Viola's POV
"Bakit mo ako pinapaiwas kay Mico?" gigil at puno ng inis na pagkakasabi ko.
"Well..." umupo siya sa isa pang swivel chair at saka nag-cross legs habang nagpapakawala ng hininga. "...dahil 'yon ang nararapat Miss Fernandez." anito.
"Ano ang nararapat doon?!" tumaas ang boses ko.
"Makinig ka Violet Fernandez." saad niya na pilit pinapaintindi sa akin ang kanyang sinasabi. "ginagawa ko 'to dahil ayokong malagay kayo ni Mico sa panganib."
"Panganib?" tiim bagang na tanong ko. "alam mo ba ang panganib sa buhay ko attorney,ha?" ang alam ko kasi wala akong sinasabihan maliban na lang kung sinabi sa kanya ni Mico ang lahat.
"Miss Fernandez,I'm your lawyer.So I should know." nakakangising sagot niya.
"You should know?" I smirked. "attorney naman.Huwag mo ng paikutin ang usapan natin.Tell me,kung bakit mo ako pinapaiwas kay Mico at kung bakit..." diniinan ko ang huling salita. "...kung bakit nasabi mo ang panganib na 'yan.May kinalaman ka ba?" tinitigan ko siya.
"Violet please,nakikiusap na ako sa 'yo.Just do what I want to happen." may halong pakiusap ang tono niya.
"No!" asik ko. "Tell me and explain to me para sabihin kong sundin ko ang sinasabi mo."
"Basta iwasan mo si Mico muna." akmang tatalikod na siya sa akin ngunit sa inis ko,pinigilan ko ang mga braso niya.Dahilan upang masagi ko ang ibang papers na nakapatong sa table niya.
Isang maliit na papel ang lumipad sa sahig.Kaya naagaw ang pansin ko dito.Agad kong binitawan ang braso niya at mabilis na lumapit sa nasabing papel.Ewan ko ba,pero may kung anong enerheya na humihigop sa akin para lapitan ang papel na ito.
Tiningnan ko agad ang nakasulat sa papel at muntikan ko na itong mabitawan sa gulat at kaba.Pakiramdam ko para akong namutla sa nabasa ko.
Mabilis na lumapit sa akin si attorney. "akin na 'yan Violet." agaw niya sa papel ngunit inilag ko ito at sinalubong siya ng magkabilang sampal.Halos nandidilim ang paningin ko sa kanya.Nanginginig ang mga laman ko.
"Hayop ka attorney!" pinaghahampas ko siya sa dibdib na siya namang pagpigil niya sa mga kamay ko. "Ano ito ha?!" sigaw ko at ipinakita sa kanya ang nakasulat sa papel.
"Violet,let me ex-" sinampal ko siya ulit.Pakiramdam ko naghurimentado ako.
"Traidor ka! I trusted you!" namamalat na ang boses ko.Sinampal ko siya ulit!
Hindi ko mapigilan ang sarili ko.Sa dinami dami ng tao sa mundo na pwedeng magbanta at magka-interes sa buhay ko,si Tito Diosdado pa at ang attorney na ito. "Tell me,magkasabwat kayo ng hayop na 'yon?!" sigaw ko sa kanya.Siguro halos mabibingi na siya.
Sino ba ang hindi magkaganito kung matuklasan mo na ang nagpapadala sa akin at kay Mico ng mga threats ay ang taong malapit sa amin-si Tito Diosdado.Sa papel na ito,nakasulat ang pangalan niya at ang number na ginagamit sa amin sa pagtetext ng pananakot.Itong dalawang phone numbers na ito.Tandang-tanda ko ang mga 'yon.Sadyang kinabisado ko talaga 'yon.
"Ano?!" gulat siya ng sumigaw ako ulit.
"V-violet,hindi mo maintindihan kapag pinaliwa-" sa inis ko,sinampal ko na naman siya.
"Hayop ka talaga!H-hayop ka!" gigil ko siyang pinaghahampas muli sa dibdib.Hindi man lang siya umilag.
"Ipapakulong kita!Ma.bu.bu.lok ka sa bilangguan attorney.Kayo ng Diosdado na 'yon!"Napapaiyak na rin ako sa sobrang sama ng loob.Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.Hindi ako makapag-isip ng matino.Pero isa lang ang sigurado ako.Ang magkasabwat sila ni Tito Diosdado.
BINABASA MO ANG
My Bodyguard Is My...What?! (Completed)
ChickLitPaano kung matuklasan mo na ang kinuha mong bodyguard ay may malaking bahagi ng pagkatao mo?Ano ang gagawin mo? Magagalit ka ba? Kasusuklaman mo ba siya? Pagtatabuyan mo ba siya? O mamahalin mo siya sa kabila ng lahat? Sino at ano nga ba ang pagkata...