Viola's POV
“Uncle Ernie,tita.” lumapit ako sa kanila at pareho ko silang hinalikan sa pisngi.Finally nakarating na rin kami ni Mico dito sa kanila.
“Iha?” halatang gulat si tita sa pagdating ko.At gan'on din si uncle Ernie.
“Kamusta naman kayo dito?” agad na tanong ko at saka inikot ang paningin sa kabuuan ng bahay. “By the way tita,this is my...” nilingon ko muna si Mico.Pero tiningnan niya ko ng makahulugan.At mabuti dahil nakuha ko kaagad ang nais niyang iparating. “...my bodyguard.” dugtong ko.Kanina kasi,boyfriend sana ang ipakilala ko eh.Nakalimutan ko pala na hindi pa pwede dahil nasa imbestigasyon pa kami.
“Hello po.” magalang namang bati ni Mico sa kanila.Sa asawa ni Uncle Ernie ko lang siya pinakilala dahil kilala na siya ni Uncle.
“Mabuti naman dahil naisipan mong kumuha ng bodyguard iha.Atleast hindi na mag-aalala ang uncle mo.Akala ko nga noong una nagbibiro lang siya sa akin noong sinabi niyang may bodyguard ka na.” madaldal niyang saad.
Hindi ko na pinansin ang mga sinabi niya.
“Napasyal kayo?” basag ni uncle sa kaunting katahimikan na namayani.
“Bawal po ba uncle?” sarkastiko kong tanong.
“Violet...” mahinang banggit niya ng pangalan ko kasabay ng pag-iling niya.
“Teka lang ha.Kukuha lang ako ng meryenda.” biglang singit ni tita ng maramdaman niya ang tensiyon.Hindi ko mawari pero parang natataranta siya.Kungsabagay,palagi naman 'yan kapag kausap ako.
“Nasaan pala ang mga pinsan ko?” tanong ko kaagad ng makaupo kami ng sofa.Sa tabi ko na rin naupo si Mico.
“Wala pa.May pinuntahan ang mga iyon iha.” sagot niya.Kumuha siya ng sigarilyo na narito sa round table.
“Uncle.Masama 'yan.” agad kong inagaw sa kanya ang sigarilyo ng akma niya na itong sisindihan at itinapon sa may basurahan. “Kailan pa kayo natutong manigarilyo?” inis ko pang tanong.Hindi ko naman matandaan kung naninigarilyo na ba ito dati.
“I'm sorry iha.Pampatanggal ko lang ng stress 'yan.” dahilan niya.Napabuntong hininga pa siya.Si Mico naman ay tahimik lang sa may tabi ko.Pero alam kong nagmamanman siya dito sa loob ng bahay o sa kilos ng mag-asawa.
“Kahit na uncle.” nag-aalala kong sabi.Totoo naman talaga na nag-aalala ako sa kanya.Sila na lang ang natirang pamilya ko na malapit sa akin. “Stressed ka saan?” dugtong ko pa na naka-kunot-noo.
“Wala iha.” umiwas siya ng tingin sa akin.
“Oh merienda muna kayo.” inilapag ni tita ang sandwich na ginawa niya sa round table na maliit dito.
“Wala?Tapos sabihin mong stress ka uncle?” inis kong sabi.Nakakainis lang naman kasi eh.
“Wala nga iha.At isa pa,hindi mo na kailangang malaman baka pati iyon ay problemahin mo pa.” sa malumanay niyang wika.Kaya kami ni Mico ay nagkatinginan na lamang.
Hindi ko na siya pinilit na umamin.Pero hindi ko maiwasan ang kabahan sa mga sinabi niya.Narito ang pakiramdam na parang may tinatago sila sa akin.
Hindi rin kami nagtagal ni Mico sa kanila.Hindi ko na hinintay na dumating ang mga pinsan ko.Naawa ako sa kanila na hindi ko maintindihan.Parang 'yon bang may tinatago sila sa akin.Halos natataranta kasi ang mag-asawa eh.
“Mico,ano sa palagay mo?” seryoso kong tanong sa kanya lulan ng kotse.
Tumikhim siya bago nagsalita. “Mayroong tinatago sa iyo ang mga iyon hon.” so hindi lang pala ako ang nakaramdam kundi pati si Mico.
BINABASA MO ANG
My Bodyguard Is My...What?! (Completed)
ChickLitPaano kung matuklasan mo na ang kinuha mong bodyguard ay may malaking bahagi ng pagkatao mo?Ano ang gagawin mo? Magagalit ka ba? Kasusuklaman mo ba siya? Pagtatabuyan mo ba siya? O mamahalin mo siya sa kabila ng lahat? Sino at ano nga ba ang pagkata...