Chapter 10-You're Safe With Me

10.6K 261 28
                                    

Viola's POV

"Ah Mico..." Pukaw ko sa kanya.Ang lalim kasi ng iniisip niya at ang tahimik namin sa office na ito.Si uncle naman ay umalis na kaagad pagkatanggap ng tseke.

"Yes miss V." Napaangat siya ng mukha at ngumiti na tumingin sa akin.Shit naman.Bakit ba ang gwapo nito?

"Ah..." Damn!Bakit ba na-bablangko ako?Ano nga kasi ang sasabihin ko sa kanya? "....ah kamusta sa inyo?'Di ba umuwi ka?" Dugtong ko.Mabuti na lang dahil mabilis akong napaisip.Pero ang totoo niyan,ang iniisip ko ay ang mga narinig ko kanina sa kanila ng mga helper ko na kung may girlfriend na ba siya.

Gustuhin ko mang itanong iyon,pero ano ba ang pakialam ko?

"Okay naman sila Violet." Maiksing sagot niya.

"How about your mom?" Tanong ko.Napakunot noo naman ito sa tanong ko.

"She's good naman.Bakit mo naitanong Violet?" He asked na para bang may iniisip.

"Ah kasi,nabanggit mo sa akin na pinapauwi ka niya.Kaya akala ko kung ano ang nangyari sa kanya." May pag-aalalang tanong ko.Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko kung bakit bigla na lamang ako nagkaroon ng concern sa ina niya.

"Ay oo nga 'no.Sorry.Na-miss lang ako no'n kaya ako pinauwi." Umiwas siya ng tingin sa akin.Parang may mali yata.Nanay niya kaya ang inuwian niya o ang malanding babaing iyon na hinalikan niya?

Dahil sa sumagi sa isip ko ang pangyayaring iyon sa labas ng banyo,bigla yatang nainis ako sa kanya.Nagsisinungaling lang ba siya sa akin?

"Nanay mo ba talaga ang inuwian mo o isang babae?" Kahit ako ay nagulat sa lumabas sa mga bibig ko.Pero huli na ang lahat para bawiin ko.Nakalabas na eh.

Napansin ko ang pagngisi niya ng nakakaloko.Nilaro-laro niya muna ang ballpen na hawak niya at saka nagsalita.
"Kapag ba sinabi kong doon nga,ano ngayon Violet?"

Ouch!Masakit 'yon ah.

Oo nga naman.Eh ano naman?Wala naman akong karapatan eh.

Nag-init ang mukha ko.Napahiya ako sa tanong niya.

"Pero ang paalam mo sa akin ay sa nanay mo ikaw uuwi.Tapos doon ka lang pala pupunta?Nagsinungaling ka pa.Sana man lang sinabi mo sa akin.Madali lang naman akong kausap eh." Gigil na saad ko.Mabuti na lang at mabilis akong nakahanap ng palusot.

"Hey." Tumayo siya at lumapit sa kinaroroonan ko.At heto na naman ang traidor kong damdamin.Ang lakas na naman ng tibok. "Hindi ko sinabi na doon nga ako galing.Tinanong lang kita kung ano ang gagawin mo incase na doon nga ako umuwi." Dugtong niya ng makalapit sa akin as in malapit siya.Kaya naaamoy ko na naman ang pabango niya.

"H-hindi ko kailangan ang paliwanag mo Aragon." Matapang na sagot ko.

"Mabuti na iyong nagpapaliwanag Violet.Para naman hindi ka mag-iisip ng kung anu-ano." Halos pabulong na sabi niya.Idinikit pa nito ang mga labi niya sa tainga ko.Pakiramdam ko tuloy nagsitayuan ang mga balahibo ko.

"Bakit,ano ba ang iniisip mong iniisip ko huh?" Mataray na sagot ko habang marahan ko siyang itinulak.Kapag nakadikit kasi siya sa akin para akong nahi-hipnotismo.

"Ano nga ba Violet?" Pilyo niyang tanong at saka dumako ang mga paningin niya sa mga labi ko.

Manyakis!

"W-wala." Napapalunok kong sagot.

"Tss." Tanging sagot niya at saka tumalikod.

Sinundan ko na lang siya ng tanaw habang pabalik siya sa mesa niya.Dapat pala hindi ko na siya tinanong.

My Bodyguard Is My...What?! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon