*Honeymoon*
Viola's POV
Napabuntong-hininga ako habang kinakabahan.Pakiwari ko pati mga tuhod ko ay nangangatog na rin.
This is it!
Ang akala kong honeymoon noon pagkatapos ng madugong labanan ay ngayon pa lang matutuloy.
Isang buwan pa ang nakaraan.Bago kami ikinasal ni Mico sa simbahan.Ayoko kasing madaliin ang lahat.Gusto kong ayusin muna ito para matiwasay na maidaos ang pangalawang kasal namin.Oo.Ikinasal kami ulit.Gusto ko kasi na kahit kasal na kami ni Mico ay magpapakasal kami ulit sa simbahan upang magkaroon naman ng bendisyon ang pagsasama namin bilang mag-asawa.
Noong una,medyo disappointed pa siya dahil sa mga desisyon ko.Pero mabilis niya naman akong naintindihan.
Masayang naidaos ang kasal namin.Bongga at kilalang mga tao ang inimbitahan namin.Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ni Mico sa akin habang sinasambit ang vows niya sa akin.Punong-puno ng pagmamahal 'yon.
At si Diosdado?Inayos din ni Mico ang lamay niya at libing nito.Kahit paano kasi naging bahagi din ng buhay niya ang nasabing lalaki.
Laman ng mga balita sa telebisyon,sa dyaryo at sa radyo ang kaganapang nangyari sa amin sa kamay ni Diosdado noon pati ang labanan.Kaya pinalipas muna namin ang mga 'yon.
“Hon...are you ready?” napakislot ako ng may biglang pumulupot na mga braso sa baywang ko.Kasabay noon ay ang paghalik niya sa batok ko.Kaya ramdam na ramdam ko ang init ng hininga niya na pakiwari ko ay tila ba kuryente na biglang bumalatay sa buong katawan ko.
“Ang ganda ng view,right hon?” at ngayon ay sa ilalim na naman ng taenga ko niya hinalikan ako habang dahan-dahan niya akong sinasayaw.Sinasabayan niya kasi ang romantic instrumental music na pinatugtog niya.
“Y-yeah Mico.A-and thank you.” nauutal kong saad.Halos 'di na nga ako makahinga ng dahil sa ginagawa niya pero lalo pa niyang hinihigpitan ang pagkakayakap sa akin.
“Can we start? O gusto mo munang titigan ang maliwanag na ilaw ng Eiffel Tower habang niyayakap kita?” malambing niyang tanong sa akin.
Siya nga pala.Nandito kami sa Paris.Dito namin gaganapin ang honeymoon.At isa pa ito din ang gusto kong mapuntahang lugar noon bago mamatay ang mga magulang ko.Hindi lang ako nakapunta noon dahil sobrang naging busy ako sa mga negosyong naiwan nila sa akin.
Napatingin ako sa sinabi niyang sikat na tower dito sa Paris.Mula kasi dito sa mamahaling hotel na tinuluyan namin ay kitang-kita ang nasabing tore.Gabi na kaya nakikita ang mga ilaw sa kinaroroonan nito.
“Atat ka na ba my Mico?” tudyo ko sa kanya.
“Of course hon.Kaytagal kong hinintay ang pagkakataong ito.” dinig ko ang tawa niya. “Don't tell me na hahanap ka na naman ng dahilan para 'di matuloy?” puno ng lungkot na saad niya.Kaya parang naantig naman ang puso ko. “Pero kung ayaw mo pa,okay lang.Makapaghintay naman ako tulad ng sinabi ko sa 'yo.” dugtong pa niya.
Natawa ako sa aking isipan.Palagi ko na lamang bang paghintayin si Mico?
Tinanggal ko ang pagpulupot ng mga braso niya sa baywang ko at marahan na humarap sa kanya.
Marahan kung piningot ang ilong niya at tinitigan siya sa mga mata.Ikinawit ko rin sa kanyang batok ang aking mga braso at ngumiti ng matamis.
“I'm all yours tonight Mr.Mico Luis Aragon.” kinindatan ko siya at mabilis na hahalikan sana pero mabilis niyang na-harangan ang mga labi ko gamit ang kanyang hintuturo na inilagay rito.

BINABASA MO ANG
My Bodyguard Is My...What?! (Completed)
Literatura FemininaPaano kung matuklasan mo na ang kinuha mong bodyguard ay may malaking bahagi ng pagkatao mo?Ano ang gagawin mo? Magagalit ka ba? Kasusuklaman mo ba siya? Pagtatabuyan mo ba siya? O mamahalin mo siya sa kabila ng lahat? Sino at ano nga ba ang pagkata...