Chapter 32-In Your Arms Again

8.7K 221 10
                                    

Viola's POV

"V-violet,alam kong naririnig mo ako.Sabihin mo sa akin kung ano ang gagawin ko para mapatawad at pakinggan mo lang ako?K-kung gusto mong lumuhod ako sa harapan mo,g-gagawin ko.'W-wag mo lang akong iwan.Huwag mo lang akong hiwalayan.Please....Violet." Dinig kong pagsusumamo niya sa garalgal na boses.

Awang-awa na ako sa kanya.Gusto ko ng buksan ang pintuan ulit.
Huminga ako ng malalim at pinakawalan ang hangin sa aking dibdib na pakiwari ko ay ito ang nagbibigay ng bigat dito.Mabilis ko ring pinunasan ang mga luha ko.Ayokong umiyak ng malakas.Dahil ayokong iparamdam sa kanya na apektado ako sa pagmamakaawa niya.

'Mico,hindi mo lang alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon.Lalong-lalo na kapag naririnig ko ang pagsusumamo mo.Pero hindi na maaari.Hindi biro ang ginawa mo.'

Napahikbi ako habang nakatakip naman ang mga palad ko sa aking bibig.Dahil kapag hindi ko 'to ginawa,hindi ko mapigilan ang umiyak ng malakas.

Ngunit dahil sa kakapigil ko ng sarili,hindi ko rin kinaya.Naisipan kong buksan ang pintuan para pagtabuyan siya.Para matapos na rin ang lahat sa amin.Hindi ko alam,pero parang ayoko na siyang mag-explain sa akin ng lahat.Siguro naman klaro na sa akin ang lahat.

"Ano ba Mico?!Ang ingay mo!" bulyaw ko pagka-bukas na pagka-bukas ng pintuan. "Umalis ka na nga at huw-" nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin at hinalikan sa mga labi.Nanlaki bigla ang mga mata ko at hindi kaagad nakapanlaban sa ginawa niya.Hindi ko inisip na gagawin niya ito sa akin.

Isang mapusok at punong-puno ng pananabik ang halik na ginawad niya sa akin.Gustuhin ko man na manlaban pero tinatraidor na ako ng aking katawan.Sa halip na iwasan ko ang bawat pagdiin ng mga labi niya ay lalo ko pa yatang pinanabikan ito.

Pansin ko rin ang marahan niyang pagsipa sa pintuan dahilan upang magsara ito.Wala na akong nagawa kundi ang tugunin ang bawat halik niya.

Aaminin ko man at sa hindi,sobrang namimiss ko siya.Namimiis ko ang isang Mico Luis Escudero Aragon.Namimiss ko ang mga labi niya,ang mga yakap niya at ang mga mabango niyang hininga sa tuwing maglalapat ang aming mga labi.Namimiss ko rin ang mga bisig niya na nakayakap sa akin ng mahigpit.'Yon bang yakap niya na parang ayaw niya akong mawala sa kanya.

"V-violet...h-hon..." mahina at halos pabulong na sambit niya ng pangalan ko habang tinititigan ang buong mukha ko.Ako naman ay parang natulala habang sinasalubong ang mga titig niya sa akin.Ang mga titig niya na puno ng pananabik sa akin.Ang mga titig niya na tila bang nagsasabi na patawarin ko na siya.Na mahal niya ako.Ang mga titig niya na nagpapatunaw ng galit sa puso ko para sa kanya.

Mga ilang segundo din kaming nagtitigan bago siya nagsalita. "H-hon,I love you."

"M-mic-"

"Ssshh..." agad niyang idinampi ang dalawa niyang daliri sa bibig ko ng tinangka kong magsalita.Gusto ko lang naman sanang sagutin ng 'I love you too' ang sinabi niya eh.

Ngayon,alam ko na.Hindi ko na kailangan ang paliwanag niya.Kung magpapaliwanag man siya,handa na akong pakinggan.Mapasama man 'yon o mapabuti.Ang mahalaga,nalaman kong kahit anong galit ko pala sa kanya,hindi ko pa rin kayang tuluyan siyang iwanan.

Sa isang yakap,sa mga braso at sa mga halik niya lang pala matutunaw ang galit ko.Sa isang 'I love you' at sa mga titig niya lang pala ako matitinag.Sa gan'ong paraan niya pala ako kayang kontrolin.Kaya niyang kontrolin ang isang Violet Fernandez na may matigas na puso.

At dahil sa paglipad ng isipan ko,naramdaman ko na lang ang paghawak niya sa magkabilang balikat ko at marahan niya akong isinandal sa dingding.

"Damn!Ikakamatay ko kapag mawala ka sa akin hon." malambing at punong-puno ng emosyon na saad niya.

My Bodyguard Is My...What?! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon