Viola's POV
"Aalis ka?" Gulat na tanong ni Mico sa akin nang maka-baba ako ng hagdan.Nasa sala lang siya at naka-upo.
"May trabaho ako Mico." Sagot ko.
"Bakit 'di ka muna magpahinga kahit isang araw lang Violet?" Tanong niya sa akin.
Hinarap ko siya at tiningnan.Pagkuwa'y iniwas ko ang paningin dahil walang emosyon ang mukha niya.Nakaka-takot pala ang gano'n.Ewan ko.Pero pakiramdam ko nakaka-takot si Mico.
"Nakapag-pahinga na ako kagabi Aragon." Sagot ko ng mahimasmasan ako.
"Pero hindi biro ang nangyari kagabi Violet." Nababahala niyang saad pero may mga pagdidiin.
"Nangyari na 'yon Mico.Wala akong magagawa kung mag-mukmok lang ako dito.Maraming naghihintay sa akin.Ayoko nang dahil lang sa pisting mga tao na iyon na gustong pumatay sa akin ay pabayaan ko na ang trabaho ko - ang negosyo ko." Matigas na sagot ko sa kanya.Napag-isip-isip ko kasi na kapag hindi ako gagalaw at matakot sa mga taong iyon,hindi ko malalaman kung sinu-sino sila.Kung marami ba sila.Malakas ang kutob ko na malapit sa akin ang mga taong ito.Kaya haharapin ko sila.Ayokong magpakita na natatakot ako dahil lang sa mga banta nila.
"Ang tigas ng ulo mo Violet.No!Dito ka lang.At bilang bodyguard mo,hindi kita papayagan.Obligasyon ko ang kaligtasan mo." Wika niya habang napapa-suklay sa buhok niya.Aburidong-aborido ang mukha nito.
"Kung ayaw mo akong samahan,okay lang.Ako na lang mag-isa." Sinamaan ko siya ng tingin at saka tinalikuran.
Sanay naman na ako na palaging mag-isa eh.Sanay naman ako mag-maneho.
Gumaya ako ng garahe upang kunin ang kotse.Ni hindi ko na nilingon si Mico.Nagpapasalamat ako na niligtas niya ako kagabi pero trabaho niya 'yon.Kung ayaw niya akong samahan eh di bahala siya.
"Akin na ang susi." Nagulat ako dahil nasa likuran ko na siya nang akma ko nang bubuksan ang pintuan ng kotse.Nakalahad pa ang kanang palad nito.Dahil sa inis ko,inirapan ko siya.
"Bakit ka sumunod?" Taas ang kilay na tanong ko sa kanya.
"Trabaho ko ito Viola." Sagot niya.
Alright! Trabaho nga niya ito.Pero bakit parang may kirot akong naramdaman sa iisiping trabaho niya lang ito?Hindi siya nag-aalala sa akin kundi dahil sa trabaho niya ito.
"Oh." Halos pahagis ko pa na ibinigay sa kanya ang susi.
Tinalikuran ko na siya at pumasok sa na sa loob ng kotse.Sa gitna ako naupo.Naiinis ako sa kanya kaya ayokong maupo sa unahan na katabi niya.
Amo niya ako.At bodyguard ko siya at the same time ay driver. Kaya tama lang ito.
Tahimik kaming nakarating sa office ko.
"Good morning miss V." Salubong na bati kaagad ni Wendy sa akin. "Good morning also Mr.Aragon." nilingon nito si Mico.
"Good morning too Miss Garcia." Balik bati niya kay Wendy.
Binalewala ko lang ang batian nila.At pati 'yong pagbati ni Wendy sa akin ay hindi ko rin pinansin.Pinaikot ko na lamang ang mga mata ko dahil kahit batiin ko rin siya 'di niya na rin ito mapapansin dahil na kay Mico ang atensiyon niya.
"Miss Garcia,any meeting?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad.Habol naman siya nang habol sa akin at kasunod din si Mico.
"Ay wala po miss V.Pero may tumawag dito kanina.Ikaw ang hinahanap." Sagot nito.
Napakunot naman ang noo ko.Sino naman kaya iyon?
Binuksan ko ang pintuan ng office ko at naglakad papunta sa table ko.
BINABASA MO ANG
My Bodyguard Is My...What?! (Completed)
Romanzi rosa / ChickLitPaano kung matuklasan mo na ang kinuha mong bodyguard ay may malaking bahagi ng pagkatao mo?Ano ang gagawin mo? Magagalit ka ba? Kasusuklaman mo ba siya? Pagtatabuyan mo ba siya? O mamahalin mo siya sa kabila ng lahat? Sino at ano nga ba ang pagkata...