*******************
Viola's POVNanlalaki ang mga mata ko habang sakop pa niya ang mga labi ko.May kung anong boltahe ng kuryente ang gumapang sa katawan ko.Ang lalambot ng mga labi niya.At ang init pa nito.
Namalayan ko na lang na hindi na ako pumapalag sa kanya.Bagkus,parang ginusto ko pa ang ganitong sensasyon.This is my first na naramdaman. 'Yon bang nawawala ako sa wisyo.Hindi ko ito naramdaman kay Aleck dahil gusto ko sa pisngi niya lang ako halikan.
Teka,si Aleck?
Humugot ako ng lakas upang itulak siya ng maalala ko si Aleck na iniwanan namin. Paano kung maghanap iyon?Ano ang idadahilan ko?
Ubod lakas ko siyang tinulak. "Bastos!" Sigaw ko sa kanya at saka sinampal ko siya.Bagay na 'di niya siguro inasahan. Pero ngumisi lang ang gago.
Jerk!
"Bastos ako Violet?'Di ba nga nagustuhan mo rin ang mga halik ko.Lalong-lalo na ang mga labi ko?" Sarkastiko siyang ngumiti.
Sa sinabi niyang iyon,pakiramdam ko umaapoy ang mukha ko.Sobrang init kasi nito na ang ibig sabihin ay nag-blush ako.
"Shut up!" 'Yan lang ang tanging nasabi ko dahil hindi ko maikubli ang kahihiyan ng sarili.Kailangan ko maggalit-galitan at ipakita sa kanya na ako pa rin ang amo niya.Pero narinig ko pa siyang lumagapak ng tawa.At pagkuwa'y sumeryoso na ito.
"I thought, you don't have a boyfriend." At in-istart na ang kotse.Deretso na siyang nakatingin sa daan na tila ba malayo ang paningin.Napapabuntong hininga pa siya.
I arched my right eyebrow at nagsalita. "None of your business Aragon." Mataray na sagot ko sa kanya.
Tama siya.Kahit isa walang nakakaalam na may boyfriend ako.Inilihim ko ito sa lahat dahil ayokong may makakaalam kahit pa si Wendy at Nana Caridad.Ang buong akala nila kasi,'di ako tumatanggap ng manliigaw.At sa tuwing ihahatid ako ni Aleck,nagdadahilan ako para 'wag lang matuloy.
"We're on business Violet." Narinig kong sagot niya.Isa pa.Mahahampas ko na ang lalaking ito.
Sinamaan ko siya ng tingin.Hindi pwedeng ganituhin niya lang ako.
"Oh,what kind of stare was that,honey?" Nakangising tanong niya ng matapos ko siyang titigan ng masama.Nauubos na talaga ang pasensiya ko dito.Nanggigil na ako.
Honey? Bakit pakiramdam ko may kakaibang haplos 'yon sa puso ko.
Shit!
"One more word Aragon, and you will see." Banta ko sa kanya.Pero hindi ko man lang siya nakitaan na natinag.He smiled mockingly, instead.
"And I'm so excited to see,Violet." He said with a sweet tone.And then, he winked at me.
Napaawang na lang ang mga labi ko.Paano ko ba magagawang magalit dito?Heto nga oh.Kahit nagagalit ako,pero nawawala kapag ngumiti siya at kindatan ako.
"Bakit ka ba ganyan,huh?" Inis kong tanong sa kanya?
"Na sweet ako?Na matamis ang mga labi ko?Don't worry Violet.It's all yours." At ngumisi na naman ito.Oo na.Aaminin ko na.Pinamulahan na ako.At 'di ko maikubli ang kiliti na nadarama ko sa bodyguard na ito na ilang araw ko pa lang nakilala.Pakiramdam ko kasi kapag magsalita siya sa akin ay matagal na niya akong kilala.Ang lakas kasi ng loob niya na gawin ang mga bagay na ito sa akin.
Hindi ko naramdaman ang ganito kay Aleck sa tuwing bibitiw 'yon ng mga sweet words.Pero sa taong ito,nang-aasar na nga,pero gusto ko pa ring marinig ang pang-aasar niya.
BINABASA MO ANG
My Bodyguard Is My...What?! (Completed)
ChickLitPaano kung matuklasan mo na ang kinuha mong bodyguard ay may malaking bahagi ng pagkatao mo?Ano ang gagawin mo? Magagalit ka ba? Kasusuklaman mo ba siya? Pagtatabuyan mo ba siya? O mamahalin mo siya sa kabila ng lahat? Sino at ano nga ba ang pagkata...