Chapter 4-Pardon Me Madame

12.1K 420 26
                                    

Viola's POV

Single
26 years old

'Yan ang mga nabasa ko sa information niya.

Damn!

Hanggang ngayon kasi paulit-ulit ko pa ring bina-balikan sa pagbasa ang info niya.Hindi ko alam kung ano ang nagtutulak sa akin upang kalkalin ang buhay niya.

Kung ganoon pala,matanda lang siya ng tatlong taon sa akin.

And so Viola?Anong connect?

Napapa-arko na lang ang kilay ko at sinarado ang file na nakasaad ang tungkol sa buhay niya.

Ilang araw ko na bang kasama 'to?At hanggang ngayon ay 'di pa siya tumitigil sa kaka-sagot sa akin.Kahit pa tarayan ko siya at pagalitan,pero gano'n pa rin siya.Ang lakas ng loob niyang sumagot-sagot sa akin.Bagay na hindi ko kayang pahintuin sa unang pagkakataon.And I hated myself dahil hindi lumalabas ang pagiging bossing ko kapag siya ang kasama.

Napakurap ako ng mga mata ko ng bigla siyang umangat ng ulo at deretsong tumingin sa akin.

He smirked at ngingisi-ngisi na para bang nagmamayabang sa sarili.Napabuga ako ng hangin just to hold my temper.Ayokong masira ang araw ko nang dahil sa kumag na ito.

Panaka'y nakita ko na lang siya na nakangiti na para bang may naglalaro sa isipan niya.He glanced at me one more time and then he continued typing at his laptop.Ewan ko ba nitong mga huling araw,panay ang tipa niya sa laptop nito.According to my observation,palaging naka-kunot ang noo niya sa tuwing nasa harap ng laptop.Para bang siya ang CEO ng isang kumpanya kung mangunot ang noo.Hindi ko naman kasi tini-tingnan ang mga pinagagawa niya dahil out na ako doon.Ang importante lang naman sa akin ay attentive siya as my bodyguard.

At nitong mga huling araw ay nawawala na rin ako sa huwesyo sa tuwing nandito ako sa office habang kaharap ko ang aking bodyguard na saksakan na nga ng yabang,feeling gwapo pa.

"Damn!...F*ck!"

Napabalik ang atensiyon ko sa kanya ng marinig ko ang mahinang pag-mumura niya.Napasuklay pa siya sa buhok at marahan na ibinagsak ang mga kamay sa mesa.Kaya na-alerto ako.

"Lessen your words Aragon." Inis na sita ko sa kanya.Parang bahagya pa siyang nagulat ng marinig ako.

"Oh...I'm sorry miss V.I thought I'm in my off-I mean..." Nakatitig lang siya sa akin na tila bang nag-i-isip ng palusot. "...ang ibig kong sabihin,akala ko kasi wala ka eh.Nakalimutan kita.Kasi ba naman...dati nasa isip pa kita.Ngayon,nasa puso na pala kita." Ibinulong niya 'yong huli niyang sinabi pero hagip na hagip ng pandinig ko.Kaya lalo akong nairita.

"Hindi ako nakipag-biruan sayo Aragon." Matalim na tingin ang ibinato ko sa kanya. "If you want to stay here...inside my office,you better quiet and follow my words." Ma-awtoridad na saad ko sa kanya.

"Yes ma'am." He saluted me na diniinan pa ang pagkaka-banggit ng katagang ma'am. "Pardon me Madame." Dugtong pa nito.Nagpa-cute pa ang kumag sa akin.Sa halip na magngingit-ngit ang kalooban ko sa kanya pero lalo pa yata akong natuwa sa inakto niya.

Babarahin ko na naman sana siya pero nag-ring ang phone ko.Napasimangot ako ng mabasa ko ang naka-register na contact dito.

"Hello babe." Halos maduwal pa ako sa pagkaka-banggit ng walang kwentang endearment na yan.Pero nahagip ng paningin ko kaagad si Mico na tumingin sa akin ng banggitin ko ang babe.Naka-kunot noo pa ito na para bang galit?

"[Oh hi babe.How are you.I missed you baby.Do you miss me too?]" Napangiwi ako ng tawagin akong baby ng nasa kabilang linya.Kahit anong pilit ko talaga na bigyan ng kahit kaunting pagmamahal ang lalaking ito,pero hindi ko kayang gawin.Wala akong naramdaman.At never kong naramdaman ang mag-mahal.Oo manhid ako.At ang lalaking ito,ay sinubukan kong maging boyfriend kahit di ko mahal.At isa pa,ayokong mag-mahal dahil love won't exist para sa akin.Sagabal lang 'yan sa mga pangarap ko.

My Bodyguard Is My...What?! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon