Chapter 34 - Untitled

8.5K 199 13
                                    

Viola's POV

"Baliw din pala si Attorney Mendez." magkasabay na banggit namin ni Mico pagkatapos kung ikwento sa kanya ang pangyayaring 'yon habang tumatawa kami ng marahan.

"Hon..." pagkuwa'y basag ni Mico sa aming kaunting katahimikan ng matapos kaming matawa dahil sa kalokohan ni Attorney.

"Hmmm..." tanging sagot ko na muli kong inihilig ang ulo sa kanyang dibdib.

"Ikutin natin muli ang lugar na ito.Mas maganda ngayon dahil maayos ang panahon.Hindi kagaya noong una tayong pumunta dito." anito.Tumayo siya at iniabot sa akin ang mga kamay niya.Agad ko namang tinugon ang nais niya.Pinatayo niya ako.

Mabilis niya akong hinila papunta sa...

"Micooo!!!" sigaw ko na ngayon ay hinihintay na lang ang pagbagsak sa tubig.Abot-abot ang kaba ko.Ang lakas ng pagkalabog ng puso ko.Hindi ko in-expect na hihilahin niya upang tumalon sa falls na ito.Kaya ito ang dahilan na hindi ako tumalon noong nakaraan na nandito kami dahil takot ako.Pero ito pa ngayon ang ginawa niya.

Nakita ko pa ang pilyo niyang pagtawa bago kami sabay na bumagsak sa tubig.

Agad kong iniangat ang ulo ko at hinanap ko siya. "Mico?" Kinabahan ako dahil hindi ko na siya nakita.Hindi naman ito kalaliman pero natatakot pa rin ako dahil baka may mga mababangis na hayop na nakatira dito sa tubig. "Mico?" Ulit ko habang pinupunasan ang mukha ko gamit ang aking mga palad. "Mico nasaan - ayyy!" napasigaw na lang ako ng may biglang yumapos sa likuran ko.

"Got you!" anito na nakatawa.Sa inis ko,hinampas ko siya.

"Mico naman eh.Tinakot mo ako." nakanguso kong sabi sa kanya habang pumipihit paharap sa kanya.

"Natakot ba ang mahal ko,ha?" kakaibang tingin ang ipinukol niya sa akin.Mula sa mata,papunta sa mga labi ko. "Solo natin ang ulit ang lugar na 'to hon.Paano ba 'yan?" bulong niya sa akin ng idikit niya ang mga labi sa tainga ko.Pakiramdam ko sexy sa pandinig ko ang pagkakasabi niya na para bang tinutukso ako.

"M-mico." ang tanging nasambit ko dahil natatangay na ako sa sensasyon na taglay niya.

At sa isang kisapmata ay sakop na niya ang mga labi ko. "Mag-asawa naman na tayo hon'di ba?" Singit niya sa pamamagitan ng paghalik sa akin.

Agad ko namang naintindihan ang nais niyang mangyari. "Dito Mico?" bumilog ang mga mata ko. "No." dugtong ko pa.

"Hindi na ako makapaghintay Violet." pabulong na wika niya.Pero natawa ako sa sinabi niya.Itinulak ko siya ng marahan at lumangoy palayo sa kanya ng makawala ako mula sa pagkakayakap niya.

"Nababaliw ka na Mico." tukso ko sa kanya habang tumatawa.

"Baliw sa 'yo Violet." sagot niya at naghanda upang habulin ako.

"Hindi mo ako mahahabol Mico." dugtong kong panunukso sa kanya.Naghabulan kami sa paglangoy hanggang sa maabutan niya ako.

Binuhat niya ako at dinala sa malaking bato at pagkuwa'y inilapag ako.

Namilog ang mga mata ko ng mapansin kong nagtanggal sya ng pang-itaas na saplot.

"M-mico,a-anong ginagawa mo?" garalgal at kinakabahan kong tanong sa kanya.Ngunit ngumiti lang siya ng pilyo. "A-ano 'yong naiisip mo ha?" paninita ko sa kanya.

Hindi niya ako sinagot.Bagkus,inilapit pa niya ang katawan niya sa katawan ko.Nahirapan ako dahil hindi ako makagalaw kasi ikinulong niya ako sa makisig nyang katawan.Ang lakas tuloy ng tahip ng dibdib ko.Hindi ko alam kung nakukuryente ba ako o magkakalagnat.

Gayunpaman,ayokong gawin namin ang mga bagay na gawain ng mag-asawa sa lugar na ito.Gusto ko pa rin sa maaayos na lugar kami magkakaroon ng unang pagsisisping bilang mag-asawa.

My Bodyguard Is My...What?! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon