Chapter 16-Let The Game Begin

9.6K 248 19
                                    

Viola's POV

"Natatakot ka na ano Violet?" May pag-aalalang tanong niya sa akin.

Napapalunok naman ako dahil sa uri ng pagtitig niya sa akin.Sa klase ng pagtitig niya sa akin,ramdam ko na mayroon siyang ini-expect na sasabihin ko.

"What is it Violet?" Hinawakan niya ang kamay ko. "Tell me." Dugtong pa niya.

Animo'y napako ako sa kinatatayuan ko.Parang hindi kayang bumuka ng mga bibig ko.Kinakabahan ako.Ang lakas kasi ng kalabog ng dibdib ko.

Aaminin ko na ba sa kanya?Paano kung malaman niya ang nararamdaman ko at sasamantalahin niya ito?Paano kung paglaruan niya lang ako dahil ako ang unang nagpahayag sa kanya ng damdamin ko.

"Aherm!" Tumikhim ako para linawin ang lalamunan ko.Sobrang lapit na kasi niya sa akin.Napansin kong umangat ang sulok ng bibig niya habang hinihintay ang sasabihin ko. "M-mico,paano kung malaman mo ang nararam -"

"Oh Luis,Violet.Halina kayo.Naghihintay ang pagkain." Hindi ko napatuloy ang sasabihin dahil biglang bumukas ang pintuan.Dumungaw ulit ang babaing tinatawag niyang nanay.

"Sige ho nay.Labas na kami." Napakamot na lamang si Mico sa ulo nito na para bang nanghihinayang dahil hindi ko nasabi ang dapat kong sabihin.

"N-next time na lang...siguro Mico.T-tara na...b-baka magalit pa ang nanay mo." Nauutal kong sabi sa kanya at iniwas ang tingin.Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi natuloy ang sasabihin ko.Ano kaya ang naging reaksyon niya sana kapag natuloy ang pag-amin ko sa kanya.

"Okay.Let's go." Pagkasabi niya ay pinunasan niya ang pumatak kong luha sa pisngi ko at saka hinila na ako palabas.

Inalalayan akong pinaupo ni Mico sa tabi niya.Bale kaharap ko 'yong nanay niya.At napansin ko rin na sa pinaka-dulo ng mesa ay ang may edad na ring matandang lalaki.Nasa kaliwa nitong side ang nanay ni Mico at si Mico naman ay nasa kanan.At ako naman ang kasunod ni Mico.

"Kain ka na." Sinadukan ako ni Mico ng fried rice.Then nilagyan niya rin ng scramble egg ang plato ko at...

ginisang sardines?

Paningin ko pa lang sa ulam ay hindi ko kakayaning lunukin ito.Hindi kasi ako kumakain ng sardinas.Parang kadiri kasi tingnan.Okay pa sa akin ang scramble egg.At isa pa,hindi ako kumakain ng kanin sa umaga.Bread sa akin ay okay na.

"Pasensiya ka na sa pagkain namin iha." Napalingon ako sa may edad na lalaki na sinasabi ko kanina.Napansin nito siguro na napatigil ako at napatitig sa nakahaing pagkain sa mesa.

"Naku,okay lang ho 'yon tatang.Kumakain po niyan si Violet." Agad na depensa ni Mico sa tinatawag niyang tatang.Siguro ito iyong asawa ng tinatawag niyang nanay.

Blangko akong tumingin kay Mico pero kinindatan niya lang ako at pinisil ang kamay ko.Bigla namang nag-init ang mukha ko.

"Oo nga pala Violet,sina nanay at tatang.Sorry,nakalimutan kong ipakilala sa 'yo." Pakilala niya sa mga ito.

"Hi po." Ngumiti naman ako sa kanila at nag-wave lang.

Nahihiyang tumugon naman ang dalawa.Pakiramdam ko nga eh naiilang sila sa akin.

Sinimulan ko ang sumubo.Tulad ng inaasahan ko,medyo nasusuka pa ako sa sardines. Ang weird kasi ng lasa.Hindi ko masabi kung ano.Pero ng kalaunan,nagustuhan ko naman siya kahit papaano.

Panay din ang sulyap ni Mico sa akin.At ang dalawang mag-asawa naman ay nakayuko lang habang kumakain na para bang hiyang-hiya.

Napaisip tuloy ako.Hindi naman siguro ito mga parents ni Mico.Ang layo naman kasi.

My Bodyguard Is My...What?! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon