanggit ang katagang ito.Hindi maari ito.

Agad akong tumalikod kay Wendy.Bahala na.Hahanapin ko si Violet kahit ako lang mag-isa.

“P-pero sir.Sabi ni Miss V uuwi na daw siya!” pahabol na sigaw niya sa akin.

Hindi ko na siya pinansin pa.Nagtungo na ako sa may elevator.Napapasuklay na rin ako sa buhok ko.At wala akong pakialam kung pinagtitinginan man ako ng mga tao dito.Wala akong ibang iniisip kundi si Violet lang.At anumang oras makakapatay ako ng tao.

My Bodyguard Is My...What?! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon